Pagkarating ko doon ay tinawagan ko si Cassandra. Mabilis naman niya itong sinagot. “Timmy! Nasaan ka na?” Masiglang tanong niya sa akin mula sa kabilang linya. “Nasa parking lot na ako, Timmy. Ikaw ba?” “Nasa Sky Garden ako. Malapit ako sa Starbucks. Nakaupo lang ako dito sa bench, makikita mo kaagad ako kapag sumakay ka ng escalator.” Ang bilis naman niya yatang nakarating dito? Bigla kong naalala na sa tuwing magkikita kami, lagi siyang nauuna sa akin. Laging siya ‘yung taong naghihintay para sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero sa lahat ng babaeng nakilala ko, siya lang ‘yung ganoon. Siya lang ‘yung mas nauuna sa akin sa meeting place sa tuwing may lakad kami, siya ‘yung matiyagang naghihintay sa akin,at kahit kailan ay hindi ako nakarinig ng reklamo sa kanya. Nang makasakay

