Gumugulo na ang isipan ko dahil sa mga nangyari at mabuti nalang nandito si Tita Laurice sa tabi ko at pinapalakas niya ang aking loob. Kahit na siya ay gulat na gulat sa nangyari. Nagkita kami dito sa coffeeshop para mag-usap. "H-Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag may nangyaring masama kay Ellie, para ko na siyang anak!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Tita Laurice. Inabutan ko naman siya ng tissue para ipunas sa kanyang mga luha. "Ako din Tita hindi ko mapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa kanila. Pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit nakapatay ang lahat nga mga CCTV bago sila nawala?! Naniniwala ako na malapit lang kay Ellie ang gumawa nito." Napakuyom ako ng aking kamao dahil sa sobrang galit. "I'm going to kill them, Tita I swear!" dagdag ko pa sabay

