CHAPTER 12

2317 Words
THIRD PERSON POV Mula nang kumalat sa buong bayan na iyon ang balitang pumanaw na si Helena Guerrero ay hindi na naubos ang iba't ibang haka-haka ng mga taong nakatira sa bayang iyon tungkol sa kung bakit nawala na ang isa sa mga miyembro ng Familia Guerrero. Marami ang nagsasabing matagal nang may nakamamatay na sakit si Helena na itinago lamang ng buong pamilya Guerrero para hindi masira ang pangalang iniingatan ng mga ito. Hindi raw nagamot ng maayos si Helena na naging resulta ng pagkawala nito. Hindi rin nawala ang usap-usapang pinasok ng masasamang-loob ang mansyon ng pamilya Guerrero at dahil nanlaban daw ang ilan sa mga miyembro ng pamilya kaya hindi naiwasang manakit ng mga masasamang-loob at si Helena Guerrero raw ang napuruhan ng mga ito. Sinasabi pa ng ibang tao na kaya wala raw nahuling mga magnanakaw ay dahil gumanti raw ang pamilya Guerrero sa ginawa ng mga masasamang-loob at tinapos din ang buhay ng mga ito. Isa pa sa mga tsismis na umabot sa pamilya Guerrero ay ang pagkakatuklas daw ni Theo Guerrero tungkol sa pagkakaroon ng ibang lalaki ni Helena Guerrero na naging dahilan para magdilim ang paningin ng lalaki at tapusin ang buhay ng sariling asawa. Sobrang nakaapekto ang gawa-gawang kwentong ito kay Theo na nakadagdag sa bigat ng nararamdaman nito rahil sa pagkawala ng asawa. Ngunit ang pinakahindi matatanggap na gawa-gawang balita ng pamilya Guerrero ay isa raw sa miyembro ng pamilya ang inilagay sa mga kamay nito ang buhay ni Helena. Nang marinig ni Sebastian ang walang basehang balitang iyon ay biglang nanikip ang dibdib nito na naging dahilan para isugod ito sa hospital nang wala sa oras. Kasabay ng pag-aayos para sa burol ni Helena ay naka-confine din sa hospital si Sebastian Guerrero. Ang mag-amang Theo at Amethyst, katulong sina Charlotte at Mildred, ang nag-asikaso ng lahat ng kakailanganin sa private funeral service para sa namayapang si Helena. Mabuti na lamang ay naroon sina Charlotte at Mildred para maging kaagapay ni Theo sa pag-aasikaso ng mga kailangan para sa private funeral dahil halos walang naitutulong si Amethyst sa ama nito. Oras-oras ay lumuluha si Amethyst at ipinagluluksa nito ang pagkawala ng inang si Helena. Sa tuwing lumuluha si Amethyst ay hinahawak-hawakan nito sa kamay nito ang gold necklace na iniregalo ni Helena rito. Iyon na pala ang huling regalong matatanggap ni Amethyst mula sa ina nito. Hinding-hindi malilimutan ni Amethyst ang mga sinabi ng inang si Helena nang araw na ibigay nito ang gold necklace sa anak. Helena: That's not a gift, anak. That's a reminder of how much I love you, Amethyst. Mahal na mahal kita. Dahil sa sinabing iyon ni Helena kaya alam ni Amethyst na rapat nitong alagaan ang gold necklace na isang palatandaan kung gaano kamahal si Amethyst ng ina nito. Helena: Amethyst, anak, kahit anong mangyari, always remember that Mommy loves you so much. Okay? Sa naalalang sinabing iyon ni Helena ay napaisip si Amethyst kung paraan ba iyon ng ina nito para ipahiwatig na mawawala ito ilang oras matapos ang naging pag-uusap nilang iyon. Napatanong pa sa isipan nito si Amethyst kung noong araw ba na iyon ay may dinaramdam na ang ina nito o kung may iniinda itong sakit. Walang ibang naiisip na dahilan si Amethyst kung bakit gagawin ng ina nito ang ginawa nito sa sarili. Ngunit naalala rin ni Amethyst ang nakita nitong tumulong luha sa pisngi ng ina habang sila ay nag-uusap. Amethyst: Why are you tearing up, Mom? Ngumiti si Helena kay Amethyst at umiling. Helena: Huwag mong intindihin si Mommy, anak. Masaya lang ako for having a daughter like you. Kahit anong sabihin nila sa 'yo, always remember that Mommy is here for you to lean on. Muli ring naalala ni Amethyst ang naramdaman nitong lungkot habang nagsasalita ang ina. Naisip ni Amethyst na rapat ay hindi nito ipinagsawalang-bahala ang naramdamang lungkot habang kasama ang ina. Napaisip pa si Amethyst na kung marahil pinilit nitong tanungin ang ina kung bakit ito lumuluha ay baka may nagawa pa si Amethyst para hindi humantong sa ganoong desisyon ang ina nito. Helena: Always remember what I've always been telling you. That I am your pillar of strength, anak. Iwanan ka man ng buong mundo, pero mananatili ako sa tabi mo. Sa tuwing naiisip ni Amethyst ang sinabing iyon ng ina ay hindi nito napipigilan ang sariling mapahagulgol. Ngayong wala na ang ina ni Amethyst ay nasisiguro nitong babantayan ito ng inang si Helena mula sa langit. Sana lang talaga ay mahanap ni Amethyst ang lakas na kailangan nito ngayon para magpatuloy pa sa buhay. Helena: I love you so much, Amethyst. Iyon ang huling linya na sinabi ni Helena kay Amethyst bago ito nawala. I love you too, Mom. I love you so much. Nitong mga huling araw ay iyon ang madalas na ibinubulong ni Amethyst sa hangin. Mahal na mahal ni Amethyst ang ina nitong si Helena kahit pa sabihing hindi ito naging mabuting asawa sa mister nitong si Theo. Oo, alam ni Amethyst ang tungkol sa pagkakaroon ng ibang lalaki ng ina nito at sa tuwing naiisip ni Amethyst ang eksenang natagpuan nito noon ay sumasama ang loob nito. Matagal nang gustong komprontahin ni Amethyst ang inang si Helena tungkol sa natuklasan nitong kataksilan ng ina ngunit palaging nauunahan ng takot si Amethyst. Naisip ni Amethyst na kung ipaaalam nito sa ina ang nalamang sikreto nito ay baka piliin ng ina nito ang lalaki nito at hiwalayan ni Helena ang ama ni Amethyst na si Theo. At iyon ang hindi gustong mangyari ni Amethyst. Ang masira ang kanilang pamilya rahil lamang sa isang lalaki. Ang lalaking iyon na patuloy na pinakikisamahan ni Amethyst kahit sukdulan hanggang langit ang galit nito sa lalaking iyon. Alam ni Amethyst na kung magpapakita ito ng kagaspangan ng ugali sa lalaki ay siguradong makatatawag iyon ng pansin ng ibang miyembro ng pamilya at walang dudang magtatanong ang mga ito kung ano ang dahilan kung bakit pinapakitaan nito ng hindi magandang pag-uugali ang lalaki. Walang plano si Amethyst na ibulgar ang kasalanan ng ina nito sa buong pamilya rahil paniguradong mapapahiya ang ama nitong si Theo at lalong magkakagulo ang dati na nilang magulong pamilya. Kaya naman habang hindi pa natatapos ni Amethyst ang mga plano nito ay magpapanggap muna itong walang alam tungkol sa ginawang pagtataksil ng ina nito. Naisip din ni Amethyst na marahil isa rin sa mga dahilan kung bakit sinaktan ng ina nito ang sarili ay dahil sa bawal nitong relasyon sa kalaguyo nito. Pumasok sa isipan ni Amethyst na marahil ay hindi na kinaya ng ina nito ang guilt na nararamdaman dahil sa panloloko sa asawa nito kaya naman winakasan na nito ang sariling buhay. Sa ideyang iyon na pumasok sa isipan ni Amethyst ay lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman nito para sa lalaking kalaguyo ng ina. Ipinapangako ni Amethyst sa sarili nito na hindi ito titigil hanggang hindi ito nakagaganti sa kalaguyo ng ina nito rahil sa ginawa nitong pakikipagrelasyon sa isang babaeng may asawa. Dahil sa maraming bagay na pumapasok sa isipan ni Amethyst at dahil sa pagluluksa sa pagkawala ng ina ay hindi na ito pinilit pa ng amang si Theo na tumulong sa pag-aasikaso ng mga taong nakikiramay sa private funeral na iyon para kay Helena. Si Charlotte ang nag-finalize ng listahan ng mga taong pinadalhan ng imbitasyon para sa private funeral na iyon. Tanging mga malalapit na kaibigan lamang ng pamilya Guerrero ang mga imbitado para makipagluksa sa pagkawala ni Helena. Kapansin-pansin na ilang gabi nang hindi man lamang lumalapit si Amethyst sa kinahihigaan ng namayapa nitong ina. Nang mapagod ang mga tita at tito nito sa panghihimok dito na silipin man lamang ang ina ay sumunod naman ang mga pinsan nito. Kahit ang hindi nito ka-close na si Eugenie ay kinausap si Amethyst para silipin ang ina nito sa ilalim ng salaming tumatakip sa katawan ng ina nito. Ngunit walang nakapilit kay Amethyst hanggang ang pinsan nitong si Jomari ang kumausap dito. Jomari: Talaga bang hindi mo gustong makita si Tita Helena sa huling pagkakataon, Amethyst? Sige ka. Magtatampo si Tita sa itaas. Ilang araw nang umiiyak si Amethyst kaya halos wala nang tumutulong luha sa mukha nito nang humarap kay Jomari. Tumitig si Amethyst sa mga mata ni Jomari at nakita nito ang pakikiramay sa mga mata ng lalaki. Parang gusto na namang tumulo ng mga luha ni Amethyst ngunit siguro ay pagod na ang mga mata ng dalaga sa kaiiyak ng ilang araw kaya hindi na lumalabas ang mga luha nito sa mga oras na iyon. Inakbayan ni Jomari si Amethyst at pinisil ang kaliwang balikat ng babae. Jomari: Alam kong malungkot, Amethyst. Alam kong wala kami sa posisyon para pilitin kang gawin ang isang bagay na ayaw mong gawin. Sandaling tumitig si Jomari kay Amethyst bago niya muling ibinalik ang paningin sa puting mahabang kahon na nasa harap ng kwartong iyon. Jomari: Kaya naman hindi kita pipilitin. Pero kung may gusto ka pang sabihin kay Tita Helena na hindi mo nasabi sa kanya noong nabubuhay pa siya, sana ay masabi mo 'yon sa kanya habang maaari mo pa siyang makita. Baka sakali lang naman na ikagaan iyon ng loob mo? Nakatingin si Amethyst sa mukha ni Jomari habang nagsasalita ang lalaki. Totoo namang marami pang gustong sabihin si Amethyst sa ina nito at lahat ng iyon ay may kinalaman sa ginawang panloloko ni Helena sa ama ni Amethyst. Kung magpapakatotoo lamang si Amethyst ay gusto nitong magalit sa ina ngunit wala na rin namang saysay gawin iyon ngayon maliban pa sa hindi naman matitiis ni Amethyst ang ina nito rahil kahit anupaman ang ginawa nitong kasalanan ay hindi niyon mabubura ang katotohanang naging mabuting ina si Helena kay Amethyst. Hindi alam ni Amethyst pero nakita na lamang nito ang sariling naglalakad palapit sa puting mahabang kahon na iyon na kinahihigaan ng ina nito. Naramdaman ni Amethyst na nanlalambot ang mga tuhod nito habang nilalakad ang direksyon patungo sa kinahihigaan ng ina nito. Nang araw ding iyon ay naroon sa loob ng kwartong iyon ng funeral home ang ilan pang miyembro ng pamilya Guerrero. Kumpleto ang buong pamilya sa gabing iyon ng pagluluksa rahil kinabukasan ay ang interment para kay Helena Guerrero. Si Elizabeth na hindi naging maganda ang relasyon sa hipag nitong si Helena noong nabubuhay pa ito ay kataka-takang kanina pang lumuluha at nakasandal sa malapad na dibdib ng asawang si Ryan. Gaya ng dati ay tahimik lamang na nakamasid sa mga nangyayari sa isang tabi si Louise at inoobserbahan ang mga kilos at galaw ng bawat miyembro ng pamilya. Paminsan-minsan ay kinukumusta si Louise ng amang si Oscar na kapansin-pansin ding nawawala ng matagal ang presensya nito sa funeral home na iyon katulad ng matagal na pagkawala ng presensya ni Anastasia na hipag ni Oscar. Si Edward ay ilang gabi nang tahimik dahil sa nangyaring pagkawala ng babaeng minamahal. Walang ibang kinakausap si Edward maliban sa kapatid na si Jomari mula nang makumpirmang wala ng buhay si Helena. Malakas ang kutob ni Edward na hindi tinapos ni Helena ang sariling buhay nito at naniniwala si Edward na isa sa mga kasama nito sa mansyon ang walang-awang winakasan ang buhay ng babaeng matagal na nitong iniibig. Tanging si Jomari lamang ang miyembro ng pamilya Guerrero na wala sa mansyon nang mangyari ang sinasabing pagpapatiwakal ni Helena kaya naman hindi kasama si Jomari sa mga pinaghihinalaan ni Edward. Galit na galit ngayon si Edward at gagawin nito ang lahat ng paraan para malaman kung ano ang totoong nangyari kay Helena at kapag napatunayan ni Edward na hindi si Helena ang tumapos sa sariling buhay nito ay makikita ng mga tao sa mansyon ang totoong ugali ng isang Edward Guerrero Almazan. Si Mildred na abala sa pag-aasikaso ng mga taong nakikiramay ay tinutulungan ng asawa nitong si Arthur sa pag-iistima sa mga ito. Si Charlotte ay abala rin sa pakikipag-usap sa press para hindi na lumala pa ang mga walang katotohanang kwentong kumakalat sa likod ng pagkawala ni Helena Guerrero. Nangako si Charlotte sa press na oras na matapos ang private interment para sa hipag nitong si Helena Guerrero ay magre-release ng official statement ang kanilang pamilya tungkol sa totoong nangyari sa asawa ng kuya nitong si Theo. Si Sebastian na kalalabas lamang ng hospital dahil hindi pumayag ang doktor nitong si Philbert Rosentos na lumabas agad ito ng hospital matapos manikip ang dibdib ay naroon din sa funeral home ngayon para magluksa. Katabi ni Sebastian Guerrero ang mga apo nitong sina Eugenie at Stephanie. Ang dalawa ring ito kasama si Jomari ang salit-salitang nagbantay kay Sebastian nang manatili ito nang ilang araw sa loob ng hospital. Nasa harap na ng casket ni Helena Guerrero ang anak nitong si Amethyst at ilang sandali pa ay humahagulgol na si Amethyst sa harap ng puting casket. Hindi pa rin matanggap ni Amethyst na wala na ang ina nito. Wala na ang babaeng palaging nagpapalakas ng loob ni Amethyst. Hindi namamalayan ni Amethyst ngunit unti-unti na itong napapaluhod sa tabi ng mahabang kahong kinahihigaan ng ina nito habang umiiyak. Agad na lumapit si Theo sa anak nito para alalayan itong tumayo at paupuin sa pinakamalapit na upuan sa tabi ng casket. Katulad ni Amethyst ay nagdadalamhati rin si Theo ngunit kailangan nitong manatiling malakas para may masandalan ang anak nitong labis na naghihinagpis. Tiningnan ni Theo ang mahabang casket na nasa harap ng malawak na kwartong iyon at pagkatapos ay tiningnan si Edward na nakatayo sa isang tabi at nakakuyom ang kanang palad. Tumalim ang mga mata ni Theo nang tingnan ang pamangkin nitong si Edward. Huwag ko lang malalamang ikaw ang may gawa nito sa aking asawa para masolo mo ang perang ibinigay ko sa 'yo kundi ay sisiguraduhin kong may kalalagyan ka. Iyon ang tumatakbo sa isipan ni Theo habang masama ang tinging ipinupukol nito kay Edward. Ano nga kaya ang totoong nangyari kay Helena Guerrero? ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD