NAKATULALA siya sa kawalan habang hawak ang pitchel na may lamang malamig na tubig na isinasalin niya sa isang basong may kaliitan. Nangingitim ang paligid ng kaniyang mga mata at namumutla dahil sa puyat. Bigla siyang napabalik sa tamang huwisyo nang maramdaman niya ang pag-agos ng tubig mula sa hawak niyang baso. Nabasa ang suot niyang pajama at bahagyang gininaw dahil sa malamig na tubig na kaniyang naitapon. Malalim siyang napabuntong hininga at inilapag sa kaharap na lamesa ang pitchel at baso. Muli niyang inisip si Tristan na gumugulo sa kaniyang isipan. "Bakit ba naman kasi napaka-abnormal ng taong iyon?" Nagwala ito sa matinding galit at pagkainis. Para pa ring isang kanta na kumakanta sa kaniyang isipan ang ibinulong sa kaniya ng binatang iyon. Ininom niya ang tubig mula sa b

