Tulala pa rin ako at wala sa sariling huswisyong nanatili sa art studio. Isa pa, wala namang masyadong ginagawa. Nag-usap lang kami ni Ms. Jade about sa mga kailangan kong gawin: terms and conditions, at s'yempre 'yong tungkol sa oras na dapat ako magbubukas at magsasara.
Boredom sucks, you know. Pero ganito naman ako noon kaya sanay na ako riyan lalo na noong mga panahong hindi pa ako nag pa-party. Natuto lang akong lumabas kasama ang mga kaibigan ko at nang natuto, mas naging sakit pa ako ng ulo kaysa sa kanila.
But I will never go back until I'm able to find my happiness. Kaligayahan na ako mismo ang gagawa at hindi ang kung sino man lang. Probably like my father. God knows how much I wanted him to treat me fair for he was being irrational.
"Sandra, alis muna ako ha? Babalik ako mamayang mga alas kuwatro ng hapon. I am not expecting anyone to come, anyway. " She smiled.
"Oh. Okay. Thanks for informing."
Napaiwas ako ng tingin sa klase ng panunuri niya sa 'kin. Masyado ba akong naging halata? I shouldn't have to speak like that.
Sa huli tumango nalang si Ms. Jade at naglakad diretso palabas.
Ang ganda niya talaga. Maamo, palaging maaliwalas ang kan'yang mukha at plain lang din ang suot niyang make up. Ang alam ko ay may lahing Spanish ang mga Madrigal na namana nila sa kanilang Lolo. Kung sa bagay, lahat naman sila magaganda't gwapo. The boys are breathtaking while the Madrigal girls are alluring.
Lahat sila nakita ko na maliban kay Jade. Hindi ko kasi siya napapansin sa mga gala ko. Bakit kaya nandito siya? Or maybe she stayed here for good kasi nandito ang ang art studio niya, her passion.
Mas matanda siya kay Carrick, isang taon samantalang limang taon ang agwat ng edad namin. I sometimes wonder kung may asawa na ba siya kasi nasa tamang edad naman na. I couldn't tell for she's a beauty.
So I did my job that day. I fixed schedules, entertained costumers, and do the filing. Masyadong sikat ang studio niya para hindi dagsain ng mga married couples na nagpapagawa sa kaniya ng wedding portraits. Sometimes, ang mga pumupunta ay bumibili ng arts or nagpapa-sketch para pangregalo. The rest, it was purely business matter between them and my boss.
I wasn't bored, I started loving my job. Hindi gano'n ka tight ang schedule ko at hindi ako nahirapan. Mostly when the ambiance of the studio is peaceful and calming.
The next days were fun as well. I met costumers that are fun to be with and to talk while Jade was away. I was there to lead them where they can find the best arts. I toured them inside the gallery. Sometimes I joked and laughed around them.
I also met Callie, Jade's best friend. Palagi niyang dala ang cute na si Khyziah, she is just four. It was easy for me to get along with them. Iyon ang naging rason kung bakit ako nabunutan ng tinik dahil sa hindi pagbisita ni Carrick sa studio.
"Mr. Martinez, nice meeting you. I have Engr. Ryker Fuentebella with me," ani ng matanda isang umagang iyon.
"Sandra Manalo. Nice meeting you, Sir and Engineer."
I was smiling when I took their hands for a handshake. Then, they sat on the table in front of my table.
"Oh, you're new. I see."
I nodded to the old man.
"Ako po ang pumalit sa dating sec."
Tumayo si Engineer Fuentabella at iginala ang tingin sa mga sketches na naka-frame. There's something about his dark aura; his eyes were unfathomable, moreno, tall, lean, and one good-looking.
"Si Miss Jade nandito na ba?" tanong ni Mr. Martinez rason kung bakit makahulugang bumaling si Engineer sa kaniya.
They looked at each other meaningfully. Tumikhim ito habang humahakbang papunta sa couch at preskong umupo roon.
"I texted her already, sir. She's on her way anytime soon," I explained.
"Right. Thank you, Sandra."
Isang ngiti at tango lang ang iginawad ko bago nag-ayos ng mga files.
Tumunog ang phone ng matanda kaya nagpaalam muna ito sa kasama para sagutin ang tawag samantalang tahimik lang ako habang pinagkakaabalahan ang mga papel sa desk.
"So, how many years," Engineer Ryker trailed out of silence. His gazes were sharp.
Napakurap-kurap ako.
"Po?"
"I mean this art gallery. You think ilang taon na ito? Do you have any idea?"
My mouth formed an 'o' shape. Kanina ko pa siyang napapansin na pinag-aaralan ang loob at malalim na nag-iisip. Kumunot ang noo ko.
"Three years, Engineer, " ani ko.
He nodded. Magtatanong pa sana ako kaso may narinig akong ingay na palapit sa amin. Boses nina Ms. Jade iyon at Mr. Martinez, nagtatawanan na parang ang tagal nilang hindi nagkita.
At the corner of my eyes, I saw Engineer stood up. He resumed studying the arts on the other area. May naramdaman akong kakaiba ngunit hindi ko na alintana dahil sa dami ng gawain.
"Sandra!"
Napatayo ako sabay na itinukod ang mga kamay sa desk no'ng tumambad si Callie. Umalis ako at humakbang paharap sa kaniya. I saw Engineer Ryker did the same.
Callie's hair was tied up, she was wearing a denim pencil cut skirt and a sleeveless halter top. She'd put more effort dressing up and she's wearing a strappy wedge sandals.
"Oh. Si Miss Jade?"
She's about to speak a response when suddenly, I saw her eyes widened in horror. Nangunot ang noo ko habang pinag-aaralan ang reaksyon niya.
On the other hand, ang boses ni Mr. Martinez ay nawala dahil sa nabasag na vase sa kung saan. But then, I heard him calling out for Jade.
I thought Callie is looking at me. But then, I realized that Engineer Ryker was standing behind me. Before I could process something, I heard Callie already shouting as she ran out of the place. Sinundan niya ang tumakbong si Jade.
"Jade, wait!"
Noong lumingon ako, nilampasan lamang ako ni Engineer at dali-daling umalis din.
God, what was that?
Naiwan akong medyo naguguluhan kaya sa huli ay naupo na lamang sa couch.
No one dared texting me nor informing me 'bout what happened. I ended up cleaning the mess, picking up the shattered pieces of an expensive vase.
Umangat ang tingin ko sa wall clock, realizing that the time flew fast. Lunch na pala kaya medyo kumakalam na rin ang aking tiyan. Isa sa mga bilin ni Ms. Jade kapag bibili ako ng lunch ay isasarado na lang muna ang studio.
Kaya ang ginawa ko, kumuha muna ako ng salamin at inexamine ang mukha. Okay naman. Medyo naninibago lang ulit 'yong mga mata ko sa bagong glasses. Sinuklay ko ang aking shoulder-length hair at nag-spray ng konting perfume sa wrist.
Hinagilap ko ang aking wallet at nagpakawala ng buntong hininga. Kailangan ko ring magtipid. Paano ba 'yan? Gusto ko pa namang kumain sa Chinese restaurant.
Napasabunot ako ng buhok sabay pakawala ng isang buntong hininga.
"Kay lapit ng apartment nag-taxi pa. Ayan tuloy!" Ngumuso ako at kinagat-kagat ang daliri.
Bahala na! Tatawagan ko nalang si Ara para manghiram ng pera. And thankfully, within just two rings, she immediately answered.
"What is it, Cassey? Did you call me to fetch you because you want to come back?"
Napabuntong hininga ako.
"No, Ara. I-I need money."
"So? What do you want me to do?" frustrated niyang sabi.
Tangina naman! Sana si Yzbelle na lang ang tinawagan ko, e.
"Forget it!" Umirap ako. I'm about to end the call when I heard her sighed.
"Check your new bank account, Cass! As if naman matitiis kita. Ayan na kasi ang sinasabi ko sa 'yo. Hindi ka marunong humawak ng pera kasi gastadora ka!"
"Hoy, Ara ang bunganga mo!"
Humagalpak siya ng tawa sa kabilang linya. Nilipat ko ang cellphone sa kabilang tainga at naghawi ng buhok.
"Sige na, sige na, Cass. May date pa kami ni Stan eh. Bye. Ingat ka sa Daddy, este sa byahe mo kung nasaan ka man."
Naghanap ako ng malapit na kainan kaso baka may makakita sa akin. Sa takot ko ay nagdesisyon akong mag-take out at sa studio na lang kakain.
Nakakita ako ng Spanish restaurant two blocks away from my working place, but I ended up going out. Paano ba kasi? Naisipan ko na kailangan kong magtipid ngayon.
Wala na yatang lugar ang katakawan ko ngayon. Muntik na naman akong pumasok sa Chinese restaurant as their delicious dish made my tongue water ngunit sa huli, isa lang din ang binagsakan ko. May nahagilap akong Burger Stall sa malapit.
Kahit walang whopper at least may murang Burger akong nakita. Sandali pa akong nakatingala sa menu ng stall. Nanubig ang bagang ko sa bango ng niluluto ng babaeng may suot na uniporme at cap.
"Ano po sa 'yo, ma'am?" Napakurap-kurap ako bago ngumiti.
"Ate, isang cheese burger nga po. 'Yong with fries," ani ko.
Luminga-linga pa ako sa paligid. Praning ba.
"Sige po. Hintayin mo nalang. Lulutuin ko pa."
Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Gutom na ang mga alaga ko sa tiyan.
Fifteen minutes bago niya inabot sa akin ang inorder ko. May mga costumers din kasi. Bumili na rin ako ng mineral water at nagpasalamat sa babae.
Dito na lang siguro ako kakain palagi. Hala... Palagi? Umiling ako sa naisip, masasamid pa sana ng sariling laway.
Nang nakabalik ako sa art studio, umupo ako sa sariling table at dali-daling kumain. Ang bango ng cheese kaya mas lalo pang kumalam ang sikmura ko. Kumagat ako ng isa habang nakasandal ang pisngi sa aking palad.
Dali-dali naman akong natapos habang gano'n pa rin ang posisyon.
Napaisip ako gayong ngayon ay halos posible kaming magkita ni Carrick, parang bigla akong nakaramdam ng malakas na sipa sa dibdib.
I tapped my finger against the table, creating sounds for it eased the tranquility of the room.
"You look cute the way you eat while pouting." I heard that familiar deep voice joined with a playful chuckle.
Napasinghap ako at umayos nang upo. Tila nanginig ako sa narinig na boses. Ayan na naman, niloloko talaga ako ng pagkakataon.
Mas lalo akong nanigas sa kinauupuan nang magtama ang tingin namin ni Carrick na nakatayo sa 'di kalayuan. Laglag ang panga ko dahil naglakad siya palapit sa akin at sumalampak paupo sa upuan sa harap ng mesa ko—mga paa'y presko't naka de kuwatro.
"K-Kanina ka pa ba?"
Halos kutusan ko ang aking sarili dahil sa panginginig ng aking boses. I hoped and prayed that he won't recognize me.
Mas lalong lumawak ang ngisi ni Carrick rason kung bakit umakyat ang lahat ng init sa aking pisngi. What happened that night came flashing like an unpredictable waves.
"Early enough to see everything," aniya sabay taas-baba ng kaniyang kilay.
He was smiling playfully at me. I felt how my stomach churned. Another humiliation, I guess.
Umiwas ako ng tingin at nagpakawala ng pekeng tawa.
"Gano'n ba?"
Nagtaas ako ng kilay, ngunit napawi ang ngiti ko nang manginig ang kamay ko. I held it, sabay pisil.
"I saw you earlier though. You were in a Spanish Cuisine and ended up at a Burger stall." He smirked.
My eyes widened. Medyo napatalon ako nang may inilapag siyang paper bag sa ibabaw ng mesa ko. Pagkain iyon galing sa isang Spanish Cuisine.
Umawang ang labi ko at sa huli'y itinikom din. I stared at him confused. Napakurap-kurap ako saglit.
"P-paano?" I asked.
"I was there. And it happened that I saw you standing at that burger stall. Hindi maganda na burger and fries lang ang kinakain mo during lunch. You should've eat rice."
Toinks, pa-fall! Umiling ako.
"Kailangan ko lang mag—"
"Magtipid. I know." He smiled genuinely.
Wow! This is new. Tila pinupugpog na ngayon ng martilyo ang puso ko sapagkat tila nag-slow motion ang lahat simula nang ngumiti siya sa akin.
"Are you hitting on me?"
Pinanlakihan ako ng mata the moment I processed my words. Nakagat ko ang aking labi dala ng nerbyos.
Nang nag-angat ako ng tingin, nakatitig na ng mabuti sa 'kin si Carrick. Tila pinag-aaralan ang buong mukha ko.
"You look familiar. Have we met, Sandra Manalo?"