"Ano ba talaga ang gusto mong mangyari Tita Laurice?! Bakit hindi mo nalang kami pakawalan dahil walang tutulong sa amin. Sa tingin mo gagastos si Lucky ng malaking halaga para lang mailigtas kaming magkkapatid?!" galit na sigaw ko sa kanya. Dalawang araw na kaming nandito ay isang beses lang kung kumain sa isang araw. Hindi na rin kaya ng konsensiya ko na tingnan at makita ang paghihirap ng mga kapatid ko. Everytime I heard their crying halos ikakamatay ko. Si Wyn nanghihina na rin dahil inaatake ng kanyang hika at wala manlang plano si Laurice na paalisin kami sa lugar na ito. "Alam ko na magbibigay siya, Ellie! Kailangan ko ng pera para maakaalis sa lugar na ito. Pasalamat ka nga at mapapakinabangan pa kita dahil kung hindi baka kinakain na nang uod ang katawan mo sa ilalim ng lupa ng

