INABOT ng isang taon ang panliligaw ng binata sa dalaga bago nito naisipang tanungin itong muli. Sa gitna ng set, isang surpresa ang inihanda ni Tristan kay Dianna at kasabwat nito ang mga staff. Walang kaalam-alam si Dianna sa binabalak gawin ni Tristan sa kaniya hanggang sa matapos ang ikatlo nitong eksena. Naagaw ang atensyon ni Dianna ang biglang paglitaw ni Tristan mula sa kawalan. Hindi niya namalayan ang pagdating nito dahil naging abala siya sa taping. Umukit ang matamis na ngiti sa kaniyang mga labi ngunit bigla siyang natigilan. Gabi na ng mga oras na iyon. Biglang namatay ang ilaw sa buong paligid nang sabay-sabay. Pakiwari niya'y nawalan na lamang bigla ng kuryente. "T-Tristan?" Natatakot nitong tinawag ang pangalan ng binata. Biglang nanahimik ang buong kapaligiran. Wala

