NANG bumukas ang elevator, bumungad sa dalaga ang mukha ng binata. Kakauwi lamang niya sa condo upang magpunta sa unit niya. Alas diyes na ng gabi nang matapos ang taping nila sa Gazebo kung saan kinuhanan ang huli nilang eksena. Pumasok siya nang nakairap ang kaniyang mga mata at saka malalim na humugot ng hininga. "Hanggang dito ba naman, siya pa rin ang makikita ko?" nakabulong na sabi ng dalaga. Mahina iyong narinig ni Tristan subalit hindi niya pinansin. Kahit na nakasuot siya ng headphone, hindi naman siya nakikinig ng kanta. Pinatay niya iyon nang makita niya si Dianna na pumasok sa elevator, katabi niya. Palihim na pinakinggan ng binata ang binubulong ng dalaga. "Ang tagal umangat ng elevator na ito." Ipinadyak padyak niya ang kanan niyang paa nang mahina. Lihim na gumuhit an

