NAGBALIK sa katinuan ang isip ko nang muli niyang tawagin ang pangalan ko. Napapikit at napakagat ako ng madiin sa aking mga labi. "A-Ano'ng ginagawa mo rito, Yannah?" Muli ay napalunok ako ng malapot na laway nang tignan ko siya ng pasulyap. Binawi ko agad ang tinging iyon. "W-Wala kang n-naaalala?" pilit kong tanong habang patuloy na lumulunok ng malapot na laway na tila nagpapatuyo sa lalamunan ko. Tinignan niya ang kaniyang sarili at ang aking itsura. Para siyang biglang sinampal ng realidad. "M-May nangyari sa atin?" kinakabahan at gulat na gulat niyang tanong habang magkasalubong ang mga kilay at bahagya pang napaatras na nagdahilan upang mas bumaba ang kumot na nakatabing sa kaniyang p*********i. Mabilis akong napapikit at napasigaw. Parang pinagtatambol ang dibdib ko. "Ano

