CHAPTER THREE

3382 Words
“LOLA, nasaan na po si Light?” tanong ni Winona sa lola niya na naghuhugas ng kung ano sa lababo. Nakapagbanlaw na siya at nakapagbihis na ng pambahay. Itinaktak ng lola niya ang mug na katatapos lang nitong hugasan. “Umalis na pagka-ubos mainon iyong tsokolate. Bakit, apo? Miss mo na ba ang nobyo mo?” nanunudyong sambit nito. “Lola! Hindi ko po nobyo si Light!” At nagpapadyak pa talaga siya. Umupo siya sa isang upuan na nasa hapag nila at nakalabing tumingin sa lola niya. “Ay, akala ko naman ay boypren mo iyon. Ang sabi mo kasi sa akin dati, kung sino ang unang lalaki na dadalhin mo dito ay boypren mo!” Umiling si Winona. “Hindi po. Inihatid niya lang po ako dito sa bahay pero hindi ko po siya boyfriend. Friends lang po. New friend. Hindi niyo po ba natatandaan, lola? Siya po iyong kinukwento ko sa inyo palagi na classmate ko na masungit, gwapo, matalino at mabango!” “`Yong kras mo?” Pinipigilan ang ngiti na tumango si Winona. “Nakuuu!!! Ang apo ko ay kerengkeng na!” tili ng lola niya. Agad namang tinakpan ni Winona ang bibig ng matandan gamit ang kanyang kamay. “Lola, `wag naman po kayong maingay! Baka may makarinig sa atin, e!” saway niya. “Tayo lang namang dalawa dito sa bahay, apo! Saka ano naman ang masama kung kumerengkeng ka, e, dalagita ka na!” “Pero ang sungit niya po, lola… At alam ko ayaw niya sa katulad kong tanga.” Mariing umiling si Lola Patring. “Winona, apo, hindi ka tanga. Special ka. Palagi mong tatandaan iyan…” “Special? Parang… siopao at pancit sa kanto? Special!” “Tama ka. Special ka dahil may mga bagay at katangian ka na wala sa ibang tao. Huwag kang papayag na tatawagin kang tanga. Okay ba?” “Okay po, lola! Salamat po!” At nginitian niya ang kanyang lola nang matamis. NAGLALAKAD si Light ng umagang iyon sa hallway ng school. Papasok na siya sa classroom. Hindi pa naman siya male-late kaya medyo mabagal ang kanyang paglalakad. Maya maya ay tumigil siya sa paghakbang dahil may naririnig siya sa kanyang likod. Isang babae na kumakanta kung kanta bang matatawag iyon. “La, la, la, la, la…” Nakataas ang isang kilay na lumingon siya at nakita niya na si Winona ang kumakanta. Nakahawak ito sa magkabilang strap ng bagpack nito at medyo kumakandirit pa habang naglalakad. Akala mo ay isa itong Grade One student na excited na pumasok. “La, la, la, la, la…” Patuloy na pagkanta nito. Tumigil lang ito sa pagkanta nang makita siya. Nanlalaki ang mga mata na nagtatakbo ito palapit sa kanya. “Hello, Light! Magandang umaga!” Masiglang bati nito. “Pwede ba, `wag kang masyadong maingay!” Pabulong na saway niya dito. Tumingkayad ito at bumulong sa kanya. “Ang sabi ko, magandang umaga!” anito sabay hagikhik. “Ewan ko sa’yo!” “Teka, maglalaro ba tayo ulit ng tulak-tulakan sa susunod na umulan? May bago kasi akong laro na bundul-bundulan!” “Wala ka bang laro na hindi bayolente?” Inis na tanong niya. “Isa pa, talaga bang kapag papasok ka sa school o naglalakad ka ay kumakanta ka? Nagmumukha kang tang--” Itinigil niya ang pagsasalit. “Nagmumukha kang katawa-tawa sa mata ng ibang tao.” “Masaya ako na napapasaya ko ang ibang tao kung natatawa sila sa akin. Saka kapag kumakanta ako, gumaganda ang mood ko, Light. Ang saya niya kayang kantahin!” “Alin? `Yong ‘la la la la’ mo? Is that even a song?” “Oo naman. Favorite ko kaya `yon!” “Sino’ng singer?” Natahimik sandali si Winona sabay ngiti ng malaki. “Ah, eh… Imbento ko lang pala `yong ‘la la la la’. Pero kahit na! Maganda naman, e!” “Para kang bata sa ginagawa mo, alam mo ba yon? Simula ngayon, ayoko nang kumakanta ka ng ‘la la la la’!” “Ha? Bakit ko naman kailangang gawin ang sinasabi mo?” “Dahil nakakairita ang ginagawa mo, Winona. Sige na, gawin mo na.” “Ayoko. Hindi ko kaya, e.” “You have to!” Ngayon na niya sisimulan ang pagbabago kay Winona. Sisimulan niya iyon sa mga bagay na nakasanayan nito na hindi na dapat nito ginagawa. “Pero--” “Wala nang pero-pero. Hindi ka na kakanta ng ‘la la la la’,” pagdidiin niya. “O-okay…” Malungkot na sang-ayon nito. Tinignan niya ito nang mataman. Mukhang gagawin naman nito ang utos niya. Umayos siya ng tayo. “Sige na. Pumasok ka na sa room,” utos niya. Humawak ulit si Winona si strap ng bag nito at pakandirit na naglakad papunta sa room nila at napa-face palm na lang siya nang kumanta na naman ito. “Da da da da… da da da…” “Winonaaa!!!” gigil na tawag niya. Bumalik ito sa kanya. “Bakit?” “`Di ba, sinabi ko sa iyo na huwag ka nang kakanta?!” “Oo nga. No’ng ‘la la la la’!” Kalma, Light… Kalma… kausap niya sa kanyang sarili. Kailangan niyang kumalma dahil mukhang sasakit talaga ang ulo niya sa pagtuturo kay Winona. Mukhang mahaba-habang “session” pa ang pagdadaanan nito bago niya ito mabago. “Hindi ka nga kumanta ng ‘la la la la’ pero ‘da da da da’ naman! Parehas lang iyon, e. Isa pa, ayokong para kang kangaroo na tumatalon-talon kapag naglalakad. Walk normal!” “Pero iyon ang normal na lakad ko--” “Mo! Lakad mo. Pero sa normal na tao, hindi. Maglakad ka ng maayos nang hindi kumakanta. Kapag nagawa mo iyon…” Nag-isip si Light sabay… “Bibigyan kita ng marshmallows!” Nagningning bigla ang mga mata ni Winona. “Marshmallows na hugis heart?” “Oo!” “Tapos may small, big at different colors?” “Yes!” “Sige! Gagawin ko. I’ll try! Panoorin mo ako.” Nauna nang maglakad si Winona sa kanya. At hindi niya malaman kung matatawa o maiinis siya dahil para naman itong isang robot kung maglakad. Halos hindi na umaangat ang paa sa semento. Halatang pinipigilan nito ang tumalon. Naiiling na nilapitan niya ito at inikot ang braso sa leeg nito. Hinila niya ito papunta sa classroom para mas mapadali ang paglalakad nito. “Waaah!!! Light!!!” Eskandalosang sigaw ni Winona sa ginawa niya dito. Hiling lang talaga ni Light ay mawala na ang pagiging slow at tanga nito para hindi na siya naiinis palagi dito. PAGKAPASOK nila ng classroom ay saktong dumating naman agad ang adviser nila na si Teacher Thalia. Busangot ang mukha at wala sa sarili si Light dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya kay Winona. Hindi nga ito kumanta ng ‘la la la la’ pero ‘da da da da’ naman. Ganoon ba talaga kagrabe sa bagal ang utak nito? Ang laki talaga ng epekto ng pagkakabaril sa ulo nito. “Good morning, class. Bago tayo mag-start sa discussion natin ay ipapakilala ko muna sa inyo ang dalawang bago niyong classmate.” Panimula ni teacher Thalia. Doon lang nakuha ng kanilang teacher ang kanyang atensiyon. Napatingin tuloy siya sa unahan nang isang magandang babae ang nakita niyang katabi ni Teacher Thalia. Mestisa ito, maayos ang buhok at maayos manamit. “Teka, nasaan si Mr. Guevarra?” tanong ni Teacher Thalia sa babae. Itinaas ng babae ang dalawang balikat. “Teacher, hindi ako tanungan ng nawawalang student. Mukha ba akong lost and found? Duh!” anito sabay rolled eyes. Napa-tsk si Light. Maganda sana ito pero mukhang hindi ganoon ang ugali. “O, sige na. Magpakilala ka na.” Medyo tinabig pa ng babae ang teacher nila para ito ang nasa gitna. Naka-smile ito na nagsalita sa harapan nila. “Good morning, everyone! This beautiful girl infront of you is named Phoemela Hermosa. But just call me ‘Phoem’. I am sixteen years old and I would like to be the class’ muse!” “Ah, Phoem, excuse pero may muse na ang class ko,” nakairap na turan ni Teacher Thalia. Nagkibit-balikat ito. “Okay, then. Madali naman akong kausap! Saan ako uupo? Where’s my seat?” tanong nito habang gumagala ang tingin sa buong klase. Tumigil ang mata ng babae sa kanya. “There! Sa tabi niya ako uupo!” anito matapos siyang ituro. Bakit ba kasi bakante ang upuan sa tabi niya? Mukhang hindi lang kay Winona sasakit ang ulo niya kundi sa maarte at magaspang ang ugali na si Phoem. “Hi! My name is Phoem!” sabi nito pagkaupo sa tabi niya sabay lahad ng kamay. “Yeah, I know. Nagpakilala ka na kanina, `di ba?” Masungit na sagot niya. “Oh! So, you’re listening to me! You like me!” Napapailing na isinubsob na lang ni Light ang mukha sa desk. Mas mabuti pa sigurong matulog na lang siya sa klase kesa makausap si Phoem. Hindi lang pala magaspang ang ugali nito, mahangin din. “HI. My name is Phoem!” Isang nakalahad na kamay ang biglang bumulaga sa mukha ni Light habang nakatutok ang mata niya sa librong nasa table. Kasalukuyan siyang nasa library ng hapon na iyon dahil may niri-research siya tungkol sa reporting na gagawin niya next week sa English. Hindi na niya kailangang tignan kung sino ang taong umistorbo sa kanya. “Ilang beses ka bang magpapakilala? I am not stupid para ulit-ulitin mo ang pangalan mo sa akin.” Hindi tumitingin na turan niya. Umupo ito sa tabi niya. Sa gilid ng mata niya ay nakita niya nakahalumbaba ito at nakatingin sa kanya. “It’s because hindi ka pa nagpapakilala sa akin,” anito. “Ayokong makipagkaibigan sa iyo,” diretsong sabi niya. “Wow! Straight to the point.” “Para hindi na masayang ang effort mo.” “Okay. You don’t want to be my friend. Maybe you want to be my… boyfriend?” “Hindi rin.” Kalmadong sagot niya. Kilala na niya ang ganitong uri ng mga babae at sanay na siya dito. Mga babaeng hayagang nagpapakita ng pagkagusto sa kanya kaya naman hayagan din kung ipakita niya ang `di pagkagusto sa mga ito. “What are you reading?” pangungulit nito. Hindi ba nito nakikita na nag-aaral siya at nakakaistorbo ito? “Aklat. Malamang.” Pambabara niya. “Ang sungit mo naman! Ganiyan ka ba makipag-usap sa new student dito sa school niyo?” Nagpa-cute pa ito sa pamamagitan ng pag-pout. Inis na inis siya sa ginawa nito dahil hindi naman bagay dito ang ganoon. Para sa kanya, si Winona lang ang bagay magpa-cute. “Hindi ko obligasyong kausapin o maging nice sa kahit na sinong estudyante sa school na ito. Bago man o luma. Kaya kung ako sa iyo--” “Light!!!” Mula sa mga shelves ng aklat ay lumabas si Winona at humahangos na lumapit sa kanya. Bitbit nito ang walong malalaking aklat na ipinahanap niya dito. “Quiet!” sigaw ng librarian. Pinanlakihan niya ng mata si Winona sabay lagay ng hintuturo niya sa tapat ng kanyang bibig. Sunod-sunod itong tumango na para bang sinabi nito na natatandaan nito na tahimik nga pala kapag nasa library. Umupo si Winona sa tabi niya matapos nitong mailapag sa table lahat ng aklat. “Nahanap ko na lahat ng books na pinahanap mo sa akin. Ang galing ko, `di ba? Pero… bakit ang dami naman yata? Anong gagawin natin sa mga ito? Ikaw lang naman ang may report next week, `di ba?” Sunud-sunod na tanong nito. Medyo natuwa si Light. Ang buong akala niya ay hindi nito mahahanap ang mga aklat. Mukhang gumagana naman pala talaga ang utak nito minsan. “Very good, Winona. Now, pumunta ka sa librarian tapos ipalista mo ang mga book na iyan kasi sa labas tayo magbabasa. Get?” Tumango ito. “Pero bakit? Akala ko ba dito tayo magbabasa kasi tahimik?” “Nagbago na ang isip ko. Hindi na tayo makakapag-concentrate dito. Sige na.” “Okay!” Masiglang tumayo si Winona at nang mapansin nito si Phoem ay kumaway ito dito. “Hi, Phoem! Ikaw `yong new student, `di ba? Welcome dito sa CNHS!” At nagtatakbo na ito papunta sa librarian. “Careful!” Paalala niya dito. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa nasa may librarian na ito. “Girlfriend mo ba ang mukhang eng-eng na iyon?” Halata ang pagkairita sa boses ni phoem. Isang matalim na tingin ang ibinigay niya dito. “Don’t call her eng-eng. Hindi siya gano’n. At hindi ko siya girlfriend!” Itiniklop na niya ang binabasang aklat at pumunta sa librarian kung saan naroon pa rin si Winona. Matapos niyang ibalik ang aklat ay magkasabay silang lumabas ng lugar na iyon. “BASAHIN mo lahat ng iyan. Pagkatapos ay ibalik mo na sa library. Bukas ay may mga itatanong ako sa iyo para malaman ko kung binasa mo nga lahat ng iyan. Okay?” “B-bukas na talaga? Pero… one , two, three, four, five, six, seven, eight… Eight books lahat ito. Ang dami--” “Hindi mo naman babasahin page by page. I-scan mo lang. Basahin mo ng mabilis.” “Mabilis? Bibilisan ko? P-pero… mabagal akong magbasa, e.” “Basta. Basahin mo!” Napasigaw na lang si Winona nang maalala niya ulit ang usapan nila na iyon ni Light bago siya nito iwanan sa bench kung saan nagbabasa sila kanina ng mga pinakuhang aklat nito. Pabalik na siya ng library at ibabalik na niya ang mga aklat. Hindi naman niya lahat nabasa ang mga iyon. Imposible naman kasi ang iniuutos ni Light. Isa pa, hindi naman niya ito teacher kaya okay lang siguro na hindi niya ito sundin. Napahagikhik siya sa isipin na iyon. Pero napansin lang niya, simula nang iligtas siya nito mula kay Hera ay palagi na itong nakadikit sa kanya at kinakausap na rin siya madalas. Samantala noon ay hindi man lang siya magawang tignan nito. Kung mahuhuli man niya na nakatingin ito sa kanya ay parang inis na inis palagi. Tapos, ang dami pa nitong iniuutos sa kanya. `Wag ganito, `wag ganiyan. Dapat ganito, dapat ganiyan. Sumasakit na talaga ang ulo niya! “Teacher Librarian, `eto na po lahat ng books na hiniram ko. Babalik ko na po…” aniya sa librarian pagkabalik niya sa library. “Nasaan ang library card mo?” “`Eto po.” Inabot niya ang hinihingi nito. Matapos mapirmahan ang library card niya ay umalis na rin siya agad doon. Tumingin siya sa kanyang wrist watch. Thirty minutes pa pala bago ang last subject nila. Ang sabi ni Light, `pag natapos na siyang magbasa at naibalik na niya ang mga libro ay puntahan niya ito sa room. Maglalakad na sana siya para puntahan si Light nang bigla niyang maramdaman na parang naiihi siya. Hindi lang basta naiihi kundi ihing-ihi na! “Anong gagawin ko? Kailangan ko pang puntaha si Light pero ang sabi naman ni Lola Patring ay bad daw na magpigil ng ihi!” aniya. Kinakausap na naman niya ang kanyang sarili. Halos hindi na maipinta ang mukha ni Winona. Namimilipit na rin nag kanyang mga binti. Mukhang kailangan niyang sundin this time ang lola niya. Tumakbo na siya papunta sa comfort room ng mga babae. Bibilisan na lang niya para makapunta agad siya kay Light. Pero nang papasok na sana siya sa CR ng mga babae ay pinigilan siya ng janitor ng school. “Kuya, bakit po? Naiihi na ako?” Kawawang sabi niya. “Out of order iyan.” “Hindi naman po ako oorder, e. Iihi po ako.” “Hindi pwedeng gamitin kasi may inaayos. Barado lahat ng inidoro!” “Paano po ako iihi, kuya? Ihing-ihi na talaga ako, e.” Paiyak na tanong niya. “Aba. Malay ko.” At iniwan na siya nito. Ihing-ihi na talaga siya. Pakiramdam niya ay sasabog na ang pantog niya kapag hindi pa siya nakaihi agad-agad. Hanggang sa dinala na siya ng mga paa niya sa likod ng CR. Walang tao doon kaya pwede na siguro na dito siya umihi. Wala rin namang nagagawi doon dahil ang likod ng CR ay kaunting space lang tapos pader na. Doon siya sa kaunting space iihi. Kasya naman siya. Ang bright ko talaga! Aniya sa kanyang utak. Nag-uumpugan na ang mga tuhod na itinaas niya ang kanyang palda sabay baba ng suot na panty na may mukha ni Pororo bilang design. Papaupo na sana siya nang biglang may isang lalaki na tumalon mula sa kabilang pader dahilan para muli niyang itaas ang panty niya at ibaba ang palda. Sisigaw sana siya nang biglang takpan ng lalaki ang bibig niya sa pamamagitan ng kamay nito. “`Wag kang sumigaw, miss… Baka mahuli ako ng guard!” Mahinahong sabi nito. Sa suot nitong uniform ay nahinuha niyang estudyante ito sa school nila. In all fairness, hindi naman mabaho ang kamay nito. Gwapo rin ito. Maputi at chinito. Iyon nga lang parang may “bad boy feels” ito. Dahil siguro sa makapal na kilay nito. Tinapik niya ang kamay nito at sinenyasan niya ito ng OK. Nang tanggalin ng lalaki ang kamay nito ay maiyak-iyak siyang nagsalita. “Kuya naman, e!” Kulang na lang ay magdabog siya dahil ihing-ihi na talaga siya tapos naudlot pa ang pag-ihi niya. Nang humarap sa kanya ang lalaki at tinignan niya nang matalim ay doon na siya napasigaw. Kahit naiihi ay nagtatakbo siya nang mabilis palayo sa lugar na iyon. Malay ba niya kung masamang tao ito o monster. Baka biglang magbago ang anyo nito at maging halimaw tapos kainin siya! Ayaw pa naman niyang mamatay agad tapos sa ganoong paraan pa. Takbo lang nang takbo si Winona hanggang sa makarating na siya sa classroom nila. Sa unahan ay bigla niyang nabangga si Light na sinalubong agad siya ng nakakunot nitong noo. “Bakit ngayon ka lang? Ang tagal mo!” sita nito sa kanya. Bigla niyang naramdaman na sasabog na talaga ang hindi dapat sumabog. “Please naman, Light… H-huwag mo naman muna akong pagalitan ngayon…” Hindi na maipinta ang mukha niya. Namimilipit na rin siya. Sobrang ihing-ihi na talaga siya para magtaasan lahat ng balahibo sa buong katawan niya! “Ano bang sinasabi mo? Ang tagal mo naman talaga! Saan ka ba nagsusuot, ha?!” “Arinola!” biglang sigaw niya kaya naman nagtawanan lahat ng mga kaklase nila. “Arinola?” Nagtatakang react ni Light. “Oo. Arinola! Kailangan ko ng arinola!” “Pinaglololoko mo ba ako?!” Umiling siya. “H-hindi… A-arinola… Please…” Kulang na lang ay lumuhod na siya sa harapan nito. “Puro ka talaga kalokohan!” “Arino--” Hindi na naituloy pa ni Winona ang sasabihin dahil hindi na niya napigilan ang pagsirit ng ihing kanina pa niya gustong ilabas. Umagos iyon papunta sa kanyang binti at sapatos. Sa dami niyon ay umabot pa iyon hanggang sa sahig. Hiyang-hiya si Winona ng oras na iyon kaya naman napaiyak na lang siya. Nakakahiya dahil sa harapan pa talaga siya ni Light napaihi! Sa isang iglap ay mabilis siyang napalibutan ng mga kaklase niyang halos mamatay sa kakatawa dahil napihi siya. Wala man lang lumapit sa kanya upang tulungan siya sa kahiya-hiyang sitwasyon na iyon. Ang buong akala niya ay mag-isa lang siya hanggang sa sigawan ni Light lahat ng kaklase niya. “Tumigil nga kayo! Kayo kaya ang mapunta sa sitwasyon ni Winona tapos tawanan lang kayo? Anong mararamdaman niyo?!” Namumula na ang mukha nito na para bang galit na galit ito. Tumigl tuloy ang mga kaklase niya at nagsibalikan sa mga upuan. “Light…” mahinang bulalas niya. Napatigil tuloy siya sa pag-iyak dahil baka pati siya ay sigawa o pagalitan nito. Sa kauna-unahang pagkakataon ay naranasan niya na ipagtanggol at ng taong hindi pa niya inaasahan na gagawa niyon-- si Light.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD