"Nandito na ang pera Laurice!" Inilapag ni Ben ang mga bag sa itaas ng lamesa. Nanlaki naman ang mga mata ni Laurice ng makita iyon at dali-daling binuksan ang mga bag. Napahiyaw siya ng makita ang milyon milyon na pera at hinahagkan pa iyon. "Ang usapan natin hati tayo diyan ha!" ani ni Ben. "Usapan?! Wala akong naalala na may usapan tayo, Ben! Ako ang magdesesisyon kung magkano ang ibibigay ko sa'yo besides sa'yo naman si Ellie kung iisipin panalo kana sa lahat!" ani ni Laurice. Hindi naman nakaimik si Ben at tila hindi kumbinsido sa sinabi ni Laurice. "Dad, are you sure na hindi tayo napansin ni Ben habang sinundan sila?!" mahinang tanong ni Maureen kay Robin habang nagtatago sa isang pader. Sinundan nila si Ben para malaman at makita kung totoo ang kanilang nalaman na sila ang

