Kabanata 1

1901 Words
"I know where you can find, Carrick Madrigal, Cassey," natatawang bungad sa akin ni Yzbelle through call. Mabilis akong bumangon galing sa maliit na kama ng aking inuupahang apartment. And you know what happened? Lumuwas akong Manila at itinuloy talaga ang paglalayas. From a Mansion, ngayon ay nakatira na lang ako sa isang cheap apartment. Ginamit ko ang ipon galing sa allowance na binibigay sa 'kin ni Daddy noon. Enough for me to live a life! "Hm. That's absurd! But where?" I asked. Uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari sa amin ni Carrick two months ago. That day, I woke up inside a condo unit lying beside a naked man. Lumilipad pa akong umalis sa unit na iyon para lang makatakas. At first, I really thought he wasn't real... but he was. That was the time I received a call from my father saying he'd drag me back into our house if I didn't surrender going back home. Nanginig pa ako nang mga araw na iyon kaya mabuti na lang dahil maaasahan talaga ang dalawa kong kaibigan. But then, I know that this freedom is just temporary. Kasi alam kong darating ang araw na hahatakin din ako ni daddy pabalik sa lugar namin. If only my Mother had been there. Sana hindi na lang siya nagkasakit para hindi ako ngayon nangungulila sa kaniya. I lost her when I was just ten years old. "Cassey, I think you should stop this nonsense. Pumunta dito si Atty. Diego sa bahay. Guess what, kalat na sa buong syudad ang paghahanap niya sa nag-iisang anak niya. Damn! You're his only heir tapos nawawala pa?" fustrated na sabi ni Yzbelle. Umirap ako at umiling kahit na hindi niya ako nakikita. "Maging ikaw ba naman, Belle? Sabihin mo na lang kasi sa akin kung saan ko siya makikita! Para naman may pagkaabalahan ako..." "You're crazy!" "Goodness! Come on and spill the beans, Belle." "Fine! Nasa Manila siya okay? I'll send you the details but you'll promise me one thing." I sighed. Kahit na labag sa loob ko ay pumayag ako. I wanted my freedom and this is for my freedom. Babalik lang ako sa bahay na iyon kung hindi na makikialam si daddy sa buhay ko. "What is it?" I asked. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Bahala na. "Be a good girl! Don't just go out with somebody, 'kay? Baka kasi maulit ang nangyari noon," she sounded sarcastic. They knew what happened that night. "Of course, Belle. Anong akala mo sa akin? I'm an one-man woman." Ngumiwi ako. "Great, Cass! You're an... okay remove the Capital 'C from your name." Umawang ang labi ko dahil sa narinig mula sa kanya. Right! I'm an ass! I've been acting like one towards my father. Masama ba kung ang gusto ko lang ay ang sariling kalayaan? I heaved a sigh. I have read something that says, "The secret of happiness is freedom." I believe it's true. I have read it in some books before and, of course, iyon din naman ang nararamdaman ko ngayon. Sinabi ni Yzbelle kung nasaan si Carrick ngunit napawi ang ngiti ko. Ang dami niyang condo rito at isa pa, wala nang saysay ang pagtatanong ko kasi hindi ako makikilala no'n. Pang one night stand lang naman kasi ang tingin niya sa akin. Now, I sounded bitter. "Kailangan kong mag-disguise, Belle. Paano na 'yan? Ibabalik ko ang Cassey way back in highschool." "You mean, the nerdy Cassey? You'll remove your lenses? Nababaliw kana ba? Oh my God!" Maybe I'm crazy! I'm sorry, pero hindi p'wedeng malamam ni daddy kung nasaan ako at mas lalong ni Carrick na maalala ang itsura ko. Damn! I hate the thought of being humiliated! "Bull of shits, Cassey." "I will work! I will starve to death kung uunahin ko pa si Carrick," I hissed. Matapos naming mag-usap ni Yzbelle ay naligo ako at kumain ako ng almusal. Bigo kong iginala ang tingin sa buong lugar kung saan ako nagi-stay. Who would have thought that Cassey Garcia is here, eating and living in a short space, and wearing cheap clothes? I knew that this would be so hard for me. I wore glasses, just a simple blue dress, and flats. Oh wow, I look like a high school version of me. I do look like a simple woman; a natural person with no connections, no wealth, not an heir, without power. Mabuti na lang talaga at nagpagawa ako ng fake I.D. My name now is Sandra Ashely Manalo. Thanks to Amara! I owe her a lot of time. Lumabas ako ng apartment at ihip ng hangin agad ang sumalubong sa akin dahilan ng pagsabog ng buhok ko sa mukha. Dali-dali ko itong hinawi habang marahas na nagpakawala ng isang buntong hininga. "I feel so awful!" umiirap na bulong ko sa aking sarili. Nag-aabang ako ng taxing masasakyan papunta sa isang art studio. Mabuti naman at nakuha ako bilang secretary ng isang artist. Ayos na iyon para sa akin. Basta lang may pera ako pambili ng mga bagong damit. Isa pa, mahirap pa naman maghanap ng trabaho ngayon. Salamat na lang kay Amara kasi siya 'yong nag-refer sa akin doon. Masyado kasi akong sumandal kay daddy at umasa sa pera niya noon kaya ito ako ngayon, wala akong alam. I wanted to thank my friends for helping me through times like this. They never left me in every battle. Mabilis akong nakahanap ng taxi kaya agad akong nakarating sa art studio na papasukan ko. Doon ako nakaramdam ng kaba sa hindi malamang dahilan. Nasa harap pa rin ako ng pagta-trabahuan ko at sandali pang nakatunganga. Gusto kong umurong kasi medyo naninibago ako. During my high school years, I was not friendly. Hindi naman ako pinapalabas ng bahay, only during occasions. Gumraduate ako bilang isang valedictorian noong high school but still... I'm unnoticeable. During college years, dahil kina Amara at Yzbelle natuto akong mag-ayos ng sarili. Sila rin ang nagtulak sa aking lumabas at uminom. Ngunit dahil palaging busy si Daddy sa trabaho at maging sa mga hawak niyang cases ay hindi niya ako palaging napapansin. Nabalik ako sa sariling huwisyo nang biglang bumukas ang front door. Napakurap-kurap nang tumambad ang isang magandang babae. She's wearing a straight green dress and black stilettos. Nginitian niya ako. "Hi! Are you Sandra Manalo?" aniya sa akin habang sinusuri ang kabuuan ko. Tumambol na naman bigla ang puso ko. This is going to be my first time, okay? Nanliliit ako sa kagandahan niya. Napakakinis niya na para bang araw-araw naliligo sa gatas. Her almond eyes were brownish, she had curly hair, and a small narrow nose, her lips were full, she was porcelain white, and her cheeks were pinkish. She looked extravagant wearing those jewels on her neck and wrist. "Hi? Are you Sandra, my new secretary?" Napatalon ako bahagya nang napansin na nakalapit na pala siya. Napakurap-kurap ako bago suminghap ng hangin para masagot siya. Mukha kasi siyang pamilyar sa akin kaya gano'n. "Ah! Ako nga po. P-pasensya na," nahihiya kong saad. Teka nga, saan ko nga ba siya nakita? It feels like I saw her somewhere already. Nang hindi maalala ay iwinaksi ko na lang iyon sa aking isipan. She's going to be my boss anyway. "Ako nga pala si Jade Amelia Madrigal. Nice to meet you." I gasped. Maging mga mata ko ay namilog sa gulat. "M-Madrigal?" "Yes. Bakit?" Umiling ako habang napaisip. Imposible. Marami namang Madrigal sa Pilipinas. Baka some distant relatives, lang nila siya. Pilit akong ngumiti at iniwaksi ang nilalaman ng utak. "Halika sa loob. May ipapakilala ako sa 'yo. Minsan kasi kapag wala ako rito, siya iyong pumupunta." Nauna siyang tumalikod kaya sumunod naman ako sa kaniya. She intrigued me though. Hindi kasi ako natatahimik hanggat wala akong nahahanap na kasagutan. Alam kong medyo maloka ako, ngunit nagseseryoso talaga ako kapag may gustong makuha o malaman. Siguro dahil binantayan ako nang maayos ng Daddy ko kaya nang nakalaya ay nagkaroon na ng maraming tanong. Nang nalaman ni Daddy ang pinanggagawa ko noon ay nanlamig ang tungo niya sa 'kin. 'Yon lang, mas lalo niya akong pinag-initan nang nalaman niyang Literature ang kinuha kong course. He wanted me to take Law to follow his steps. However, I don't like it. I knew then that it wasn't for me. Because of what I did, he made his own decision for him. A scary decision na mas lalong nagpukulong sa akin. Ngunit dahil nga ang mga ikinukulong ay mas nagiging agresibong makalaya, iyon ang ginawa ko. Tumakas ako para sa kapalarang hindi ako ang gumawa kun'di si Daddy. Felt like I was a dove being put in a cage a long time ago. Trapped inside a dark room without knowing what's going on outside. I was homeschooled during my elementary years. Nakalaya lang ako dahil sa tulong ng aking yaya na pumanaw na rin. Then again, I was left behind. My yaya was the reason why my dad allowed me to study outside during high school and college. But I always have my body guards with me because of the death threats my father received. Minsan ding napaulanan ng bala ang bahay namin kaya gano'n na lang kung higpitan ni daddy ang aking sekuridad. But then, during college, it wasn't that tight anymore. Humupa ang lahat kaya natuto akong gumala kasama ang mga kaibigan ko. "Here, Sandra." Nabalik ulit ako sa sariling huwisyo no'ng tanaw na ang loob ng studio niya. Nakakatulo laway talaga ang mga gawa niya. Puno ang bawat sulok ng kaniyang sketch na nakapagbighani sa akin. Naalala ko tuloy ang bahay namin. Nakaka-miss. The other door slowly opened, but I was too preoccupied to turn and look at it. Bumaling sa likod ko si Ms. Jade lampas ang tingin sa akin, malapad ang ngiti. "Jadey. Great. You got your new secretary." I gasped. No way! That voice... Ang boses na iyon na nagpatindig ng balahibo ko sa katawan. Mas lalong hindi na rin ako nakagalaw sa kinatatayuan at nanatiling nakatalikod pa rin. Pakiramdam ko, pinanghinaan ako ng katawan. Imposible naman yata diba? Ilang minuto pa akong nag-ugat doon habang hindi makapagsalita. Nag-somersault ang aking puso dahil sa kaba at pakiramdam ko'y nauubusan ako ng hininga. Humalakhak si Ms. Jade na ngayon ay pabalik-balik na tumingin sa 'kin at sa lalaki sa likod. Pinanuyuan ako ng laway. Hinimas ko ang aking leeg dahil pakiramdam ko'y nasasakal na ako. "You behave, Carrick! Maghanap ka ng iba, okay? 'Wag si Sandra!" bulyaw ni Ms. Jade at inirapan na 'yong si Carrick. Teka Carrick? Jade Madrigal? It means... Napasinghap ako at tuluyan nang pinanlakihan ng mga mata. I was about to react when I suddenly heard his voice again. "Is Callie coming, Jade?" Nakuyom ko ang mga kamao sabay pikit. "I don't think so, Ric. Kasama niya ngayon si Khyz." Tumingin sa akin si Ms. Jade kaya isinantabi ko ang kaba at ngumit nang pagkatamis-tamis sa kaniya. Tapos, tumingin ulit siya kay Carrick. "Very well. Kinukulit ako nila Alastair kaya mauuna na ako." "Balik ka sa araw na wala ako, Carrick!" "Don't worry, I will behave. But I have to go now. Nice to meet you, Ms. Secretary." Doon lang paunti-unting pumihit patalikod, ngunit nang nakaharap na ako, ay likod na lang niya ang naaninag ko. Nanghihinang naupo ako sa isang couch. Hagip ko ang sariling hininga. I was one hundred percent sure that the man I saw was Carlos Alaric Madrigal!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD