“Welcome, Ma’am and Sir! What can we do for the both of you? Ano po bang hanap ninyo, wedding ring?” Nakangiting sabi ng nasa mismong loob ng store na siyang nagpapakita ng mga alahas. “Ah, engagement ring, Miss.” Sagot ko. “Para po ba sa inyong dalawa?” Masayang sabi muli nito. Tumawa si Cassandra. “Ha! No, way. I’m just his best friend. Ako ‘yung mamimili ng singsing para sa girlfriend niya. Anyway, pwedeng makita mga engagement rings niyo?” Nakita ko na nawala ang mga ngiti sa labi nung babaeng nagsi-sales talk sa amin, pero ngumiti ulit at kinuha ang mga engagement rings. “Ito po, Ma’am. Ito po ‘yung mga most expensive engagement rings. It contains of real diamond, Ma’am. Ang nasa line naman po na ito, kumbaga, sumunod sa pinakamahal. It’s quite expensive too, but not as expensive

