Chapter 04

1675 Words
Nagdaan ang mga linggo, at patapos na ang second semester para sa taong ito. Naging maayos naman ang trato ni Lexie kay Cassandra at tinanggap na talaga nito ang pagiging magkaibigan namin. Minsan ay nag-dinner kaming apat kasama si Cassandra at ang kaibigan ni Cassandra na kaibigan ko rin dahil sa basketball, si Rex. “Salamat sa libre! Happy birtday, Timmy!” Bati sa akin ni Cassandra at nakipag-fist bump. Natawa naman ako. “Salamat din. Sige, ingat kayo ni Rex sa pag-uwi. Rex, ingatan mo ‘yan, ha?” “Baka siya pa ang ingatan ko, e…” sagot ni Cassandra na nagpatawa sa amin. “Ako pa ba, pare? Alam naman nating lahat na kahit kaskasero ako ay marunong akong mag-ingat.” Sagot ni Rex sa akin. “At sanay na ako dito sa gago na ‘to, no! Ikaw, ingatan mo ang girlfriend mo, ha?” Sabi ni Timmy. Inakbayan ko si Lexie at hinila para halikan sa ulo. “Oo naman! Ako pa ba? Mahal na mahal ko yata ‘to.” Nagtawanan kaming apat bago tuluyang pumunta sa kani-kaniyang sasakyan. Si Rex ang maghahatid kay Cassandra at ako naman kay Lexie. Nang makasakay at magsimula na akong magmaneho ay nagsalita ako. “Salamat, Lexie. Salamat sa pagiging bukas mo para kay Cassandra.” She rolled her eyes. “Tss. You know I’m just doing this because of you, Babe.” Hindi na lang ako sumagot; sa halip ay hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ito habang magmamaneho. At least she’s trying. Alam kong masasanay rin siya. Mabuting tao si Lexie, kaya alam kong darating ang araw na matatanggap niya rin si Cassandra. ___ Makalipas ulit ang isang linggo, habang naglalakad ako papunta ng parking lot ay may mga babae akong naririnig na sumisigaw. Nakita ko ang babae na nakatayo sa harap ng dalawa pang babae. Ang isang babae ay may kulay pulang pulang mga labi habang ang isa ay nangingitim sa kulay nitong violet. Cassandra? “Kunwari ka pa! Ang landi landi mo! Hindi ba break na kayo? Bakit ba ayaw mo pa rin siyang lubayan, ha?” Sigaw ng babaeng mayroong mapulang mga labi. Bored namang tumingin si Cassandra sa babaeng iyon habang nakahalukipkip. “Ano bang sinasabi mo, ha? Ako ba ang lumalapit? Hindi ba siya? Tina, ang tatanda na natin para sa mga ganitong klaseng away kaya pwede ba tumigil ka na?” “Malandi ka talaga!” Sasampalin na sana ng babaeng mapula ang mga labi si Cassandra nang mabilis nitong hinawakan ang kamay niya. Mukhang hindi na nga yata kailangan ng babaeng ito ng tagapag-tanggol niya, ha? “Ako ba talaga ang malandi, Tina? Hindi ba ikaw?” Umirap siya habang nakangisi. "Best friend kita pero nakipaglandian ka sa boyfriend ko habang kami pa? Tao ka pa ba?” Pumiglas ang babaeng kausap niya at sasabunutan na sana siya pero mabilis niyang hinila ang buhok nito. “Aray, ano ba?!” Reklamo ng babae na tinawag niyang Tina. “Magrereklamo ka, sino ba nagsimula? Tang ina ka, tahimik na buhay ko, ha. Tigilan niyo na ako. Wala na akong pakialam sa inyong dalawa kaya sana lubayan niyo na rin ako!” Itinulak ni Cassandra ang babaeng kausap at umalis doon. Hindi pa man siya nakakalayo ay sumigaw na ulit ang babae. “Tandaan mo, Cassandra! Hindi ka na mahal ni Paul, at kahit paulit-ulit ka niyang binabalikan ngayon, hindi ibig sabihin noon ay mahal ka niya! Gusto niya lang makuha sa ‘yo ang bagay na hindi mo maibigay sa kanya!” Nakita ko na parang nainis si Cassandra sa narinig, kaya naman tumalikod ito at bumalik sa kanila. Mabilis niyang sinampal ang babaeng iyon. “Ang sabi ko, tumigil ka na!” Ngumisi ang babaeng kausap niya. “Bakit? Hindi mo matanggap? Hanggang ngayon mahal mo pa siya?” Hindi nakasagot si Cassandra sa sinabi nito. “Tama nga ako. Sorry, ha? Ako na kasi ang mahal niya. Hindi ko sinasadya...best friend.” Humagalpak ng tawa ang mga babae bago iniwang mag-isa doon si Cassandra. Nakita ko na parang hindi niya inaasahan ang lahat ng nangyari kanina. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa dalawang balikat niya. “Are you alright?” Tumingin siya sa akin gamit ang mga malulungkot na mata, tsaka ngumiti. “Hindi, e.” At doon, nakita ko ang unti-unting pagtulo ng mga luha niya. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay tsaka umiyak nang umiyak, habang ako naman ay mabilis siyang niyakap. “Mahal ko pa rin si Paul.” She said in between her sobs. “I’m always tempted to accept him in my life again. Mahal na mahal ko pa rin si Paul. Bakit ganoon?” Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya. “It takes time to heal a wounded heart. There’s no need for you to rush. I know you’ll get there soon. Take time to cry and feel the pain until you’re used to it, okay? Until it hurts no more…” Tumango lang siya bilang tugon. ___ Hanggang sa nagsimula na ang bakasyon, Lexie’s still busy with her studies. I understand her because it was her dream; to be a lawyer. But missing her is killing me. Madalas kami magkaroon ng roadtrip ni Cassandra. Hindi ko naman inililihim ang lahat kay Lexie dahil lahat ng roadtrip namin ay pinapaalam ko sa kanya, at minsan nga ay kasama pa siya kapag hindi siya busy. Lexie knows how much I love travelling from the days that I am still courting her when we were in high school. Iyon rin ang dahilan kung bakit Tourism ang course na kinuha ko. I want to travel the world and know the story behind every beautiful places. “Alam mo, na-realize ko kung gaano ka-boring ang course ko compared sa course mo.” She said while eating Piattos on my car’s passenger seat. “Why?” “All we do is to make balance sheet, income statement, statement of cash flows, and among others. Kapag nagtrabaho na ako, nakakulong lang ako sa cubicle ko sa office auditing the company’s expenses and etc. Samantala ikaw, you can explore. I love your course. Sana ‘yan na lang kinuha ko, baka mas maaga pa kitang nakilala.” I laughed a little. “Eh ‘di mag-aral ka ulit.” I saw in my pheripheral vision that she shook her head. “I don’t like. As much as possible, I wanted this study thing to get over and done with. Sawa na ako. And besides, studying again would be boring. Wala ka na, e.” Napapailing na lang ako sa mga sinasabi niya. I looked at her while driving. “Pinakikilig mo ba ako, ha Timmy?” Tumingin rin siya sa akin and stare straight into my eyes. “Bakit? Kinikilig ka ba?” Napaiwas ako ng tingin sa sinabi niya. Itinuon ko na lang ang atensiyon ko sa daan. “Sorry, you’re not Lexie.” I heard her laugh a little. “I know. I expected it, though.” Nagtawanan na lang kaming dalawa at nagkwentuhan pa ng ibang mga bagay hanggang sa makarating kami sa Intramuros. Ibinaba namin mula sa pickup car ang dalawang bike na dala namin. Medyo maraming tao ang namamasyal at nagbi-bike dito. Nagsimula na lang kaming magbike ni Cassandra at pasyalin ang kabuuan ng Intramuros. “Alam mo, siguro masaya kung kasama natin si Lexie at Rex, ‘no?” Sabi ni Cassandra habang nagpepedal. “Inaya ko naman si Lexie pero may review daw sila, e. Si Rex naman tinatamad.” Sagot ko. “Ayaw mo ba akong kasama?” Humagalpak naman ng tawa si Cassandra. “Ang arte mo, Timmy! Sagasaan kita dyan, e.” Sabi niya habang namumula ang mukha. Pati ako ay natawa na rin. “Biro lang.” Nagpunta kami sa simbahan ng Intramuros para magsimba na rin. Tutal ay nandito na kami, bakit hindi pa namin bisitahin ang simbahan, ‘di ba? Iniwan namin ang bike namin sa gilid ng simbahan tsaka kami pumasok sa loob. Nakita namin na marami ang nandoon at taimtim na nagdarasal. Nagbuga ng malalim na buntonghininga si Cassandra. “Tagal kong hindi nakabisita dito, ah? Tamang-tama, ang dami kong gustong ipagpasalamat at ihingi ng tawad sa Kanya.” Nauna na siyang maglakad sa akin at lumuhod sa altar, tsaka mag-sign of the cross. Sumunod na rin ako sa kanya. “Lord, salamat po sa lakas ng loob na ibinibigay niyo po sa akin. Salamat po sa motivation na ibinigay niyo sa akin para magpatuloy sa buhay ko. Lord, salamat po dahil inilayo niyo ako sa taong hindi karapat-dapat sa pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya. Lord, salamat rin po dahil ipinakilala niyo sa akin si Ford Isaiah, ang best friend ko. Kung hindi po dahil sa kanya, baka hanggang ngayon ay umiikot pa rin po ang mundo ko sa maling tao. “Salamat po sa lahat lahat ng ibinigay niyo sa akin, kahit na hindi ko naman po hiningi ay ibinigay niyo pa rin po sa akin. Lord, humihingi po ako ng tawad sa lahat ng kasalanan na nagagawa ko po sa araw-araw. Sana po, huwag niyong bigyan ng dahilan si Ford na iwanan rin ako. Sana po ay manatili po siya sa tabi ko, bilang best friend. At sana po ay gabayan niyo po kami sa lahat ng oras. Amen.” Matapos niyang magdasal ay nag-sign of the cross ulit siya, habang ako ay pinanonood lang siyang magdasal. Bumalik siya sa pagkakaupo at tinaasan ako ng kilay na parang nagtatanong kung bakit ako nakatingin sa kanya. Pinagsalikop ko na lang ang mga kamay ko at nagsimula na ring magdasal. Lord, mananatili po ako sa tabi ng taong ito kahit na anong mangyari. Sana po ay iparamdam niyo sa kanyang hindi ko siya iiwanan tulad ng palagi niyang iniisip. Maraming salamat po sa lahat lahat. Amen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD