CHAPTER 36 - SAMPAL NG REALIDAD

1780 Words

HABANG abala ako sa pagmamaneho ng sasakyan, biglang nag-ring ang cellphone ko. Tinignan ko iyon at agad na sinagot. Hawak ng isang kamay ko ang manubela habang ang isa naman ay hawak ang cellphone ko na nakatapat sa aking tainga. "Hello, Papa? Bakit?" tanong ko patungo sa kabilang linya. "Hello, Dianna? Nasaan ka, anak? Dinner tayo?" anyaya niya. Lumawak ang ngiti sa aking mga labi nang sabihin iyon ni Papa. "Sige ba, 'Pa! Matagal-tagal na rin tayong hindi nagde-date. Saktong-sakto at gutom na gutom na ako. Uminom at kumain tayo ng chicken at beer!" tuwang-tuwang sabi ko. "Oh, sige. Sagot ko na iyon, anak. Ako na ang bahala sa chicken at beer ng anak kong superstar!" pangbobola pa niya. "Sus! Si Papa talaga. Huwag na kayong gumastos. Kaya nga ako nagtatrabaho para may pang-date tay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD