Chapter 12

1540 Words

Matapos naming bumili doon ay nagmiryenda kami sa isang restaurant. Tahimik pa rin siya habang kumakain kami. Nung tiningnan ko siya, bigla kong naalala ang lahat ng pinag-usapan namin ni Lexie kagabi. Kailangan ba talaga kitang layuan at iwasan, Cassandra? Kasi, tinitingnan pa lang kita ngayon, nalulungkot at nasasaktan na ako. Nahihirapan ako sa sarili ko. Pero dahil papasukin ko na ang mundo ng mga taong bubuo ng pamilya, siguro kailangan na talagang magsakripisyo. Siguro, kailangan may isang taong isakripisyo para maging maayos ang lahat. “Bakit ang tahimik mo?” “Kailangan ko bang maging madaldal sa lahat ng oras?” Sagot niya, pero ang paningin niya ay nasa pagkain niya lang. “Nakakapanibago lang.” “Dapat lang na manibago ka ngayong papasukin mo na ‘yung susunod na yugto ng buhay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD