Kinabukasan, nang magising ako, ay naaalala ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Hindi kaagad ako nakatulog kagabi dahil sa pag-iisip kung bakit pakiramdam ko, ako lang ang nahihirapan sa aming lahat…na parang ako lang ang nasasaktan. Bakit lahat sila masaya na, pero ako nandito pa rin? Matapos kong kumain ng agahan ay gumayak na ako para sunduin si Danika sa bahay nila. Sabi ko naman sa kanya na babayaran ko na lang ang araw niya ngayon dahil mag-aabsent siya para sa akin, pero ayaw niya dahil sabi niya ay gusto niya rin ng break mula sa trabaho niya. Inihanda ko na ang camera at iba pang mga gamit na dadalhin ko para sa paggawa ko ng blog bago lumabas ng hotel at sumakay ng kotse para pumunta sa bahay nila Danika. Pagdating ko sa tapat ng bahay nila ay nakita kong naghihintay na siya doo

