CHAPTER 27 - LOVE

1880 Words

HINAWAKAN niya nang magkabilang kamay niya ang mga kamay kong nakapalipot sa tiyan niya. Patuloy ko siyang niyayakap mula sa likuran niya upang pigilan siya sa pagtangka niyang pag-alis sa loob ng unit niya. “Bitawan mo ako, Dianna. Gusto ko lang magpahangin sa labas.” Ipinikit ko ng madiin ang aking mga mata at mas lalo pang inihigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya. “Ayoko! Kung may problema tayo, pag-usapan na lang natin. Bakit ba sa tuwing may pinag-aawayan tayo, umaalis ka? Hindi ka naman duwag, ‘di ba?” Dahil sa sinabi kong iyon sa kaniya ay malakas niyang napaghiwalay ang mga kamay kong nakayakap lamang sa kaniya kanina. Tinignan niya ako ng puno ng galit sa mga mata niya. “Kung sa iyo ko kaya gawin iyan? Humanap din kaya ako ng ka-partner? Iyong ex ko na taon ang binilang namin?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD