Hindi ko inaasahan na gagawin pala akong driver ng babaeng ito, dahil pagka-galing namin sa apartment niya para kuhanin ang mga gamit niya ay nagpahatid naman siya ngayon sa bahay nila. Habang nagdi-drive ako ay nagkukwento siya sa akin.
“Hindi lang naman ito ang unang beses na nahuli ko siya sa akto! Dati kasi, nahuhuli ko lang sa chat or text kapag nababasa ko. O kaya kapag may nagsasabi sa ‘kin na ibang tao. ‘Yung unang beses na nahuli ko siya, pinalampas ko. ‘Yung ngayon, ‘yung kanina, hindi, e. Kasi best friend ko ‘yung sini-s*x niya.”
Napailing ako sa mga sinabi niya. "Alam mo, dapat noon mo pa iniwan, e. Niloloko ka dahil ‘di mo maibigay ‘yung hinihingi niya sa ‘yo? That’s not love. That’s lust. Kung ako nagloko dahil walang time sa akin ang girlfriend ko—ang ex mo, nagloloko dahil sa makamundo niyang pagnanasa. Noon pa lang dapat, ‘di mo na binalikan, e. Dapat iniwan mo na. Very easy, timmy.”
Humagalpak siya ng tawa sa sinabi ko. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa sinabi ko dahil sinabi ko lang naman ang sa tingin ko ay dapat niyang gawin. Sa nakikita ko ngayon ay para bang may sobrang nakakatawa talaga sa sinabi ko.
“Ano bang nakakatawa, ha?”
“Wala lang. Nakakatawa kasi ‘yung way ng pagkakasabi mo ng very easy timmy.” Muli siyang tumawa sa sinabi. Pati tuloy ako ay natatawa kasi ang ganda niya habang tumatawa. Kahit na mukha siyang siga, kahit mukha siyang gangster sa ayos at sa tindig niya, maganda pa rin siya. Bakit ba naloloko ang mga katulad niya?
“Actually, it’s not that easy, timmy. Three years akong nagtatago sa magulang ko dahil sa relasyon namin. Three years kong niloloko ang mga magulang ko para sa kanya. Nito lang naman nalaman, e. Three months ago, nahuli ako ng Kuya ko at isinumbong ako kay Papa. Malaki kasi kasalanan ni Paul sa pamilya namin. Ayun, sabi iwan ko raw kaso hindi ko magawa; pinalayas ako. Si Kuya na lang ang tumutulong sa akin ngayon kahit siya ang nagsumbong sa akin.
“Siya nagbibigay ng allowance ko habang nagpa-part-time job ako sa isang fastfood chain para may pambayad ako sa renta ng apartment ko. ‘Di ko na kayang iwan si Paul kasi mahal ko. Masyado na akong maraming naisakripisyo para sumuko lang. Pero ‘yung ngayon, siguro tama ka. Ngayon lang ako nagkaroon ng kausap tungkol dito. Parang ngayon lang naipamukha sa akin lahat ng pagkakamali ko. Salamat, ha? Kung ‘di dahil sa ‘yo, ‘di ako mauuntog. Hayaan mo, sa susunod, babawi ako sa ‘yo.”
She smiled at me, and that’s the first time I saw her smiling genuinely. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako.
“D’yan na lang sa kulay pulang gate.”
Inihinto ko ang kotse sa harap no’n, at lalabas na sana para tulungan siyang bitbitin ang mga gamit pero pinigilan niya ako.
“Ako na lang. ‘Wag ka nang bumaba. Marami ka nang naitulong sa akin, sapat na ‘yon.” She winked at me. s**t?
Bumaba siya ng sasakyan at binuksan ang compartment para kuhanin ang maleta at mga gamit niya. Pagkatapos ay hinila niya ito papunta sa harap ng bintana ng driver’s seat. Kinatok niya ang bintana kaya naman ibinaba ko ito.
“Thank you, Timmy. Sana tanggapin pa nila ako, ‘no?”
Natawa ako sa itinawag niya sa akin.
“You’re welcome. Basta huwag mo nang sasayangin ang pagkakataong ibibigay nila sa ‘yo, ha? ‘Wag mo na rin sanang balikan ‘yung gago mong ex. You deserved better.”
She laughed. “Oh, sige na. Umalis ka na, ako nang bahala dito. Ingat sa daan, Timmy. Hope to see you again soon!”
Kumaway siya kaya naman itinaas ko na ulit ang bintana at nagmaneho paalis doon. Nang nakalayo na ako sa kanya ay itinigil ko ang sasakyan at pinanood siya. Kita ko ang pagkaskas niya ng mga palad habang nakapikit at ang pagbuntonghininga bago pinindot ang doorbell. Ilang saglit pa ay lumabas ang babaeng may edad na at kita ang gulat sa mukha niya nang makita ang anak niya.
Nakalimutan ko pala kung ano ang pangalan niya. Narinig ko iyon kaninang sinabi ng ex niya pero nakalimutan ko kung ano. Hays.
Nakita ko na parang may sinabi si Timmy sa Mama niya habang umiiyak, habang ang Mama naman niya ay naiiyak na rin. Nagulat ako nang makita kong sinampal siya ng Mama niya. Magdi-drive na sana ako pabalik doon, pero nakita kong niyakap siya kaagad ng Mama niya. Nakahinga ako nang maluwag sa nakita ko. Buong akala ko ay hindi na siya mapapatawad pa ng Mama niya. Ilang saglit lang ay pumasok na sila sa loob dala ang mga gamit niya. Nang naisara na ang gate ay tuluyan na akong umalis.
At iyon ang dahilan kung paano at bakit kami nagkakilala ni Timmy, best friend ko.
***
Nang makaalis na ako doon ay nakita ko sa dashboard ang cellphone ko na tumutunog. Nakita kong tumatawag si Lexie. Bigla kong naalala na tapos na nga pala ang klase niya at kailangan ko na siyang sunduin. Mabilis kong sinagot ang tawag niya.
“Hello, Babe.”
“Ford Isaiah, nasaan ka na ba?! Text na ako nang text sa ‘yo pero ‘di ka nagrereply! I’ve been waiting here for thirty minutes, nasaan ka na naman ba?!” Malakas na bulyaw niya.
“Sorry, may emergency lang. Papunta na ako d’yan, Babe. I’m sorry”
Hindi na siya sumagot, at sa halip ay pinagpatayan na lang ako. Ibinaba ko na ulit ang cellphone ko at nagmadaling mag-drive papunta sa school nila. Sigurado akong galit na galit na ang mahal kong iyon. Ayaw pa naman noon sa lahat ay ang pinaghihintay.
After 20 minutes ay nakarating ako sa school nila. Nakita kong nakaupo siya doon, at nakatingin siya sa sasakyang dumating gamit ang mga malulungkot na mga mata. Mabilis akong bumaba at pinuntahan siya.
“Babe, I’m sorry, I’m late.”
Tumingin siya sa akin nang nangingilid ang mga luha.
“May nakakita raw sa ‘yo, may sinundo ka raw na babae sa isang apartment. Ano, Ford Isaiah? May babae ka na naman ba, ha?”
Sunud-sunod na tumulo ang mga luha niya matapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Sobrang nasaktan ako sa nasaksihan kong pagtulo ng mga luha niya, dahil ang makita siyang umiiyak ay sobrang nakakapag-pasakit sa akin.
“No, Lexie! Ano ba namang klaseng paratang ‘yan? I promised you before, right? Hindi na mauulit ang lahat ng pagkakamali ko noon. Mahal na mahal kita, Lexie. And the girl you were asking was just nothing! I just helped her.” Paliwanag ko bago naupo sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya. “Hinding-hindi na ulit kita lolokohin, Lexie. Sana naman pagkatiwalaan mo na ako. It's been eight months, hindi mo pa rin ba ako napapatawad?”
“I already forgave you, Ford. Pero hindi mo ako masisisi kung bakit hindi ko kayang kalimutan iyon. You didn’t cheat on me for just once, Ford. You cheated on me three times! And I can’t help but feel threatened every time you were out of reach. Feeling ko laging may iba…”
Pinunasan ko ang mga luha niya dahil hindi ko kaya na makita siyang ganito. “I understand, babe. Wala iyon. Tinulungan ko lang siyang makauwi sa kanila. I didn’t even know her name. Wala rin akong balak lokohin ka.”
“Pero ang sabi sa akin ay maganda raw ang babaeng iyon.” malungkot na sabi niya.
Natawa ako sa sinabi niya dahil sobrang cute niya.
“Babe, yes she may be beautiful in their eyes. But nobody’s prettier than you in my eyes. You will always be the most gorgeous woman that my eyes will always see, wala nang iba. And the whole time I was with that woman, you were our topic. I was so proud to have you and I will never waste this chance, Lexie. I promised to marry you, right? I will make that happen. I will marry you.”
Nakita ko ang mga ngiti niyang nakakuha ng buong atensiyon ko noong una ko pa lang siyang makita. Ang mga ngiting minahal ko nang sobra sa kanya. Ang mga ngiting dahilan kung bakit paulit-ulit akong nahuhulog sa kanya.
“I love you, babe. I’m sorry for doubting you. I love you so much.” And then she hugged me tight.
God, I love her so much. Don’t let her leave me again or I’ll go insane.