UMUWI ako nang lantang gulay sa unit ko. Hindi na ako nagpahatid pa kay Darwin pauwi. Pumara na lang ako ng taxi. Hindi pa kasi tapos ang ang shoot nang umuwi ako. Hindi pa ako nagpapaalam na gusto ko nang unuwi, e, pinapauwi na ako ni Direk dahil iba na raw ang itsura ko. Mukhang hindi ko raw kayang gumawa ng eksena ngayon dahil sa nangyaring pangbabastos sa akin ni Darwin. Naibagsak ko ang dala kong bag at coat sa couch at saka umupo roon. Isinandal ko ang likod ko sa sandalan nito at nakatingalang tumitig sa kisame nang walang kalakas-lakas. Hindi ko makalimutan ang ginawa ni Darwin sa akin sa kubong iyon. Siguro kung hindi ako nakatakas ay baka na-rape na ako ng lalaking 'yon! Napapaisip na tuloy ako kung ligtas pa ba ako sa set? Anytime pala pwede niya ulit gawin 'yon. Kung kayang

