Hindi ko naman akailan na parang waitress na rin ang trabaho ko dito sa City Hall. Magsimula.sa sahig, table at bawat sulok ng Mayor's Office ni Lucky ay nilinis ko lahat. Todo bantay din sa akin si Maureen ay mas lalong sinasadya pa niyang magkalat para lang pahirapan ako pero hindi ko nalang siya pinapansin. Kapag magrereact ako alam ko na mas lalo niya pa akong iinisin kaya naman hinayaan ko nalang siya. "Believe din naman ako sa sipag mo 'no! Hindi ka manlang napagod sa mga ginagawa mo?" aniya habang nagpupunas ako sa lamesang nilagyan niya ng pulbo na powder. Napatawa naman ako sa kanya. "Sa dinami daming trabaho na napasukan ko at ginawa ko hindi na ako maapektuhan sa mga ginagawa mo. Sarili mo lang ang pinapahirapan mo Maureen at hindi ako." Ngumisi pa ako sa kanya at nagpatuloy s

