Matapos naming magdasal sa simbahan, naupo lang kami ng ilang minuto doon at pagkatapos ay umalis na rin para mamasyal ulit. Habang nagpe-pedal ay inilabas niya ang digital camera na dala niya at iniharap sa kanya ang lens, tsaka nagsalita nang nagsalita.
“Hello! Ako ‘to, si Cassandra Torres! Ang init, grabe! Magandang tanghali! Nandito kami sa Intramuros ng best friend ko!” Tumigil sa pagpedal si Cassandra at lumingon sa akin. Tumigil na rin ako sa pagpedal oras na lumingon siya sa akin. “Timmy, mag-hello ka!”
Natawa ako dahil ang cute niya. Ginawa ko na lang rin ang sinabi niya. Kumaway ako sa camera na nakatapar sa akin. “Hello! Kumusta? Ako nga pala ulit ito, si Ford Isaiah. Ang best friend ni Timmy.”
Mahilig talaga si Cassandra na gumawa ng Vlog. Lagi siya nag-eedit ng videos at inuupload sa website niya. Ayaw niya raw sa YouTube dahil masiyadong maraming tao. Ito na ang ika-apat na video namin na ginawa niya. Akala ko nga kanina ay hindi siya magbi-video kasi usually, nasa kotse pa lang kami ay bini-video na niya ang mga nadadaanan namin.
“Ayoko sanang gumawa ng Vlog ngayon dahil Intramuros lang naman ang pinuntahan namin, hindi naman malayong-malayo. Pero dahil gusto ko na ma-capture ang lahat, heto na ulit ako!”
Tumatawa siya habang nagsasalita sa harap ng camera. Kinuhanan niya ng video ang lugar, maging ang mga taong namamasyal dito.
“Ang ganda, ‘no?”
Matapos noon ay pinatay na niya ang camera at nagsimula na ulit magpedal.
“Alam mo ba kung bakit lagi akong gumagawa ng Vlog sa bawat lugar na pinupuntahan ko?” Tanong niya sa akin habang nagpepedal kaming dalawa.
“Bakit nga ba?”
“‘Yung Papa ko nagturo sa akin nito. Sabi niya, kapag may lugar akong pupuntahan, dapat kuhanan ko ng video para daw may remembrance ako. Tapos ingatan ko raw ang mga video na ‘yon para may maipapakita ako sa mga magiging anak ko. Gusto kasi ni Papa na makita ng anak niya at ng magiging anak ko kung gaano kaganda ang mundo, gaano man kagulo ang nangyayari ngayon dito.”
Lumingon siya sa akin sandali at muling ibinalik ang tingin sa daan.
“Kaya sobrang saya ko na nakilala kita. Tourism student ka, e. Hoy, Timmy. Gusto ko, kapag nag-travel ka, gumawa ka rin ng videos tulad ng ginagawa ko at i-send mo sa akin, ha? Gusto kong malaman ang mga lugar na pinupuntahan mo, sakaling hindi mo ako kasama doon.”
“Pwede ka namang sumama sa akin.” Natatawa kong sabi.
“Timmy, ramdam ko pa ang sama ng loob sa akin ng girlfriend mo. Hindi naman pwedeng kasama mo ako sa lahat ng pagkakataon. At isa pa, pwede mong maging trabaho ang maging tourist guide sa iba’t-ibang bansa. Magkaiba tayo ng course kaya natural, magkaibang daan ang tatahakin natin.”
She’s so open-minded. Kaya rin siguro nag-e-enjoy ako sa tuwing kasama ko siya kasi, kapag kasama ko siya, lahat pwede naming pag-usapan. Kahit na mas bata siya sa akin, pakiramdam ko ay mas marami pa siyang alam kaysa sa akin.
Ilang sandali pa ay binilisan ko ang pagpe-pedal at inunahan ko siya.
“Hoy, Timmy! Nakikipag-karera ka ba sa akin, ha?” Sigaw niya sa akin.
Tumawa lang ako nang tumawa habang nagpe-pedal ng mabilis. Paminsan-minsan ay binabagalan ko ang pagpe-pedal para maging magkapantay lang kami, pero bibilisan ko ulit para hindi niya ako maunahan. Tawa ako nang tawa dahil inis na inis siya sa ginagawa ko.
“Nakakainis ka talaga, Timmy! Mauunahan rin kita!”
“Gusto mo bang mauna?” Malakas na tanong ko sa kanya dahil medyo malayo siya sa akin.
“Oo!” Malakas na sagot niya.
“Sige, unahan mo na ako!” Sabi ko tsaka binagalan ang pagpepedal.
Nang tuluyan na niya akong naunahan ay rinig ko ang masaya niyang sigaw at malalakas na tawa kasabay ng pagtaas niya ng dalawang kamay niya. Mabuti na lang at nagagawa niyang i-balance ang sarili niya kahit hindi nakahawak sa manibela.
“Nauna na ako!” Masayang sabi niya.
Tumigil siya sa lilim na parte kaya naman tumigil na rin ako doon. Kita ko sa kulay violet niyang labi ang masasaya niyang mga ngiti.
“Alam mo, isa sa pinaka-masaya ng pagtravel, ‘yung ganito. ‘Yung may twist. ‘Yung hindi mo alam kung ano ‘yung susunod na mangyayari.” She said.
“Lagi namang ganoon, ‘di ba? Kahit planado mo na ang gusto mong mangyari sa pag-travel mo, may mga bagay pa rin na mangyayari na hindi mo inaasahan, ‘di ba? May mga tao kang makikilala, may lugar na malalaman.”
Tumingin siya sa akin nang may maliit na ngiti sa labi. “Kasama siguro sa travel, o adventure, ng buhay ko ‘yong pagbi-break namin ni Paul, ‘no? Dahil kasi doon, may bagong tao akong nakilala. At ikaw ‘yun. Blessing in disguise nga siguro na nag-break kami at nasaktan ako noon, kasi, it made me a better person.”
Tinawanan ko siya. “Tama na nga, Timmy. Ang drama mo.” Sinuntok niya lang ako sa balikat. “Aray, ah! Babae ka ba talaga?” Pero sinuntok niya ulit ako. “Aray!”
Nagtawanan na lang kaming dalawa bago muling nilibot ang Intramuros.
___
Nang matapos naming libutin ang Intramuros, bumalik na kami sa sasakyan. Habang nagdi-drive ako ay kain lang nang kain sa tabi ko si Cassandra. Grabe ang takaw.
“Timmy, punta tayo Seaside. Tapos uwi na after.”
“Oks.”
Nagbukas ng panibagong Cheetos si Cassandra. Sinubuan naman niya ako habang nagma-maneho ako. Tumingin ako sa kanya.
“‘Di ka ba marunong mabusog?” Tiningnan niya lang ako nang masama. Natawa ako sa naging itsura niya. “Kanina ka pa kasi kain nang kain, e.”
“Masama ba? ‘Di naman ako papangit kapag tumaba ako, ‘no. Ayaw ko rin ng payat kaya tigilan mo ako, Timmy. Pangit mo.”
Napahagalpak ako nang tawa sa isinagot niya sa akin. Ayaw niya talaga sa mapapayat. Naalala ko tuloy ‘yung sinabi niya sa akin dati na hindi niya raw ako type kasi ang payat payat at sobrang tangkad ko. Siya rin naman matangkad, pero hindi mapayat. Sakto lang sa height niya ‘yung taba niya.
Naalala ko rin ‘yung tinanong niya sa akin dati, kung kumakain pa raw ba si Lexie. Sobrang payat raw kasi, pwede na sumali sa Asia’s Next Top Model. Pero paulit-ulit niya rin pinupuri ang kagandahan nito. Sabi niya ay mas maganda siguro si Lexie kung tumaba kahit kaunti. Mahina kasi kumain si Lexie. Kahit naman ako ay gusto ko ay medyo malaman, hindi ko siya masisisi kung bakit hindi niya masiyadong gusto ang mapapayat.
Nang makarating kami sa Seaside ay kaagad siyang dumiretso sa nag-iihaw ng mga isaw, dugo, barbecue, paa ng manok, at marami pang iba. Kumuha kaagad siya ng sampong stick ng isaw at dugo, tsaka tig-limang stick ng barbecue at paa ng manok para ipaluto sa babae.
“‘Nay, ano pong alak niyo d’yan?”
“May Red Horse at San Mig Light dito, Ganda.”
“Apat na red horse na rin po. Salamat.”
Mag-aabot na sana siya ng bayad pero pinigilan ko siya, tsaka ko binigyan ng 500 pesos ang babae.
“‘Nay, ito na po ang bayad.” Sinabi nito kung magkano ang nakuha namin at sinuklian ako.
Nang maluto na ang lahat ng ipinaluto niya ay pinalagay niya ito sa plato at dinala sa pavements sa gilid kung saan ang tinatambayan ng mga tao dito sa seaside. Madilim na rin at ang sinag ng buwan na lang ang nagbibigay ng liwanag sa kalangitan. Ang tagal rin pala naming buma-byahe ni Cassandra.
“Alam mo bang paborito ko itong mga pagkain na to?” Sabi niya habang kinakamay ang pag-kain ng isaw. Tinatanggal niya ito sa stick at isinasawsaw sa suka. “Hindi naman halata sa dami ng inorder ko, hindi ba?” Natatawa niyang dagdag.
“Halatang-halata. Grabe ang takaw mo talaga.”
Tiningnan niya ako ng masama. “Grabe, ano bang problema mo sa eating habits ko, ha?”
“Wala! Kumain ka na nga nang kumain dyan.”
Binuksan niya ang bote ng red horse gamit ang isa pang bote ng red horse, pagkatapos ay tinungga niya ito. Sanay na sanay na talaga sa ganitong set up si Cassandra, para bang hindi siya pinalaking prinsesa sa kanila.
“‘Wag mo nga akong tingnan ng ganyan, Timmy. ‘Wag kang mag-alala, wala akong balak magpaka-lasing! Hindi ako mapapatumba ng dalawang bote ng pulang kabayo na ito!”
“Tss! Wala akong sinasabi, ha?”
“Psh. Tingin kasi nang tingin, e.” Bulong niya habang kinakain ang paa ng manok.
Nakita ko sa labi niyang unti-unti nang nabubura ang lipstick niyang kulay violet. Dahil na rin siguro sa dami niyang nakain kanina, at dahil sa mantikang nakakapit sa mga ihaw-ihaw na kinakain namin ngayon, tapos ay umiinom pa kami. Pero ngayon ko lang napansin na maganda pala ang kulay ng labi niya. Akala ko ay maputla kaya tinatakpan niya ng ganoong kulay, pero hindi. Kulay pink ang natural na kulay ng labi niya.
Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at ipinahid sa labi niya na siyang ikinagulat niya.
“A-Anong ginagawa mo?” Nagtatakang tanong niya habang kunot-noong nakatingin sa akin.
“‘Wag kang magulo!"”
Muli kong pinunasan ang labi niya hanggang sa kaunting bakas ng lipstick na violet na lang ang nakikita ko. Tinabig niya ang kamay ko at kinuha ang cellphone tsaka tinignan ang repleksiyon doon.
“Bakit violet ang lipstick na ginagamit mo? Noon ko pa gustong itanong sa ‘yo ‘yan, Timmy. Alam mo bang sa ilang buwan ng pagkakaibigan natin, ngayon ko lang nakita ang natural na kulay ng labi mo?”
At hindi ko alam kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko.
Tumingin siya sa akin at ibinaba ang cellphone tsaka ipinagpatuloy ang pagkain.
“Wala sana akong balak ipakita sa kahit na sino kung ano ang itsura ko kapag walang violet na lipstick, pero pakialamero ka talaga, e. Wala tuloy akong choice.”
Tinungga niya ulit ang bote ng red horse na para bang tubig na lang para sa kanya iyon. “Ano bang masama kung makikita ko ang natural na kulay ng labi mo?”
Ngumiti siya bago hinimay-himay ang hawak na paa ng manok. “Baka kasi ma-in love ka sa akin kapag nakita mo ang talagang natural na kulay nito.” Pang-aasar na sabi niya. Inirapan ko lang siya. “Charot lang! Alam ko namang patay na patay ka sa girlfriend mo! Tss. Wala lang! Mukha kasi akong matapang kapag may ganoon ako. At isa pa, mukha akong anghel kapag nakita mo ang itsura ko na walang kahit na anong makeup.”
Ngumisi ako na para bang isang malaking joke ang sinabi niya. “Nakita ko na ngang umiyak ka at masaktan ka, e. Itatago mo pa sa akin ‘yan? Tss.” Natatawa kong sabi.
Tiningnan niya ako ng seryoso bago kumuha ng wet wipes sa backpack niya at ipinunas sa mata niyang may eyeliner sa talukap ng mata niya na nagiging dahilan kung bakit nagmumukha siyang masungit at masamang tumingin, tinanggal niya rin ang pink na nasa pisngi niya, at ang natitirang bakas ng violet na lipstick sa labi niya ay inalis niya rin.
“Best friend kita kaya ipapakita ko sayo ang itsura ko sa likod ng mga makeup na ipinangtatakip ko sa mukha ko para magmukhang matapang.”
Kinabahan ako nang makita ko kung ano siya sa likod ng makeup na palagi niyang suot. Sumobra sa bilis ang t***k ng puso ko.
“Ano, Timmy? Mukha pa rin ba akong matapang sa mata mo?”
Hindi...kasi tama siya. Hindi siya mukhang matapang sa likod ng mga makeup na suot niya.
Pero mas maganda siya kapag wala ang lahat ng ito. Mas maganda ang Timmy na nakikita ng mga mata ko ngayon.
I laughed a little. “Ang pangit mo.”
She laughed too. “Sinungaling ka. Natulala ka nga sa akin, e. Tss.” She said then continue eating.
Siguro nga, actions never lie. Bigla kong naisip na, walang lalaki ang perfect para sa kanya. Walang kahit na sinong lalaki ang makakakuha ng approval ko para sa kanya, dahil ayoko na ulit masaktan pa ang anghel na ito, na umiinom ngayon sa harap ko.