Maaga pa lang nang umalis ako ng hotel para pumunta sa airport. Ngayon na ang alis ko papunta sa susunod na destinasyon ko, ang Davao. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o malulungkot ako dahil iiwan ko na ang Cebu. Pero babalik ako dito kapag may oras na ulit ako, at sisiguraduhin kong may kasama na ako. Kagabi, bago ako matulog, ay inupload ko na muna sa website naming dalawa ni Cassandra ang Vlog na ginawa ko dito sa Cebu. Habang pinapanood ko ang Vlog na ginawa ko, ay naalala ko yung mga unang araw ng pamamasyal ko dito. Hindi ko naman maitatanggi na nalulungkot ako dahil mag-isa lang akong naglilibot dito, pero kahit papaano ay naibsan ang kalungkutang iyon dahil hindi naman ako hinayaang mag-isa ni Danika. Nang bandang 8:30 AM, thirty minutes bago ang flight ko, ay narinig ko ang

