Nang matapos ang inuman ay umuwi na kami. Naiwan pa muna doon si Rex dahil gusto daw niyang makasama pa si Cassandra. Habang nagdi-drive ako ay walang nagsasalita sa aming dalawa, at nakafocus lang din ang atensiyon ko sa daan. “Kanina pa nakakunot ‘yung noo mo.” Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya at nakita ko ang malulungkot niyang mga mata. “Hindi ka na ba talaga babalik sa dati, Ford?” “Lexie, ano bang sinasabi mo? Pagod na ako, okay? Pwede bang bukas na lang natin ‘to pag-usapan?" Umiling siya. “Anong nakakapagod sa pag-kain at pag-inom? Sabihin mo nga sa akin, paano ka napagod?” Kita ko sa mga tingin niyang inis na inis na siya sa akin. “Pagod na ako sa paulit ulit na awayan natin. Pwede bang itigil mo na? Ilang beses ko namang sinabi sa ‘yo, ‘di ba? Lexie, ikaw lang a

