"Paano tayo makakaalis dito, Dad?! I am so stinky na at makati na rin ang katawan ko!" Reklamo ni Maureen sa kanyang ama. "Laurice, please let us go! Ano pa ba ang kailangan mo eh binigyan kana naman ni Lucky ng pera!" aniya kay Laurice. Sobrang sakit na nang kamay ko dahil sa pagkakagapos. Pagod na pagod na akong magmakaawa kay Tita Laurice para dalhin sa ospital si Wyn. Mas lalo pa siyang nagalit dahil sa mga pinagsasabi ni Tito Robin sa kanya. Mas naging pursigido pa siyang patayin kaming lahat. Tanging si Lucky lang ang makakatulong sa amin pero paano niya kami matutulungan kung hindi naman niya alam kung saang lupalop kami ng Pilipinas. Sabik na sabik na akong mayakap ang mga kapatid ko. Kamusta na kaya sila? Napagdesisyonan ni Tita Laurice na ibalik sa kwarto si Wyn kasama pa ang

