NAGING maasim ang mukha ko nang maamoy ko ang suka niya. Sinukahan niya ako sa hita kaya't agad kong pinunasan iyon nang maidukmo kong muli ang ulo niya sa lamesa. "Kadiri ka naman, Tristan! Dapat iyong fiancé mo ang nag-aasikaso sa 'yo, hindi ako! Tatawagan ko na nga si Dianna—" "Huwag!" Hinablot niya ang kakakuha ko pa lamang cellphone sa bag ko at agad na ibinato sa kung saan. "Hala, hoy!" Napatayo ako ng wala sa oras at agad kinuha ang lumipad kong cellphone sa ere. Kabado kong ibinukas iyon at patay na. Ayaw nang bumukas! "Tristan naman! Kakabili ko pa lang ng bagong phone! Ano ka ba?" umuusok ang ilong at tainga kong sigaw ngunit wala siyang ginawa. Hindi man lang siya nag-angat ng ulo para tignan ako at wala man lang siyang ka-imik-imik. "Walang hiya ka! Kakalbuhin kita, e!"

