HABANG tumatagal ay mas lalong nkakaramdam ng selos at takot ang binata. Sobra niyang minahal ang dalaga. Ang dalaga rin ang muling nagpagising sa natutulog niyang damdamin. Marami ang nagbago nang maging sila. Simula pa lamang nang magkakilala sila ng dalaga ay sobra na ang naging saya niya. Ilang taon na silang magkasama at nagpaplano nang magpakasal ngunit bago talaga lumagay sa masaya at maayos na sitwasyon ang buhay ng isang tao o ng isang relasyon ay susubukin muna ang kanilang tatag at pagmamahalan. Susubukan kung hanggang saan ang sinasabi nilang pagmamahal dahil tama nga naman ang nakararami. Hindi biro ang pag-aasawa at kahit ano'ng gawin mo, nakatali ka na sa taong iyong pinakasalan. Kung sa simpleng problema ay hindi ninyo magawang maayos ay paano pa kung may mga anak na kayo

