JOMARI’s POV Napangiti ako nang pagsilip ko sa rearview mirror ng minamaneho kong family van ay nakatingin sa akin ang iniibig kong si Stephanie. Kaagad kong ibinalik sa pagmamaneho ang aking atensyon habang sinusubukang gawing neutral ang ekspresyon na makikita sa aking mukha. This isn’t the right time para kiligin ako sa simpleng pagtatama ng mga mata namin ng babaeng minamahal ko. Maliban sa kasama namin ang mga kapatid ko at iba naming pinsan ay narito rin sa loob ng sasakyan ang girlfriend kong si Pamela at ang best friend nitong si Hope. Dahil sa napapansin ni Stephanie na parang nagdududa na si Tita Mildred sa tagal ng oras na ginugugol naming dalawa tuwing mamamasyal sa iba’t ibang lugar sa San Christopher kaya naisipan kong mag-bonding kaming lahat na magpipinsan. Sa ganiton

