THIRD PERSON POV
Nakahalukipkip si Elizabeth habang nakasilip sa labas ng bintana ng kanilang kwartong mag-asawa at pinapanood ang ginagawang pakikipag-usap ni Charlotte sa press. Naroon na naman sa kanilang bakuran ang makukulit na press na binubuo ng journalists at reporters ng iba't ibang local TV and radio stations.
Kung tutuusin ay maaari namang hindi na ilabas sa media ang tungkol sa pagpanaw ng hipag ni Elizabeth na si Helena Guerrero ngunit dahil sa manugang ito ng isang sikat na business tycoon sa bansa kaya naman ginagamit iyon ng press para makapag-produce ng balitang kakagatin ng masa.
May choice naman ang Familia Guerrero na huwag nang pagbigyan ang press ngunit ang bunsong kapatid ni Elizabeth na si Charlotte ay naisip na isang magandang paraan ang paglalabas ng official statement mula sa kanilang panig tungkol sa totoong sanhi ng pagkawala ni Helena para matigil na ang mga haka-haka o pekeng balitang kumakalat hindi lamang sa kanilang lugar kundi maging sa social media na maaaring makaapekto sa kanilang kompanya.
Kaya naman naroon ngayon si Charlotte sa kanilang malawak na hardin at kinakausap ang press. Malakas ang pakiramdam ni Elizabeth na mag-aabot na naman ng malaking halaga ng pera ang kanyang kapatid sa mga ito.
Nilingon ni Elizabeth ang asawang si Ryan na nakaayos na para sa pagpasok nito sa trabaho. Kahit may mga bagay na ginagawa ang mister na hindi kaaya-aya sa mga mata ni Elizabeth ay hindi niya maikakailang attracted pa rin siya sa kanyang asawa after all these years.
Gwapo at matipuno si Ryan at para kay Elizabeth ay papasa ito bilang isang TV personality o isang modelo. At habang mas nagkakaedad ito ay lalo pa itong nagiging attractive sa paningin ni Elizabeth.
Elizabeth is still attracted to Ryan and that's it. You see, she's not in love with her husband anymore at alam ni Elizabeth kung kailan nawala ang pagmamahal na iyon para sa kanyang asawa.
Elizabeth: Now that Helena is out of our lives, I guess this is a good opportunity para magpa-impress ka kay Papa.
Kumunot ang noo ni Ryan dahil sa sinabing iyon ni Elizabeth at tinitigan ang magandang mukha ng asawa.
Elizabeth: Look at me, I'm starting to treat everyone in this family fairly except, of course, Anastasia. That woman who was born out of wedlock doesn't deserve any of my precious attention.
Tumango-tango si Ryan bago nagsalita.
Ryan: Oh, I see. That's why you're talking to Mildred a lot recently. How convenient.
Isang sarkastikong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Ryan para sa misis nito na naging dahilan para maningkit ang mga mata ni Elizabeth.
Elizabeth: And what is it to you? Huh, Ryan? I'm doing all of those petty things for the both of us. Now that Theo is grieving over the loss of his wife, there's a tendency na hindi siya makapag-focus sa responsibility niya sa company.
Lumapit si Elizabeth kay Ryan at inayos ang collar ng suot nitong asul na long-sleeved polo.
Elizabeth: And that's where my handsome husband enters the picture. Ipakita mo kay Papa that he can depend on you pagdating sa pamamalakad ng kompanya.
Umatras si Ryan palayo kay Elizabeth at inabot ang leather briefcase nitong nasa ibabaw ng kama nilang mag-asawa.
Ryan: I'll think about it. Bye, hon.
Mabilis na humalik sa kanang pisngi ni Elizabeth si Ryan at naglakad na patungo sa pintuan ng kanilang kwarto.
Nanlaki ang mga mata ni Elizabeth nang makitang naroon sa labas ng kanilang kwarto ang kanyang pamangking si Louise.
Elizabeth: Louise?
Napakunot ang noo ni Elizabeth nang makitang parang nataranta si Louise.
Elizabeth: Were you eavesdropping on us? You know na soundproof ang lahat ng kwarto rito sa mansyon.
Nautal pa si Louise nang sagutin ang tanong ng Tita Elizabeth nito.
Louise: Uh, n-no, Tita Elizabeth. N-naglalakad po ako papunta ng kwarto ko when Tito Ryan opened your room's door. S-sige po. Pasok na po ako sa kwarto ko.
Nagdududang tiningnan ni Elizabeth si Louise habang naglalakad ito patungo sa kwarto nito.
Elizabeth: You know what, hon? Eugenie has a point. Louise is strange. So strange.
Nang tingnan ni Elizabeth ang mukha ni Ryan ay nakatiim-bagang iyon na kanyang ipinagtaka.
Umiling si Ryan at pagkatapos ay naglakad na pababa ng grand staircase. Si Elizabeth ay nagtataka sa iniaakto ng kanyang asawa.
----------
Nagulat si Anastasia nang marinig ang tinig ng boses ni Charlotte sa kanyang likuran.
Charlotte: Enjoying the view?
Agad na nilingon ni Anastasia si Charlotte na nakataas ang kanang kilay habang nakatingin sa kanya.
Halata sa mukha ni Charlotte ang pagtitimping huwag sumabog ang galit nito.
Anastasia: Ikaw pala, aking bunsong kapatid. Masisisi mo ba ako? Grabe. Tingnan mo ang asawa mo. Namumutok ang muscles habang lumalangoy sa pool. Swerte mo talaga, sis.
Malalim na nagbuntung-hininga si Charlotte bago muling nagsalita.
Charlotte: I warned you, didn't I? Hindi ka ba talaga marunong umintindi? Stay away from my husband. Or else---
Itinaas ni Anastasia ang kanyang kanang kamay sa tapat ng mukha ni Charlotte.
Anastasia: Oops! Huwag mo akong tatakutin. Baka nakakalimutan mong anak din ako ng ama ninyo? At mas matanda pa rin ako sa 'yo, sister Charlotte.
Tinitigan ni Anastasia si Charlotte mula ulo hanggang paa.
Anastasia: Kaya ka siguro insecure sa akin ay dahil mas sexy ako sa 'yo.
Bago pa makasagot si Charlotte ay tumatawang naglalakad na si Anastasia papasok ng malaking bahay.
Si Oscar na nasa malaking swimming pool ng pamilya Guerrero ay napansin ang pag-uusap ng asawa nitong si Charlotte at ng hipag na si Anastasia.
Hindi mapigilang mapangiti ni Oscar sa sarili rahil mukhang effective ang paraan nito para muling makuha ang atensyon ng asawa na matagal ding nawala rito rahil sa isang masaklap na katotohanan.
----------
Hindi alam ni Theo kung saan siya magsisimula sa kanyang pag-iimbestiga kung paanong nahulog sa grand staircase ng kanilang mansyon ang kanyang misis na si Helena Guerrero. Malakas ang pakiramdam ni Theo na may foul play sa malagim na nangyari sa kanyang asawa.
Sigurado si Theo na hindi binawi ni Helena ang sarili nitong buhay dahil siya mismo ang nakiusap kay Philbert Rosentos, ang family doctor ng pamilya Guerrero at may malaking share sa hospital na pinagtatrabahuan nito, na gawin nito ang lahat ng paraan para pagmukhaing tinapos ni Helena ang sarili nitong buhay bago pa mag-perform ng autopsy ang isang medical examiner at isang pathologist sa katawan ng namayapang si Helena.
Philbert: Are you out of your mind, Theo? Taliwas sa sinumpaan kong pangako bilang doctor ang gusto mong mangyari. Hindi ko maaaring---
Bago pa matapos ni Philbert Rosentos ang sinasabi nito ay muling nagsalita si Theo.
Theo: Please, Ninong Philbert. As your godson, nakikiusap ako to do everything in your power para hindi magmukhang may foul play sa nangyari sa aking asawa. Whether there's a foul play or not, I need to make sure that my family's name won't be tarnished due to this incident.
Kitang-kita ni Theo ang pagdadalawang-isip sa mga mata ng kanyang Ninong Philbert habang iniisip ang kanyang sinabi.
Theo: You're my father's doctor, Ninong Philbert. Your job is to take good care of his health condition at paniguradong hindi makabubuti sa kanyang kalusugan kung lalabas sa autopsy report na may---
Biglang tumigil sa pagsasalita si Theo nang itaas ni Philbert Rosentos ang kanang kamay nito para patigilin siya sa pagsasalita.
Philbert: I know what you're trying to say, Theo. Pero hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. My career and my reputation are on the line here. But, okay, for the sake of your father's health ay pag-iisipan ko ang mga sinabi mo.
Nakahinga ng maluwang si Theo nang sabihin sa kanila ng medical examiner na si Helena ang tumapos sa sarili nitong buhay.
Ngunit alam ni Theo na hindi iyon magagawa ni Helena sa sarili nito kaya naniniwala siyang ginawa ng kanyang Ninong Philbert ang ipinakiusap niya rito.
Hindi nakiusap si Theo kay Philbert Rosentos na palabasing walang foul play sa nangyari kay Helena para walang managot sa pagkawala nito kundi para hindi maalerto ang sinumang nagkasala sa kanyang asawa. Ang gusto ni Theo ay makampante ang salarin para mas madali niya itong mahuhuli.
Ngayon nga ay magsisimula na si Theo sa kanyang pag-iimbestiga para malaman kung paanong nawala ang kanyang asawa ng ganoon na lamang. Ang problema ay hindi niya alam kung saan magsisimula.
----------
Nilingon ni Arthur ang asawang si Mildred nang marinig itong nagsalita. Naroon sila sa loob ng kanilang kwarto ngayon at nagpapahinga.
Itinanong ni Mildred kay Arthur kung ano ang nangyari sa usapan nilang dalawa ng anak na si Stephanie at sa usapan nila ng pamangking si Jomari tungkol sa iniisip ni Arthur na manliligaw ni Stephanie.
Mildred: Sa sunud-sunod na mga nangyari rito sa mansyon ay hindi ko na naitanong sa 'yo ang tungkol sa bagay na 'yon.
Malalim na nagbuntung-hininga si Arthur at nagkibit-balikat.
Arthur: Well, it seemed like nagkamali ako ng hinala. Siguro nga ay wala lang 'yong binanggit ni Stephanie tungkol sa halik and I just made a big deal out of it.
Umakbay si Arthur sa asawang si Mildred nang tumabi ito sa kanya sa ibabaw ng kama.
Arthur: Sinabi ni Jomari na wala namang ibang lalaking nagtatangkang lumapit sa ating anak at kung mayroon man ay sa kanya raw muna dadaan.
Tumawa pa si Arthur nang maalala ang sinabing iyon ni Jomari.
Mildred: Well, maganda kung ganoon. I mean, nasa tamang edad na si Stephanie to entertain suitors pero sa panahon ngayon ay mahirap nang magtiwala lalo na sa kondisyon ng ating anak.
Tumango-tango si Arthur.
Arthur: Tama ka, hon. Kaya nagpapasalamat akong nandiyan si Jomari para bantayan ang ating anak. At hindi mo ba napansing sobrang maalaga ni Jomari kay Stephanie? Inaalalayan niya sa lahat ng bagay ang anak natin.
Ngumiti si Mildred kay Arthur ngunit sa hindi malamang dahilan ay may parte sa puso ni Mildred ang hindi mapakali sa ideyang nagiging malapit sa isa't isa sina Stephanie at Jomari.
Walang kaide-ideya sina Arthur at Mildred na nakabukas ng bahagya ang pintuan ng kanilang kwarto at pinapakinggan ng kanilang anak ang kanilang pinag-uusapan. Hindi alam ni Stephanie kung ano ang mangyayari oras na malaman ng mga magulang nito ang katotohanan tungkol sa kanilang dalawa ni Jomari.
----------
Lalong nasira ang mood ni Edward nang marinig ang tinig ng boses ng pinsang si Amethyst sa kanyang likuran habang nagpapahangin siya sa madilim na bahagi ng hardin ng pamilya Guerrero.
Amethyst: I just noticed na mula nang mawala si Mommy ay sobrang tahimik mo na. I guess sobra kang naapektuhan.
Pinipigilan ni Edward ang sariling bulyawan si Amethyst dahil hindi niya gusto ang nahihimigan niyang sarkasmo sa tinig ng boses nito at nanatili lamang siyang nakatalikod dito.
Edward: Well, I think it's normal na magluksa rahil sa pagkawala ng isang miyembro ng pamilya. Right, cousin?
Hindi maintindihan ni Edward kung bakit parang may halong galit ang tinging ipinupukol sa kanya ni Amethyst nang lingunin niya ito ngunit sandali lamang iyon kaya maaaring nagkamali lamang siya ng nakita lalo na at madilim sa bahaging iyon ng hardin.
Amethyst: Right. I guess sobra kang naging close kay Mommy noong nabubuhay pa siya.
Hindi alam ni Edward pero parang may gustong ipahiwatig si Amethyst sa sinabi nitong iyon at hindi niya iyon nagugustuhan.
Bago pa may masabing masama si Edward na maaari niyang pagsisihan sa huli ay napagdesisyunan niyang iwanan na si Amethyst sa parteng iyon ng hardin.
Nang makalayo na si Edward ay muli niyang nilingon si Amethyst. Nakita niyang umiiyak na ito ngayon habang niyayakap ang sarili ngunit imbis na kaawaan ito ay nakaramdam pa ng panibugho si Edward nang makitang lumuluha ang babae.
Isa si Amethyst sa mga dahilan kung bakit hindi agad nakapagdesisyon si Helena noon na makipagtanan sa kanya. Mahal na mahal ni Helena ang anak at lagi nitong iniisip noon kung ano ang mangyayari sa anak nito oras na magtanan silang dalawa ni Edward.
Kaya naman naiinis si Edward kay Amethyst noon at ngayong pumanaw na si Helena ay parang gusto niyang magalit sa kanyang pinsan dahil kung mas maaga lamang silang nakapagtanan ni Helena ay baka hindi nito sinapit ang isang malagim na pangyayari.
Nag-iigting ang pangang bumulong sa hangin si Edward.
Edward: Ikaw na lang sana ang nawala at hindi ang ina mo, Amethyst.
----------
Naroon sa isang sulok ng hardin si Eugenie nang makita ang lumuluhang si Amethyst. Kahit palaging hindi nagkakasundo ang magpinsan, kahit kailan ay hindi naman hiniling ni Eugenie na sapitin ng kanyang pinsan ang nangyari rito.
Nagkakasundo lamang sina Eugenie at Amethyst sa tuwing pinagtutulungan nilang asarin ang kanilang pinsang si Louise dahil parehong negative vibe ang nakukuha nilang enerhiya mula sa pinsan nilang iyon.
Gustong aluin ni Eugenie si Amethyst ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nalilimutan kung paano siyang sinaktan ng kanyang sariling pinsan noon.
Hindi makapaniwala si Eugenie sa kanyang nasasaksihan nang mga sandaling iyon. Nakikipaghalikan sa isang lalaki ang kanyang pinsang si Amethyst sa loob ng locker room ng kanilang school.
Ang lalaking kahalikan ni Amethyst ay ang nobyo ni Eugenie, si Jared. Hindi namalayan ni Eugenie na pumapatak na pala ang kanyang mga luha habang pinapanood ang malalim na paghahalikan nina Amethyst at Jared. Nagtatawanan pa ang mga ito kapag tumitigil sa pagsasalubong ang kanilang mga labi.
Amethyst: I can't believe Eugenie fell for your lies. Hulog na hulog ang loob ng pinsan ko sa 'yo.
Kinikilig pa si Amethyst nang kurutin ni Jared ang kanang tagiliran nito.
Jared: Sabi ko naman sa 'yo, basta para sa 'yo ay gagawin ko ang lahat. Sinabi mong paibigin ko ang pinsan mo, I successfully did it.
Pabirong hinampas ni Amethyst ang kaliwang pisngi ni Jared.
Amethyst: Hindi ko alam na seseryosohin mo 'yon, babe. But, in fairness, you proved to me how much you love me.
Nang muling magsalubong ang mga labi nina Amethyst at Jared ay doon na rin naisipan ni Eugenie na lisanin ang lugar na iyon habang walang tigil ang pagdaloy ng mga luha sa kanyang magkabilang pisngi.
Mga bata pa lamang sina Eugenie at Amethyst ay palagi na silang nag-aaway ngunit hindi naman ganoon kaseryoso at minsan pa ay nagkakabati rin sila kaagad. Ngunit ang ginawang iyon ni Amethyst kay Eugenie na may kinalaman kay Jared ang nagtulak sa kanyang makipagkompetensya sa sariling pinsan para mapatunayang kaya rin niya itong talunin.
Maaaring wala na ang sakit sa puso ni Eugenie dahil sa ginawang panloloko ni Jared ngunit ang ginawa sa kanya ng sariling pinsan ay hinding-hindi niya malilimutan kailanman.
Kahit nagkakasundo sina Eugenie at Amethyst pagdating sa panggugulo kay Louise ay hindi ibig sabihin niyon ay nakalimutan na ni Eugenie ang ginawa ni Amethyst sa kanya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin maintindihan ni Eugenie kung bakit ginawa iyon sa kanya ni Amethyst katulad nang hindi niya maintindihan kung bakit iba ang trato sa kanya ng sariling ama.
Tumulo ang mga luha ni Eugenie nang muling maalala kung paano siyang pinapahirapan ng amang si Ryan noon at kahit hindi na siya pinapahirapan ng ama ngayon ay damang-dama pa rin niya ang disgusto nito sa kanya.
Nang mga oras na iyon ay sabay na lumuluha sina Eugenie at Amethyst dahil sa magkaibang kadahilanan.
----------
Nahahapong hinimas ni Jomari ang kanyang batok nang muli siyang tanungin ng kanyang Lolo Sebastian kung hiniwalayan na ba niya ang kasintahang si Pamela.
Ilang araw na ang nakalipas nang makita si Jomari ng kanyang Lolo Sebastian sa loob ng isang restaurant habang kasama niya si Hope, ang best friend ng kanyang girlfriend. Naroon sa restaurant na iyon si Sebastian para makipagkita sa rating kakilala ngunit hindi rin naman dumating ang kikitain nito kaya nakisalo na lamang ito sa kanilang table ni Hope.
Sinabi ni Jomari kay Sebastian na hindi sinasadyang nagkita silang dalawa ni Hope sa restaurant na iyon kaya niyaya niya ang babae na sabay na silang kumain. Hindi inamin ni Jomari kay Sebastian ang totoong dahilan kung bakit magkasama sila ni Hope nang araw na iyon.
Hindi sinabi ni Jomari sa kanyang lolo na binayaran niya si Hope para magsinungaling kay Pamela na ito ang nakita ng mga tao sa bayan na kahalikan ni Jomari para protektahan si Stephanie.
Nang magpaalam si Hope at maiwan sa restaurant table sina Jomari at Sebastian ay agad na pinayuhan ni Sebastian ang apo na hiwalayan na niya si Pamela para hindi maulit sa kanya ang nangyari sa kanyang Tito Arthur noon. Ngunit walang balak si Jomari na hiwalayan si Pamela rahil ang babae ang kanyang front para hindi mabisto ang ginagawa nilang dalawa ni Stephanie.
Ilang beses nang itinanong ni Sebastian kay Jomari kung nakipaghiwalay na ba siya sa kanyang kasintahan ngunit palaging iniiwasan ni Jomari ang tanong na iyon hanggang sa ipatawag siya ng kanyang lolo sa loob ng home library.
Sebastian: You know your mother's stand on this, apo. She doesn't like that girl for you. Hindi ko lang gustong maulit ang nangyari sa amin ng Tito Arthur mo sa inyong dalawa ng iyong Mommy Elizabeth.
Isang reassuring na ngiti ang iginawad ni Jomari sa kanyang abuelo.
Jomari: You worry too much, Lolo. Hindi mauulit ang nangyari sa mansyong ito several years ago. I respect Mommy so much, but when it comes to heart matters, this will always win.
Itinapat ni Jomari ang kanyang kanang hintuturo sa kanyang kaliwang dibdib.
Jomari: Mamahalin ko ang taong itinitibok ng aking puso, Lolo, at walang sinuman sa pamilyang ito ang magdidikta kung sino ang dapat at hindi ko rapat mahalin.
Matapos sabihin iyon ay biglang tumayo si Jomari mula sa kinauupuang couch sa loob ng home library at tinungo ang mataas na pintuan ng kwartong iyon.
Bago tuluyang lumabas ng kwarto ay nilingon ni Jomari si Sebastian at nakangiting sinaluduhan ito.
Jomari: I love you, Lolo. Always remember that.
Pabiro pang itinuro ni Jomari si Sebastian.
Nang tuluyang makalabas ng home library ay malalim na nagbuntung-hininga si Jomari at pagkatapos ay bumulong sa hangin.
Jomari: The heart loves who it loves.
----------
to be continued...