Noong hapon din na iyon ay sinabi ko kay Dad na pumapayag ako sa offer niya at gagaein ko ang lahat para bumalik nang maayos. Nalulungkot man ako na kailangan kong umalis mag-isa dahil may kani-kanilang trabaho sila dito sa Manila, ay kailangan ko pa rin gawin to. Baka nga kailangan kong lumayo para mawala yung sakit? Nang lumipas ang apat na araw ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko dahil sa mga susunod pang mga araw ay aalis na ako. Inutusan ri ako ni Dad na ilista ang mga lugar na gusto kong puntahan, at kailangan daw, sa mga lugar na iyon ay walang kahit na anong bakas ng masasayang alaala namin ni Lexie. Kailangan ay isang lugar daw kung saan bago sa akin. Yung lugar na hindi ko pa napupuntahan. Nakapag-lista lang ako ng sampong lugar, pero hindi ko rin naman si

