NANG marating na namin ang harap ng unit ko, nilingon ko siya mula sa likuran ko para kuhanin sa kaniya ang mga bag kong kanina pa niya bitbit. “Akin na iyan. Maraming salamat sa paghatid sa akin at pagdala ng mga gamit ko.” Hindi ko siya inangatan ng tingin. Nanatili akong nakayuko at kinukuha sa kaniya ang bag kong ibinigay niya naman. “Tignan mo muna ako bago ka pumasok.” Kumabog ang dibdib ko. Katulad kanina ay bigla na naman itong tumibok nang abnormal pa kaysa sa akin. “Dianna, gusto kitang makita.” Hinawakan niya ang baba kong ikinagulat ko at ikinataas ng mga balahibo ko. Iniangat niya iyon upang deretsiyahang tignan ang mga mata ko. “T-Tristan…” “Magpahinga ka ng maayos, ha? Huwag ka nang magpuyat pa. Maaga ang shoot natin bukas,” wika niya. Bigla kong

