Pagkauwi ko at pagkapasok ko sa kwarto ko ay nakita ko si Lexie na nakaupo sa kama habang nagce-cellphone. Tumingin lang siya sa akin nang maramdaman na nandoon ako. “So, you’re finally here.” Naupo ako sa tabi niya at hahalikan na sana siya, pero umiwas siya. “Have you checked your phone?” Kinapa ko ang bulsa ko pero wala doon ang cellphone ko. “Naiwan ko sa kotse, sorry.” Ngumiti siya pero nakita ko ang kakaibang tingin niya sa akin na para bang wala siyang pakiramdam. “Did you know how many calls I did tonight? How many texts I’ve sent you?” I did not answer. Hindi ko alam na tumatawag siya sa akin dahil nasa dashboard ang cellphone ko. Hindi ko rin naman ugaling mag-cellphone habang nagdi-drive. Hindi ko napansin na tumatawag siya sa akin kanina. Gusto kong magsalita, pero ayoko

