Nang makauwi ako sa bahay galing sa City Hall ay naabutan ko ang tatlo kong kapatid at si Ben na nakaupo sa terrace. Napangiti naman ako sa kanila. Kahit na napagsalitaan ko si Ben ng hindi maganda noong nakaraan, nagpapasalamat pa rin ako at hindi siya umalis dito sa bahay. Kami nalang din ang itinuturing niyang Pamilya kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung iiwan kami ni Ben. Plano ko rin na kausapin siya para humingi ng pasensiya dahil sa mga sinabi ko. "Nakakatuwa naman kayo dahil talagang hinintay niyo pa ako dito. Nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko kayong ganyan." Ngumiti ako sa kanila ngunit napaka seryoso ng mga tingin nila sa akin. Hindi maipinta ang kanilang mga mukha. Ang sakit din ng tingin sa akin ni Ben. "Masaya kaba sa trabaho mo?" malamig na tanong ni Ben sa a

