Kinabukasan, umalis ako ng bahay nang hindi nagpapaalam. Gusto kong makita si Lexie sa huling pagkakataon bago ko tuluyang kalimutan ang lahat ng nararamdaman ko para sa kanya. Bandang 6:00 PM nang makita kong lumabas siya ng bahay nila. Nakasuot siya ng spaghetti strap na damit at skinny jeans. Nang makita niya akong nakasandal sa kotse ko ay napahinto siya sa paglalakad. Lumapit ako sa kanya at nginitian siya. "K-Kamusta?" Tanong niya. Nagkibit ako ng balikat. "Alam ko namang alam mo kung ano ang isasagot ko dyan." I laughed a little. "Siyempre, hindi pa rin ako okay. Hindi naman ako magpapanggap sa harap mo at sabihin na okay na ako, pero ang totoo, ang sakit sakit pa rin." Mahabang katahimikan ang nagdaan sa aming dalawa bago ako bumuntong-hininga. "Nagpunta nga pala ako dito par

