CHAPTER 11

2468 Words
THIRD PERSON POV Pumasok sa loob ng malawak na kusina ng Familia Guerrero si Elizabeth nang makitang naroon ang isa sa kanyang mga hipag na si Mildred. Tumutulong ito sa resident chef ng pamilya sa pagluluto ng mga pagkain para sa tanghalian. Elizabeth: Hi, Mildred. Nagulat pa si Mildred nang batiin ito ni Elizabeth dahil simula nang tumira ito sa mansyon ng pamilya Guerrero ay wala itong naaalalang kinausap ito ni Elizabeth, ang isa sa mga kapatid ng asawa nitong si Arthur. Nginitian ni Mildred si Elizabeth na kanina pang nakangiti rito. Mildred: Magandang araw, Elizabeth. Marahang tumawa si Elizabeth nang makitang hindi makatingin ng diretso sa kanya ang hipag na si Mildred at nagpatuloy sa pagtulong sa kanilang resident chef. Elizabeth: Pwede mo akong tingnan, Mildred. Hindi ako nangangain ng tao. Nakaramdam naman ng guilt si Mildred dahil sa totoo lang ay iniiwasan nito ang mapagsolo sila ng hipag na si Elizabeth dahil sa mga nangyari noon ilang taon na ang nakalipas. Nilapitan ni Elizabeth ang resident chef at inutusang lumabas muna sandali ng kusina. Kinabahan si Mildred nang silang dalawa na lamang ni Elizabeth ang naiwan sa loob ng kusina lalo na nang humarap dito si Elizabeth at tinitigan ito ng matiim. Nagbuntung-hininga muna si Elizabeth bago nagsalita. Elizabeth: I guess this is the right time to say sorry for all the bad things that I had said to you in the past, Mildred. Tiningnang mabuti ni Mildred ang mukha ni Elizabeth at nakita nito sa mga mata ng hipag ang pagnanais na makahingi ng kapatawaran sa mga nasabing masasamang bagay kay Mildred noon. Gamit ang kanang kamay ay inabot ni Elizabeth ang kaliwang kamay ni Mildred at ikinulong iyon sa kanyang dalawang palad. Elizabeth: I really am sorry, Mildred. Marami akong nasabing hindi maganda tungkol sa 'yo noon at labis ko iyong pinagsisihan sa mga lumipas na taon. Binitiwan ni Elizabeth ang kaliwang kamay ni Mildred. Elizabeth: Hindi rin ako naging mabuting kapatid kay Kuya Arthur dahil mas ginusto ko pang umalis siya rati kaysa pigilan ko. Nakita ni Mildred ang pagtingala ni Elizabeth sa kisame ng kusina para pigilan ang pagtulo ng mga luha sa kanyang magkabilang pisngi. Elizabeth: Siguro kung sinubukan kong pigilan si Kuya Arthur na umalis ng mansyon ay baka hindi siya nawalay sa aming piling nang ganoong katagal na panahon. Nakita ni Mildred na pumikit-pikit si Elizabeth para pigilan ang nalalapit na pagtulo ng kanyang mga luha. Ngumiti si Mildred kay Elizabeth. Smile of assurance. Mildred: Huwag kang mag-alala, Elizabeth. Wala ng balak pa si Arthur na lisaning muli ang mansyon. Tingin ko ay na-miss ng sobra ng aking asawa kayong pamilya niya kaya alam kong babawiin niya ang mga taong hindi niya kayo nakasama. Tumigil sandali sa pagsasalita si Mildred at nagbuntung-hininga. Nginitian ni Mildred si Elizabeth bago muling nagsalita. Mildred: Matagal ko nang kinalimutan ang mga nangyari noon, Elizabeth. Kasabay ng paglimot ay ang pagpapatawad sa aking puso. Naging masaya ang pagsasama namin ni Arthur sa mga nakalipas na taon. Walang dahilan para alalahanin pa ang nakaraan. Inabot ni Elizabeth ang box ng tissue paper na nasa ibabaw ng kitchen island at dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang mukha. Elizabeth: Glad to hear that. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Elizabeth. Elizabeth: So balak ba ni Kuya Arthur ang bumalik din sa kompanya? Nananantiyang tiningnan ni Elizabeth si Mildred. Alam na ni Elizabeth ang sagot sa kanyang katanungan dahil narinig niya mula mismo sa bibig ng kanyang Kuya Arthur ang sagot doon nang minsang nakinig siya sa usapan nito at ng kanilang amang si Sebastian sa loob ng home library. Nakangiting umiling si Mildred. Mildred: Ang balak namin ni Arthur ay magtayo ng small business sa bayan mula sa ipon naming dalawa. Ang alam ko ay hindi na gustong makialam ni Arthur sa kompanya ng inyong pamilya. Nagbunyi ang kalooban ni Elizabeth nang marinig ang sinabi ni Mildred. Kinumpirma lamang ng hipag ni Elizabeth ang sinabi ng kanyang Kuya Arthur kaya naman ang ibig sabihin ay ang kapatid na si Theo na lamang ang kanyang poproblemahin. Gusto ni Elizabeth na makuha ang posisyong pinanghahawakan ng kanyang kapatid na si Theo sa kompanya ng kanilang pamilya kaya naman nagsisimula na siyang kuhain ang loob ng bawat miyembro ng pamilya kahit ang ibig sabihin niyon ay makikipagplastikan siya sa mga ito. Katulad na lamang ng ginagawa ni Elizabeth ngayon. Kinukuha niya ang loob ni Mildred kahit hindi niya gusto ang hipag dahil na-realize niyang makatutulong ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa pamilya kung gusto niyang siya ang mamahala sa company. Tumango si Elizabeth sa harapan ni Mildred at ngumiti. Elizabeth: Maraming salamat sa kapatawaran, Mildred. Ngumiting pabalik si Mildred kay Elizabeth. Elizabeth: O siya. Hindi na kita aabalahin. Pababalikin ko na rin dito sa loob ng kusina si Chef Dylan. Pinanood ni Mildred ang paglabas ni Elizabeth ng kusina at pagkatapos ay muling ibinalik ang atensyon sa pagluluto habang tumatakbo sa isipan nito ang napakaraming bagay. ---------- Nakatanaw sa labas ng malaking bintana ng kanyang home library si Sebastian at muling inalala ang nangyari kahapon. May taong nakahuli kay Sebastian na nakikipaghalikan sa isang babae at ang babaeng iyon ay hindi lamang basta isang babae kundi malaki ang naging parte ng babaeng iyon sa buhay ni Sebastian. Alam ni Sebastian na kapag nalaman ng kanyang buong pamilya kung sino ang babaeng kanyang kahalikan kahapon ay paniguradong magugulo ang buong angkan at hindi hahayaan ni Sebastian na mangyari iyon. Hindi niya hahayaang muling masira ang kanyang pamilya lalo na ngayong nagbalik na sa mansyon ng Familia Guerrero ang anak niyang si Arthur. Kaya naman kailangang makausap ni Sebastian ang taong nakasaksi ng kanyang pakikipaghalikan sa isang babae kahapon. ---------- Nakangiti si Amethyst sa kanyang reflection sa salamin matapos maisuot ng ina nitong si Helena ang gold necklace na may pendant na puso sa leeg ng dalaga. Helena: You look lovely, anak. Bagay na bagay sa 'yo. Umikot si Amethyst para harapin ang ina at yakapin ng mahigpit. Amethyst: Thank you so much, Mom. This is so beautiful. Muling humarap si Amethyst sa salamin para tingnan ang kwintas sa leeg nito. Amethyst: Why did you buy an early birthday gift for me, Mom? Nakita ni Amethyst sa salamin na biglang nawala ang ngiti sa mga labi ni Helena ngunit maya-maya ay ngumiti rin na hindi naman umabot sa mga mata ng ina nito. Helena: That's not a gift, anak. That's a reminder of how much I love you, Amethyst. Mahal na mahal kita. K-kami ng Daddy mo. Hindi sigurado si Amethyst pero parang nakikita nito ang pangingilid ng luha sa mga mata ng ina. Amethyst: At masaya rin po ako na kayo ang naging parents ko, Mom. Kayo ni Dad. Lagi niyo pong iniintindi ang tantrums ko and you've always been very supportive of me. Kahit ano pa ang gawin ko. Muling humarap si Amethyst kay Helena at niyakap ng mahigpit ang ina. Amethyst: I love you, Mom. Humalik si Amethyst sa kanang pisngi ng ina nito. Narinig ni Amethyst ang marahang pagsinghot ni Helena. Helena: Amethyst, anak, kahit anong mangyari, always remember that Mommy loves you so much. Okay? Mas humigpit ang pagkakayakap ni Helena kay Amethyst at pagkatapos ang ilang segundo ay bumitiw mula sa pagkakayakap sa kanyang anak at ikinulong ang mukha ni Amethyst sa kanyang dalawang palad. Helena: Ang napakaganda kong anak. Kumunot ang noo ni Amethyst nang makitang may tumulong luha sa kanang pisngi ng ina na agad din namang pinunasan ni Helena. Amethyst: Why are you tearing up, Mom? Ngumiti si Helena kay Amethyst at umiling. Helena: Huwag mong intindihin si Mommy, anak. Masaya lang ako for having a daughter like you. Kahit anong sabihin nila sa 'yo, always remember that Mommy is here for you to lean on. Hindi alam ni Amethyst pero parang nakararamdam ito ng lungkot habang nagsasalita ang ina. Helena: Always remember what I've always been telling you. That I am your pillar of strength, anak. Iwanan ka man ng buong mundo, pero mananatili ako sa tabi mo. Gustong matuwa ni Amethyst sa mga naririnig nito mula sa ina pero parang iba ang ipinahihiwatig ng mga mata ng ina. Helena: I love you so much, Amethyst. ---------- Hindi makapaniwala si Louise nang makita ang mga bagong gulong ng kanyang kotse sa loob ng malawak ng garahe ng pamilya Guerrero. Naluluhang tiningnan ni Louise ang kanyang Tito Ryan. Louise: Tito Ryan, thank you. Hindi napigilan ni Louise ang sariling yakapin si Ryan. Si Ryan ay nabigla sa ginawang pagyakap ni Louise dito ngunit sa huli ay gumanti rin ng yakap sa babae. Ryan: You're welcome, Louise. Mahina lamang na ibinulong iyon ni Ryan sa kaliwang tainga ni Louise. Maya-maya ay naghiwalay din ang mga katawan nina Louise at Ryan at sabay pa silang luminga-linga sa paligid para silipin kung may ibang tao sa loob ng garahe. Nagkatinginan sina Louise at Ryan at ngumiti sa isa't isa. ---------- Ngumisi si Anastasia kay Charlotte nang magkasalubong sila sa paanan ng grand staircase ng pamilya Guerrero. Anastasia: O, bunso kong kapatid. Nasaan ang gwapo mong asawa? Tulog na ba? Tumaas ang isang kilay ni Charlotte dahil sa sinabing iyon ni Anastasia. Charlotte: Mahinahon akong tao, Anastasia. Ngunit kung ipagpapatuloy mo itong pang-iinis sa akin gamit ang aking asawa ay baka hindi ko mapigilan ang aking sarili. Mapang-asar na tumawa si Anastasia kay Charlotte. Anastasia: Sa tingin mo ay uurungan kita? Humalukipkip si Charlotte sa harapan ni Anastasia. Charlotte: You don't know what I'm capable of, Anastasia. Kaya mag-iingat ka. Huwag ang asawa ko. Iyon lamang at nilagpasan na ni Charlotte si Anastasia at umakyat patungo sa ikalawang palapag ng bahay. ---------- Mabilis na iniwas ni Stephanie ang mga mata nito mula sa amang si Arthur. Hindi nito kayang salubungin ang titig ng ama. Arthur: I'm asking you, Stephanie. Are you dating someone now? Nanatiling tikom ang bibig ni Stephanie. Arthur: Anak, wala pang isang buwan mula nang dumating tayo rito kaya imposibleng may nobyo ka na agad. Isa pa ay palagi mong kasama ang pinsan mong si Jomari kaya sigurado akong walang nakalulusot na ibang lalaki. Yumuko si Stephanie nang marinig ang pangalan ni Jomari. Arthur: Kung hindi ka magsasalita, anak, ay bukas na bukas din ay kakausapin ko si Jomari. He should know kung may nanliligaw na sa 'yo o wala. Biglang umangat ang ulo ni Stephanie para titigan si Arthur. Stephanie: D-Dad, I'm sorry. About the kiss I told you last time, w-wala lang po 'yon. Sa sinabing iyon ni Stephanie ay nagdilim ang paningin ni Arthur at nagmamadaling lumabas ng kwarto ng kanyang anak. Biglang kinabahan si Stephanie. ---------- Padabog na inilapag ni Theo sa ibabaw ng kanyang office table ang sobreng naglalaman ng tseke na may nakasulat na malaking halaga. Ngumisi ng nakakaloko si Edward nang abutin ang sobreng iyon. Edward: Ang bilis mo naman palang kausap, Tito Theo. Or should I say Theo baby? Ikinuyom ni Theo ang kanyang kanang palad dahil sa nahihimigan niyang pang-uuyam sa tinig ng boses ni Edward. Theo: Hayop ka, Edward. Sisiguraduhin kong hindi kayo magiging masaya ni Helena kung saang lupalop man kayo ng daigdig pumunta. Malakas na humalakhak si Edward. Edward: Ang bitter mo naman, Theo baby. Nagseselos ka ba rahil misis mo ang pinili ko? Nakakalokong umiling si Edward habang nakangisi kay Theo. Edward: Hindi naman kita mahal, so bakit kita pipiliin, 'di ba? Kay Helena ko natagpuan ang pagmamahal na hinahanap ko. Malas mo nga lang dahil kailangan mong masaktan sa prosesong ito. Halos madurog ang mga ngipin ni Theo rahil sa matinding gigil na kanyang nararamdaman para kina Edward at Helena nang mga sandaling iyon. Edward: Alam kong mami-miss mo ang alaga ko kaya padadalhan na lang kita ng mga larawan. Hindi naman ako ganoon kasama. Kumindat pa si Edward kay Theo bago nagpaalam na aalis na rahil mag-aayos pa ito ng gamit para sa gagawin nilang pagtatanan ng asawa ni Theo na si Helena. ---------- Halos malaglag ang panga ni Oscar nang sa kanyang harapan ay biglang inilaglag ni Eugenie ang kaninang suot nitong silk bathrobe. Kitang-kita ni Oscar ngayon ang maputi at makinis na likod ni Eugenie. Tanging jockstrap lamang ang suot ni Eugenie kaya naman hindi nakaligtas sa paningin ni Oscar ang maumbok at malamang pang-upo ni Eugenie. Titig na titig si Oscar sa magandang hubog ng katawan ni Eugenie at nagulat na lamang siya nang biglang gumiling si Eugenie sa kanyang harapan na naging sanhi para mag-alugan ang dalawang pisngi ng pang-upo nito. Parang nahihipnotismo si Oscar habang sinusundan ang pagtalbog ng dalawang mabilog na pisngi ng pang-upo ni Eugenie. Biglang napatingin si Oscar sa pagitan ng kanyang mga hita nang maramdamang pumitik ang kanyang alaga sa loob ng kanyang suot na maikling gym shorts. Muling bumalik kay Eugenie ang atensyon ni Oscar nang magsalita ito. Eugenie: Is it hard, Tito Oscar? ---------- Madilim na ang buong kabahayan nang dumating si Jomari sa mansyon ng Familia Guerrero. Galing si Jomari sa bahay ng kanyang girlfriend na si Pamela at naging matagal ang kanilang pagtatalo rahil galit pa rin ito sa kanya rahil sa alam nitong pakikipaghalikan niya sa best friend nitong si Hope na isa lamang kasinungalingan para hindi madamay ang pinsang si Stephanie sa galit ng kanyang girlfriend. Hindi na nag-abala pa si Jomari na buksan ang mga ilaw habang nilalakad ang daan patungong grand staircase ng mansyon. Paakyat na si Jomari sa grand staircase nang maramdaman niyang para siyang may natapakan na kung ano sa paanan ng hagdan. Biglang kinabahan si Jomari rahil may ideya na siya kung ano ang kanyang natapakan ngunit umaasa siyang mali ang kanyang hinala. Agad na ini-on ni Jomari ang switch para sa ilaw malapit sa grand staircase at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Jomari nang makita ang taong nakahandusay sa paanan ng grand staircase. Pakiramdam ni Jomari ay parang unti-unti siyang nauubusan ng dugo habang pinagmamasdan ang pagkalat ng dugo sa ilalim ng katawang nakahandusay sa sahig. Parang pinangangapusan ng hangin sa katawan si Jomari habang inililibot ang kanyang paningin sa buong kabahayan ngunit walang ibang tao maliban sa kanya at sa taong nakahandusay sa sahig. Hindi alam ni Jomari ang kanyang mararamdaman nang mga sandaling iyon. Gulung-gulo siya sa nangyayari. Hindi alam ni Jomari kung buhay pa ang taong nakahandusay sa sahig at hindi niya alam kung tama bang galawin ito. Kinapa ni Jomari ang kanyang cellphone sa loob ng suot na pantalon at tumawag sa pinakamalapit na hospital sa bayang iyon. Nang matapos ang tawag ay agad na umakyat si Jomari sa ikalawang palapag ng bahay at isa-isang kinatok ang pintuan ng bawat kwarto para ibalita sa ibang miyembro ng pamilya ang nangyari. ---------- Kinabukasan ay kumalat sa bayang iyon ang balitang pumanaw na ang isang miyembro ng Familia Guerrero. Wala na si Helena Guerrero. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD