"Are you serious Lucky? Magiging Sekretarya mo siya?!" Naiinis na sabi ni Maureen habang naka cross legs na nakaupo sa sofa. Nandito na ako ngayon sa City Hall at magiging Sexretary ni Lucky, ay este Secratary pala. Kahit paano ay makakita ako ng pera sa malinis na paraan although na naiinis pa rin ako sa Lucky na 'to. Kanina pa nga ako nandito pero hindi niya ako pinapansin dahil masyadong pabebe itong si Maureen. Anyway, kumikinang ang legs niya sa sobrang puti ha. Nakakainggit talaga, kung ikompara ang legs niya sa legs ko malayong malayo. May peklat pa ako sa bandang hita at hindi naman gaanong makinis. Mas makinis pa nga ang sahig dito sa City Hall kompara sa legs ko. Hindi naman pinansin ni Lucky si Maureen at nakatingin lang ito sa laptop niya. Simula ng dumating ako kanina wala n

