MABILIS na lumipas ang oras, panahon, at pagkakataon. Suot nila ang kaniya-kaniyang magagarbong damit para sa isang napakahalagang event na minsan lamang nila maranasan, ang awarding ceremony. Mangiyak-ngiyak na nagpunta si Dianna sa comfort room para mag-retouch sa sarili niyang paraan. Muli niyang pinatungan ng lipstick ang labi niya pagkatapos ay ibinalik niya iyon sa handy bag na dala niya. Sa paglabas niya sa comfort room ang saktong pagpunta ni Tristan doon upang hintayin ang paglabas niya. Halos matunaw sila sa isa't isang pagtitigan nang makita nila ang kanilang kabuuan. Suot ni Dianna ang maroon gown na nagpapalabas ng kaniyang ka-sexy-han sa sobrang pagkahapit nito sa kaniyang katawan. Kumikinang iyon na para bang matitinkad na bituwin sa langit dahil sa mga glitters nitong m

