Hanggang sa makarating ako sa Capitol Central Hotel and Suites na tutuluyan ko dito ay iniisip ko pa rin ang sinabi ng batang babaeng nakabungguan ko kanina sa airport. Minura niya ba ako? Humiga ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Mukhang kailangan ko rin na pag-aralan ang lenggwahe nila, ah? Pero hanggang kailan ko ba balak manatili dito? Hindi ko na namalayan pa na nang dahil sa pagod, nakatulog pala ako. Nagising ako bandang 2:00 PM dahil sa ingay ng cellphone ko. Nakita kong tumatawag si Timmy. s**t, nakalimutan kong magtext na nakalapag na ako sa Cebu! Mabilis ko iyong sinagot. "Hoy Timmy! Anak ng!!! Nandyan ka na nga sa malayo, pinasasakit mo pa ulo ko?!?!?! Bakit daw di ka nagtext sa inyo kung nakarating ka na!? Kanina ka pa raw tinatawagan ng Mom mo, nag-aalala na sila sa

