"We have a dinner tonight with your Tito, hindi kapa rin ba aalis?!" inis na sabi ng Mommy ni Lucky sa akin. Ngumisi kang ako sa kanya at patuloy lang sa pagluluto ng lugaw para kay Lucky. Nandito kami ngayon sa kusina at nakaporma na siya. Samantalang ako naman ay tila ba walang naririnig kahit kanina niya pa ako mimumura at pinapaalis dito sa bahay nila. "Ang kapal naman talaga ng mukha e 'no?! Bakit mo ba pinagsiksikan ang sarili mo dito? Hindi ka nababagay sa pamamahay ko you are a piece of trash!" dagdag pa niya. Napatigil naman ako sa aking ginagawa ng marinig ko ang sinabi niya. Tiningnan ko siya ng seryoso. "Itong babaeng sinasabihan mo na piece of trash ay sinasamba ng anak mo. You see? He likes me compare than Maureen, kaya paano ako naging basura? Kung may basura man dito bak

