Kabanata 1

1812 Words
“What do you want to do after school?” Napabuntonghininga ako. “What?” muling bulong sa akin ng kaibigan kong si Sidney. “Mm?” kunwari nag iisip na tugon ko. Pero siyempre alam ko na agad kung anong dapat kong gawin. “Don't tell me...” Nagkibit-balikat ako sabay iling. “Don't worry. I won't tell you.” Napabusangot ang mukha niya. “Naiinis na ako, Rachel.” Tinawanan ko na lamang si Sidney at saka ko ibinaling ang mukha ko sa harap. Kasalukuyang nagle-lecture ang teacher namin pero heto si Sidney at kinukulit ako sa kung anong gagawin ko mamaya. Wala naman kasi akong ibang gagawin maliban sa nakasanayan kong gawin. Ang tumambay sa basketball court at doon aralin ulit ang mga lessons namin sa araw na ‘yon. “I want to go shopping,” Narinig kong bulong ni Sidney. Nang silipin ko siya’y nakanguso na siya habang nakatutok ang mga mata sa notebook at ballpen niya. Napangiti ako. Shopping ulit. Lagi na lamang shopping ang nasa isip ni Sidney. Nang minsang tanungin ko siya tungkol sa pagkakahilig niya sa shopping ay sinagot niya lang ako ng... My kind of escape. Siyempre hindi ko naintindihan ‘yon. Ano lang naman ba ang alam ko sa mga lengwahe ng mayayaman. Nang matapos ang huling klase namin sa araw na ‘yon ay agad akong kinulit ni Sidney. “Sige na! Sigurado naman akong wala kang gagawin, e. Wala tayong assignments ngayon.” “Mag aaral pa ako, e.” Napataas ang dalawang kilay niya. “What? Aral na naman? Saan? Sa basketball court ulit? My gosh! Nagdududa na talaga ako sa ‘yo, Rachel.” Natawa ako sa naging reaksyon niya. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni Sidney na paborito kong mag aral sa loob ng gym. “Malayo pa ‘yong second periodical test pero kung makapag aral ka na, lubos-lubos. Stop being studious, Rachel. Let’s enjoy life while we still have the opportunity to enjoy it.” “Alam mo, mas mabuti pa kung sabayan mo na lang akong mag aral.” “Ugh! May bagong bukas na salon d’yan sa labasan. I wanna try it. Come on, Rachel.” "Ikaw na lang magpasalon. Tapos, text mo ko kapag tapos ka na para samahan na kitang mag mall." Muli, ay nalukot ang mukha niya. “Nakahahanap ka talaga ng paraan para makapag aral do’n sa basketball court no? Tell me, anong mayroon do’n? May crush ka ba sa isa sa mga varsity team?” Agad na nanlaki ang mga mata ko. “No! Wala.” Nanliit ang mga mata niya. “I don't believe you. You can't fool me, Rachel.” “Hindi kita pinaglololoko, Sidney!” She laughed. “Tunog defensive ka! Sige na nga. Aalis na ako.” Nang makaalis si Rachel ay agad na rin akong lumabas ng classroom at nag diretso sa gym. Pero hindi pa man ako nakakapangalahati ay agad na akong napatigil sa paglalakad nang bigla ay may humarang sa daanan ko. I rolled my eyes and heave out a sigh. Bakit nandito na naman siya? E, sa kabila naman ang building ng college pero bakit nandito na naman ulit siya? “Nakita mo ba ang kapatid ko?” Natigilan ako at napamaang sa mukha ng kuya ni Sidney na si Tairon. Nakasiksik sa magkabilang sidepockets ng suot niyang uniform ang dalawang kamay niya habang nakatutok ang paningin sa akin. Napanguso ako. Lagi na lang niyang itinatanong sa akin kung nasaan ang kapatid niya. E, pwede naman niyang itext o hanapin mag isa. Minsan tuloy naiisip kong sinasadya niya ang magtanong sa akin, kasi nagpapapansin siya sa akin. Nagpang-abot ang makakapal niyang kilay. “Hey! I'm asking you.” “Hindi... hindi ko alam.” “Lagi na lang hindi mo alam,” reklamo niya. Napalunok ako. Kung bakit ba kasi ayaw ipaalam ni Sidney sa kuya niya kung nasaan siya. “Hindi ko nga kasi alam. Kapatid mo ‘yon, kaya dapat ikaw ‘yong may alam.” Napatingin ako sa wristwatch ko. Mag a-alas singko na. Siguradong nagsisimula na ang basketball ngayon. “Pinagtataguan niya ba ako?” Pabiro akong suminghap. “Pinagtataguan ka ba niya? Bakit ka naman niya pagtataguan? E, ‘di ba nga magkapatid kayo at nasa iisang bahay lang kayo? Tss.” Hindi siya sumagot. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ay hawakan niya ako sa palapulsuhan ko at walang pasubali niya akong hinila na lang basta. “Come with me. Samahan mo ‘kong hanapin ang kapatid ko.” “What? Wait...” Huminto ako mula sa pagtakbo saka buong pwersa kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Kunot-noo naman niya akong nilingon. “Hindi ako sasama sa ‘yo! At saka nagpa salon si Sidney ro’n sa labasan. Doon mo puntahan ang kapatid mo!” sabi ko sa kanya saka ako nagmamadaling tumakbo palayo sa kanya. “Hey! Rachel!” Narinig ko pang sigaw niya pero hindi na ako huminto at saka nag diretso na sa basketball court. Nagsisimula na nga ang laro nang pumasok ako. Nag diretso ako sa bleachers malayo sa mismong court. At doon sinimulang buklatin ang mga notebook ko. Ilang minuto rin ang akong nagbabasa habang pinapakinggan ang mga yabag ng mga paa nila at ang bawat pagtalon ng bola. Napanguso ako nang makarinig ng biglaang pagsipol mula sa mga players. Nag angat ako ng tingin at nakitang nagkakantiyawan silang lahat dahil may seksing babae na palapit sa isa sa mga teammates nila-kay Diego Guttierez. Umawang ang labi at naningkit ang mga mata ko habang pinapanood sila. Natigil ang laro nila dahil do’n sa babae. Siguradong hindi iyon taga Dewford High kasi iba ang suot niyang uniform na hapit na hapit sa katawan niya. Nakangiti ang babae habang nag aabot ng isang box ng kung ano kay Diego. Nalukot ang mukha ko matapos makita ang pag ngiti ni Diego do'n sa babae. Tinanggap niya ang isang box saka niya ito iniabot sa isa sa mga teammates niya. Nagkausap pa sila sandali ng babaeng ‘yon habang nasa likuran ni Diego ang teammates niya at may kanya-kanyang ngiti sa labing pinapanood lang sila. Hindi rin nagtagal ang usapan nila at agad ring umalis ang babae. Hinatid pa ito ng tingin ni Diego na siyang ikinainis ko. Tss! Sa dami ng babaeng nakita kong bumisita rito at nagpahayag ng damdamin kay Diego ay ito pa lang ang unang pagkakataong nakita kong naging mabait ang pakikitungo ni Diego. Siguradong gusto niya rin ang babaeng ‘yon. Napabuntonghininga ako habang ang paningin ay naroroon pa rin kay Diego. Hindi alam ng kaibigan kong si Sidney na si Diego talaga ang pinupuntahan ko dito. Hindi niya rin alam na crush na crush ko ang binatang iyon. Napalukso ang balikat ko sa gulat nang bigla ay nag angat si Diego ng tingin sa akin. Agad ko tuloy naibalik ang tingin ko sa notebook na hawak ko. “Rachel!” At ayan na nga! Rinig ko na ang mga yabag niyang papalapit sa kinaroroonan ko. Naikuyom ko ang mga kamao saka ko nilakasan ang loob ko na mag angat ng tingin sa kanya. Huminto siya sa harap ko. Ilang segundo akong tinitigan saka siya unti-unting ngumiti. “Matagal ka pa ba sa inaaral mo?” “H-ha?” Natawa siya. Kita ko ang pantay at putingputi niyang mga ngipin. “Ang sabi ko matagal ka pa ba d’yan sa inaaral mo? Magsasara na ang gym. Tapos na kami sa laro namin.” “Tapos na kayo?” Bigla ay gusto kong sapakin ang sarili ko. Ang tanga ng mga sagot ko. Tumango naman si Diego. Naroroon pa rin ang ngiti sa labi niya. “Ah... sige...” Natataranta kong pinag-aayos ang mga notebook at libro ko. At dahil nga natataranta ako’y nagkandahulog-hulog na ‘yong iba. Kaya tinulungan na ako ni Diego na pulutin ang mga ‘yon. “Diego, mauna na kami!” Narinig kong sigaw ng isang ka-team niya. “Ikaw na ang bahalang magsara, ah!” anang isa pa. Nilingon iyon ni Diego at saka siya tumango sa kanila. Napatitig ako sa kanya. Ang bagsak at siguradong malambot niyang buhok ay sumasayaw sa tuwing gumagalaw siya. Ang pawis sa noo niya ay nakakadagdag sa pagiging hot niya. Naglakbay ang paningin ko sa braso niyang puting puti at pawisan. Pakiramdam ko nag s-slow motion ang lahat sa tuwing tinitingnan ko siya. Mula sa kabuuan ng mukha niya hanggang sa mga braso at kamay niya... “Rachel?” Nanlaki ang mga mata ko at agad na nag angat ng tingin sa kanya. Naroroon na ang mapaglarong ngisi sa labi niya habang pinapanood akong pagnasahan ang katawan niya. “Ah...” pilit ang ngiting pinakawalan ko. “Tara?” tanong niya. Napaglapat ko ang labi ko nang tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Dahan-dahan akong naglalakad pasunod sa kanya. Nakatingin lamang ako sa hindi masyadong malapad na likod niya. “Mauna na ako sa ‘yo,” pagpapaalam ko sa kanya nang makalabas kami nang covered court. Nakayuko na akong tumalikod nang pigilan niya ako kaya agad akong lumingon sa kanya. Matamis siyang ngumiti sa akin nang magtama ang aming mga mata. Omg! Kinikilig ako, pero kailangan kong pigilan dahil baka mahalata niyang gusto ko siya. “Hintayin mo na ako, ila-lock ko lang ‘to. Pauwi na rin naman ako, sabay ka na sa akin.” “Uhh...” saad ko, kunwari nag iisip, kahit na ang totoo ay gustong-gusto ko ang suhestiyon niyang iyon. “Sige na, Rachel! Nahihiya ka na naman.” Ngumisi ako sa kanya. Agad naman niyang ginulo ang buhok ko. Habang nakatalikod sa akin si Diego ay nilubos-lubos ko na ang pagkakataon at binusog ko na ang mga mata ko sa kakatitig sa kanya. “Let’s go?” aniya nang matapos sa ginagawa. Tinanguan ko siya saka nagsimula na ring sumabay sa kanyang maglakad palabas ng gate. Sa buong byahe namin pauwi ay halos manakit ang panga ko sa kakapigil ng ngiti ko. Paano ba naman kasi, sobrang lapit namin ni Diego sa isa't-isa. Pareho kaming nasa likuran ng sasakyan nila. “Salamat sa paghatid sa akin, ah?” sabi ko nang makarating na kami sa bahay namin at pareho na kaming nakababa. “Lagi naman kitang hinahatid, Rachel. Nakasanayan ko na rin naman.” Ngumiti ako. Ginulo niya ang buhok ko. “Pasok ka na.” Tumango ako at nagsimula nang maglakad papasok ng gate. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakapasok ay lumingon pa akong muli sa kan’ya at kinawayan siya. “Ingat ka pauwi,” sabi ko. Nakangiti naman siyang tumango. “I’ll text you when I get home.” Napangiti ako at agad nang tumakbo papasok sa loob ng bahay. Deadbatt ang cellphone ko at kailangan ko ‘yong i-charge para kapag nag text si Diego ay makakapag reply agad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD