JOMARI’s POV Muntik ko nang maibuga ang tubig na nasa loob ng aking bibig nang marinig ko ang tanong na iyon ni Lolo Sebastian. Muli na naman nitong kinukumusta ang status ng relationship namin ng aking girlfriend na si Pamela. Inilibot ko ang aking paningin sa mga taong naroon sa hapag-kainan. Weekend at sabay-sabay na nagbi-breakfast ang buong pamilya Guerrero sa aming malawak na dining room. I noticed na naagaw ng tanong na iyon ng aking abuelo ang atensyon ng lahat ng miyembro ng pamilya at ngayon ay nag-aabang silang lahat sa aking isasagot lalong-lalo na ang aking inang si Elizabeth na matiim ang pagkakatitig sa akin. I’m completely aware that my mother doesn’t like Pamela for me at kung pwede lang na palayasin nito ang girlfriend ko mula sa San Christopher ay ginawa na nito. Wa

