KINABUKASAN, pagkagising ni Dianna, cellphone ang unang hinanap ng kaniyang mga mata. Binuksan niya iyon nang kaniyang makuha at itinutok sa kaniyang mukha. Nakangiti siya ng matamis habang binabasa ang naging conversation nila ni Tristan kagabi na inabot ng madaling araw. Parehas silang napuyat ngunit maagang nagising ang dalaga. Hanggang sa kaniyang panaginip ay si Tristan pa rin ang naging laman niyon kaya’t naging maganda ang kaniyang sinumulang umaga. Nang nasa kalagitnaan na siya ng pagbabasa, bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan. Ganoong-ganoon nag-umpisa ang naging relasyon nila ng kaniyang long time boyfriend noon na ngayon ay may asawa na dahil sa nakabuntis ito habang sila pa. Dahil sa pangyayaring iyon na halos ay sumira sa dati niyang katinuan ay naging mailap siya s

