Chapter 03

1282 Words
Nakalipas ang isang linggo ay hindi na ulit kami nag-away ni Lexie tungkol kay Cassandra. Siguro ay ibinigay na niya sa akin ang tiwalang hinihingi ko. Wala rin naman siyang dapat ikaselos dahil sigurado na akong siya ang pakakasalan ko. Gusto ko lang rin na maging open-minded na siya sa lahat. Siyempre kapag nagkatrabaho ma kami, hindi naman maiiwasang magkaroon kami ng mga babaeng kaibigan. Gusto kong magtiwala siya sa akin. Pagkalabas ko ng building namin, nakita ko ang matangkad na babaeng nakatayo doon habang nakahawak sa strap ng bag niya. Nakita ko na naman ang mata niyang parang pusa sa ganda na may kulay itim na guhit sa itaas ng talukap niya, at ang magaganda niyang labing natatakpan ng kulay violet na lipstick. Bahagya siyang ngumiti nang makita akong nandoon, pero hindi siya lumapit sa akin. “Timmy, anong ginagawa mo dito?” Tanong ko tsaka ako lumapit sa kanya. Binigyan niya ako ng tipid na ngiti bago sumagot. “Isang linggo akong naghihintay sa ‘yo, sabi mo ite-text mo ako.” Bigla kong naalala ‘yung pangako ko sa kanyang ite-text ko siya, pero hindi ko nagawa kasi binura ni Lexie sa kamay ko ang number niya. “S-Sorry, nabura kasi—” She gave me a small smile. “Okay lang, wala naman akong karapatang mag-demand. Inaasahan ko na naman nang hindi matutupad ‘yung pangako na ‘yon. I’ve encountered so many broken promises, wala na lang sa akin ‘yung sa ‘yo.” Ngumiti ulit siya, pero hindi mo na makikita ang saya doon. “Gusto ko lang magpaalam sa ‘yo kaya ako pumunta dito.” Napakunot ako ng noo sa sinabi niya. “Magpaalam? Bakit?” "Baka kasi nakakadagdag na ako sa sakit ng ulo mo. Alam ko rin na ayaw sa akin ng girlfriend mo. Kaya, ‘di ko na ulit sasabihin sa ‘yo ‘yung lagi kong sinasabi sa tuwing aalis ka na.” Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako dahil sa mga salitang binabanggit niya. Para bang sinasabi niyang ito na ang huling beses na magkikita kami. “Hindi ko na ulit itatanong sa ‘yo na, magkikita pa naman tayo, ‘di ba, kasi feeling ko hindi tama. May nagagalit kasi sa hindi tamang dahilan. Dapat na sigurong itigil. ‘Wag kang mag-alala, ito na ang huling beses na magpapakita ako sa ‘yo. Hindi ko na ulit sasadyain ang makita ka. Hindi na ulit ako maghihintay sa ‘yo. Last na ‘to. Pasensiya na sa abala.” Muli ay ngumiti siya bago ako tinalikuran at naglakad paalis. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at pinigilan ko siya. Nakaka-ilang hakbang na siya palayo sa akin nang tinawag ko siya. “Sandali...” Lumingon siya at nakita ko ang seryoso niyang mukha na para bang ang tapang niyang tao. “Ano yun?” “G-Gusto mo bang kumain?” Ngumiti siya nang matipid sa akin. ___ Pumunta kami ng cafeteria. Bumili ako ng pizza at drinks para sa aming dalawa. Habang kumakain ay nagku-kwentuhan kaming dalawa. "Binabalikan ako ni Paul. Sabi ko, ‘di ko na kaya kasi nauntog na ako. Pinagbintangan pa nga ako na may iba na raw ba ako kaya ayaw ko na, e.” Natatawa siyang umiling habang kumakain ng pizza. “Anong sabi mo?” “Eh ‘di sabi ko, wala kang pakialam kung may iba na ako. Ikaw nga ilang beses nagkaroon ng iba habang tayo pa, e. Ayon, basag siya.” Natawa ako kasi nakikita ko sa kanya na natuto na talaga siya sa lahat ng pagkakamali niya kasama ang ex niya. “Akala ko babalikan mo pa, e.” “Ha! Excuse me, ang ganda ko kaya! Ang dami na ngang nagpapapansin d’yan sa akin simula noong nalaman na break na kami ni Paul, e.” Oo, tama siya. Maganda talaga siya. At hindi malabo na maraming manligaw sa kanya ngayon. “Anong year ka na ba? At anong course mo?” Tanong ko. “Second year na ako. Financial Management ang course ko.” Tumango ako. Ibig sabihin mas matanda ako sa kanya. “Mas matanda ako sa ‘yo. Fourth year na ako next sem, e.” “Alam ko.” Simpleng sabi niya habang nasa pizza na hawak ang atensiyon niya. “Anyway, kamusta na si...Lexie?” Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang tanong na iyon tungkol kay Lexie, pero sinagot ko na lang rin. “Okay naman siya. Busy lang siya sa course niya na Law. Hanggang gabi nga ang klase niya ngayon, e.” napabuntonghininga ako. Nami-miss ko na kaagad siya. Tumawa siya nang mahina. “Tss. Mahal na mahal mo talaga siya, ‘no? Parang ngayon pa lang ay namimiss mo na siya, e.” Ngumiti ako sa kaniya. “Oo. Kung akala mo palagi kaming nagkakasama, nagkakamali ka. Dalawang beses sa isang linggo lang kami magkita. Kapag weekends ay nag-aaral siya nang mabuti kaya…‘yun.” “Swerte niya.” “Bakit?” “May isang taong handang maghintay para sa kanya, e. Pangarap ko ‘yun, e. Alam mo ba?” Tumawa siya nang mahina. “Puro na lang kasi ako ang naghihintay. Kailan ba ako hihintayin?” “Malay mo, may isang tao d’yan na naghihintay na pala sa ‘yo? Hindi mo lang alam.” “Kung ganoon, nasaan siya? Bakit hindi ko siya makita?” Hindi ako nakasagot sa naging tanong niya dahil hindi ko rin alam kung ano ang isasagot ko. Nakita ko namang natawa siya dahil doon. “Nai-intimidate ka ba sa akin?” Natatawa niyang tanong. “Huwag, kasi hindi ako kasing-tapang tulad ng iniisip mo at ng ibang tao. Mukha lang akong gangster, pero malambot ang puso ko.” Ngumiti ako sa kanya. “Alam ko...at nakita ko.” Nag-iwas siya ng tingin sa sinabi ko. “Ayoko sanang may ibang taong makaalam non. Gusto kong itago mo na lang.” “‘Wag kang mag-alala, hindi ko ugaling magkalat ng balita.” Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami ng campus. Inihatid ko siya sa labas habang ako naman ay pupunta ng parking lot dahil nandoon ang sasakyan ko. Sabi ko nga ay ihahatid ko na siya sa kanila, pero susunduin daw siya ng kuya niya kaya sinamahan ko na lang siyang maghintay. Bigla kong naalala ‘yung ipinangako ko sa kanya noong isang linggo. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at iniabot iyon sa kanya. Tiningnan niya naman ako nang nagtataka. “Ano namang gagawin ko d’yan?” “Uhm, kukuhanin ko ulit ‘yung number mo.” “Tss.” Tumawa siya nang mahina. “Magwawala ang girlfriend mo kapag nalaman niya ‘yan.” Umiling ako. “Bukas na ang isip niya sa pakikipag-kaibigan ko sa ‘yo, huwag kang mag-alala.” Tumango siya bago kinuha ang cellphone ko at itinipa doon ang numero niya. Mabilis ko namang ni-save iyon sa pangalang Timmy. “At hihingi sana ako ng pabor sa ‘yo.” Kumunot ang noo niya. “Ano ‘yon?” “‘W-Wag ka na ulit magpapaalam sa akin.” Bumilis ang t***k ng puso ko nang sabihin ko iyon. “Gusto kong maging kaibigan ka. ‘Wag ka nang lalayo sa akin.” Hindi kaagad siya nagsalita; tinitigan niya ako na para bang hindi pa niya naa-absorb ang lahat ng sinabi ko. Ilang saglit pa ay tumawa siya ng mahina. “Wag kang mag-alala, hindi ko rin pala kaya.” Sabi niya bago dumating ang kapatid niya, tsaka ako iniwan doong mag-isa. And I swear, I think I died.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD