THIRD PERSON POV
Malalim na ang gabi ngunit si Sebastian Guerrero ay gising na gising pa rin ang diwa. Hindi makatulog ang matanda matapos ang naging usapan nila ng kanyang panganay na anak na si Arthur kanina.
Makalipas ang maraming taon ay muling narinig ni Sebastian ang boses ng kanyang anak na si Arthur. Ang anak niyang iniwan ang kanilang buong pamilya para sumama sa babaeng mahal nito. Si Mildred.
Nang pumasok sa isip ni Sebastian ang pangalang Mildred ay halos madurog ang kopita ng alak na tangan-tangan niya sa kanyang kanang kamay. Galit na galit siya sa babaeng naging dahilan para talikuran siya ng sariling anak. Isang babaeng kung gugustuhin niya ay kayang-kaya niyang burahin ang mukha sa mundo. Isang babaeng bunga ng kasalanan.
Isang babaeng malaki ang pagkakasala kay Sebastian.
Alam ni Sebastian sa sarili na hindi niya pwedeng basta na lamang dispatsahin si Mildred dahil tuluyan nang mawawala sa kanya ang kanyang panganay na anak na si Arthur kapag nangyari iyon. At iyon ang ayaw niyang mangyari, ang tuluyang itakwil siya ng kanyang anak bilang ama nito.
Kaya naman matapos ang ilang taon mula nang lisanin ni Arthur ang malaking bahay ng pamilya Guerrero, matapos siyang tikisin ng sariling anak sa loob ng mahabang panahon, ay sinubukan ni Sebastian na kontakin ang anak na matagal nang nawalay sa kanya.
Natatandaan pa ni Sebastian ang naging takbo ng usapan nila ng kanyang anak na si Arthur kanina.
Arthur: Hello. Arthur Guerrero speaking.
Parang may nabuhay na isang parte sa puso ng matandang Sebastian nang muling marinig ang boses ng kanyang anak na si Arthur makalipas ang napakaraming taon.
Sebastian: A-anak?
Parang may bikig sa lalamunan ni Sebastian nang tawaging anak si Arthur. Muli niyang natawag na anak ang kanyang panganay na supling.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Walang naririnig si Sebastian mula sa kabilang linya. Hanggang makarinig siya ng isang tikhim mula kay Arthur.
Arthur: Bakit kayo napatawag? And where did you get my number?
Pormal ang tono ng boses ni Arthur. Parang gustong madurog ng puso ni Sebastian.
Sebastian: Hi-hindi mahirap para sa akin na malaman ang numero mo, Arthur. Uhm... I-I miss you, anak.
Mahabang katahimikan ang muling namagitan bago nagsalitang muli si Arthur mula sa kabilang linya.
Arthur: Too many years have passed. I'm now living a peaceful life with my wife and your granddaughter.
May diin sa bawat salitang binitiwan ni Arthur. Nahihimigan ni Sebastian sa tinig ng boses ng anak ang hinanakit.
Granddaughter. Kumislap ang mga mata ni Sebastian sa impormasyong iyon.
Sebastian: M-my granddaughter. What's her name?
Isang mahabang buntung-hininga ang pinakawalan ni Arthur mula sa kabilang linya.
Arthur: Stephanie. Stephanie Guerrero.
Napapikit si Sebastian. Napakaganda ng pangalan ng kanyang apo. Hindi niya alam kung bakit hindi nabanggit sa kanya ng kanyang private investigator ang tungkol sa kanyang apo.
Sebastian: C-can I see her, anak?
Sa puntong iyon ay tumaas ang tono ng boses ni Arthur.
Arthur: Why exactly are you calling me? Suddenly you're interested to see my daughter after so many years?
Napapikit si Sebastian. Nasasaktan siya sa nahihimigang tampo at galit sa tinig ng boses ni Arthur.
Humugot ng malalim na paghinga si Sebastian bago sinabi ang totoong dahilan ng kanyang pagtawag kay Arthur.
Sebastian: I-I want you to come back home, son. Wi-with your family. Mi-Mildred and Stephanie.
Hirap na hirap si Sebastian na banggitin ang pangalang Mildred. Parang may pait sa loob ng kanyang bibig nang banggitin ang pangalang iyon ng asawa ng kanyang anak.
Nang hindi magsalita si Arthur mula sa kabilang linya ay nagpatuloy si Sebastian.
Sebastian: Malapit na ang nineteenth birthday ng bunsong anak ng kapatid mong si Elizabeth. Your siblings will be happy to see you again, son. And I'm sure Stephanie's cousins will be very delighted to see her.
Pinipilit ni Sebastian na pasiglahin ang tinig para mabawasan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Arthur. Maya-maya ay muling nagsalita si Arthur.
Arthur: Let's see. I'll talk to Mildred first. But don't expect anything. As I've said, maayos na ang buhay namin.
Iyon lang at tinapos na ni Arthur ang tawag. Nagulat na lamang si Sebastian nang may mga luhang tumutulo na sa kanyang magkabilang pisngi.
Humugot ng malalim na paghinga si Sebastian at tumanaw sa labas ng bintana ng kanyang silid.
Base sa naging pag-uusap nila ng kanyang anak na si Arthur kanina ay mayroon pa rin itong tampo sa kanya rahil sa nangyari noon ilang taon na ang nakalipas.
Ang araw na lisanin ni Arthur ang malaking bahay ng Familia Guerrero.
Mataas ang boses ni Sebastian habang bumababa ng grand staircase at nakasunod sa panganay niyang anak na si Arthur na bumababa rin ng hagdan at may bitbit na malaking maleta. Kasunod niya sa pagbaba ng hagdan ang bunsong anak na si Charlotte at pilit siyang pinapakalma.
Sebastian: Sige, Arthur! Ruin your life together with that slut of a woman! Itapon mo ang lahat ng pinaghirapan mo rahil sa pobreng babaeng iyan!
Sa ibaba ng grand staircase ay naroon si Mildred, ang kasintahan ni Arthur. Hinihintay nitong makababa ng hagdan ang nobyo. Nakayuko ito rahil pinipigilan ang sariling mapaiyak dahil sa mga naririnig na masasakit na salita at pang-aalipusta mula sa ama ng kasintahan.
Arthur: I love Mildred, Papa, kaya huwag niyo siyang babastusin. Pasalamat ka at nirerespeto kita rahil ikaw ang ama ko. Kung hindi niyo siya matanggap, aalis na lang ako sa bahay na ito.
Nang makababa ng grand staircase si Arthur at lapitan si Mildred ay ginagap nito ang kanang kamay ng babae gamit ang kaliwang kamay. Hinarap ang ama na kabababa lang ng grand staircase.
Sebastian: Fool! You don't love her! That woman is a scheming b----! She manipulated you para matamasa ang yaman natin na matagal na niyang inaasam!
Halos maglabasan ang lahat ng ugat sa leeg ni Sebastian dahil sa taas ng tono ng boses niya.
Charlotte: Papa, please calm down. Hindi makabubuti sa kalusugan niyo ang ma-stress.
Hinihimas ni Charlotte ang likod ni Sebastian para subukang pakalmahin.
Biglang nagsalita ang pangalawang anak ni Sebastian na si Elizabeth na nakatayo sa gitna ng malaking sala at nakahalukipkip. Katabi nito ang asawang si Ryan na mukhang tuwang-tuwa sa mga nangyayari base sa pagpipigil nito na mapangiti.
Elizabeth: Let Kuya Arthur go, Papa. He's old enough para magdesisyon para sa sarili niya. And besides, hindi lang naman siya ang anak mo para umarte ka ng ganyan.
Napasinghap si Charlotte sa sinabi ng Ate Elizabeth nito.
Charlotte: Ate Elizabeth!
Pinandilatan ng mga mata ni Charlotte si Elizabeth ngunit si Elizabeth ay nagkibit-balikat lamang. Bigla ay nagsalita si Ryan.
Ryan: Elizabeth is right, Papa. Hindi lang naman si Arthur ang anak mo. Hindi ka mawawalan ng tagapagmana kung aalis siya.
Tumatawa pa si Ryan habang sinasabi iyon. Nilingon ni Arthur ang bayaw at tinapunan ng masamang tingin.
Arthur: Shut up, Ryan! Panigurado namang tuwang-tuwa kang aalis ako para mabawasan ng kahati sa kayamanan 'yang asawa mo. 'Yan lang naman ang habol mo sa pamilyang ito.
Painsultong tiningnan ni Arthur si Ryan mula ulo hanggang paa. Si Ryan ay tumiim ang bagang. Pang-asar namang tumawa si Elizabeth.
Elizabeth: Oh wow, Kuya Arthur. I'm offended. Tingin mo ay hindi ako mahal ni Ryan at yaman ko lang ang pinakasalan niya? Eh, anong tawag mo riyan kay Mildred na isang basahan na sinasabing mahal ka? We don't even know kung anong klaseng pamilya ang pinanggalingan ng babaeng 'yan.
Tumalim ang mga mata ni Arthur kay Elizabeth at isang nakamamatay na tingin ang ipinukol kay Ryan na ngayon ay nakabawi na sa pang-iinsulto ni Arthur at pangisi-ngisi na.
Arthur: Huwag mong itulad si Mildred sa iyo na kating-kating mawala na ako para sa iyo na maipasa ang mga responsibilidad ko sa company. Well, good news for you rahil iiwan ko na ang pamilyang ito.
Bigla ay sumigaw si Sebastian na nakatitig lang kanina sa pagtatalo ng mga anak at manugang. Nasasaktan siya na nag-aargumento ang mga ito tungkol sa yaman ng pamilya.
Sebastian: All of you, stop! Tigilan niyo ang pag-uusap sa yaman ng pamilya na parang wala ako rito!
Hinarap ni Sebastian si Arthur ngunit nakita na niya itong lumalakad patungong main entrance door ng malaking bahay. Hawak ng kaliwang kamay ni Arthur ang kanang kamay ni Mildred at bitbit naman nito sa kanang kamay ang malaki nitong maleta.
Sebastian: Arthur, come back here! Huwag mong sirain ang buhay mo kasama ang babaeng iyan!
Ngunit hindi lumingon si Arthur at tuluy-tuloy lang na lumakad hanggang makalabas sila ng kasintahang si Mildred ng gate ng malaking bahay.
Nanghina ang mga tuhod ni Sebastian at dali-daling inalalayan siya ni Charlotte paupo sa pinakamalapit na settee. Nakatingin lang sina Elizabeth at Ryan habang inaalalayan ni Charlotte si Sebastian na makaupo. Nahahapong itinukod ni Sebastian ang mga kamay sa kanyang mga tuhod.
Maya-maya ay bumaba mula sa grand staircase ang pangatlong anak ni Sebastian na si Theo. Itinatali pa nito ang terry bathrobe at mukhang pawis na pawis. Hindi nito nasaksihan ang mga naganap kanina. Lumapit ito sa ama.
Theo: Papa, what happened?
Nakayuko ang ulo habang nakatukod ang mga kamay sa mga tuhod na sumagot si Sebastian.
Sebastian: Iniwan na tayo ng Kuya Arthur mo, Theo.
Iyon lang at nagsimula nang humagulgol si Sebastian.
Nangilid ang mga luha ni Sebastian sa kanyang mga mata rahil sa alaalang iyon. Labis siyang nangulila nang umalis si Arthur at parang may namatay na parte sa kanyang puso sa pag-alis ng anak.
Ngayon ay umaasa si Sebastian na magbabalik ang kanyang anak sa tahanan nito. Sa totoong tahanan nito.
Sa tahanan ng Familia Guerrero.
----------
to be continued...