Nang makarating kami sa banda na parang terrace ng temple ay nakita ko ang magandang tanawin ng Cebu. Sobrang lakas ng hangin na pakiramdam ko ay mabibingi ako dahil rinig na rinig ko sila, pero at the same time, nakaka-gaan ng loob. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na kuhanan ng video ang napaka-gandang overlooking ng Cebu. “Did you love it?” she asked while I am filming the beautiful scenery. “Sobra.” She chuckled. “Thank you for letting me come back here. Ayoko kasi pumunta ng mag-isa dito, nasi-senti ako.” When I’m done filming it, ini-stop ko na ang pagre-record at hinarap siya. “No. Thank you for bringing me here. I’ll never forget this day.” She smiled. “I’m glad you enjoyed your stay here.” “Thank you for making my last day here in Cebu, so, so memorable.” I said while smi

