JOMARI’s POV Napalingon ako sa aking girlfriend na si Pamela nang yayain ako nito na sumama sa kanila ng aking kapatid na si Eugenie at ng best friend nitong si Hope sa pagpunta sa pagawaan ng bottled local products ng mga Jarandilla. Bago ako tuluyang makalapit sa aking kasintahan ay napansin ko si Stephanie na umaakyat sa grand staircase ng Jarandilla mansion. Kasama niya si Louise at ang isa sa mga tauhan nina Kuya Aaron. Sa tingin ko ay pupuntahan nila ang mga kwarto kung saan kami magpapalipas ng gabi. Nagtama ang aming mga mata ni Stephanie na muntikan nang tumagal kung hindi hinawakan ni Pamela ang aking bisig at inagaw ang aking atensyon. Pamela: Huwag mo nang bantayan ang mga pinsan mo, babe. May kasama naman sila. Hindi sila mawawala rito sa mansyon nila Kuya Aaron. Alangan

