“Zairyle, ayos ka lang ba?” tanong sa akin ng kaibigan kong si Aida. Ala-una na ng madaling pero gising pa rin kaming dalawa.
Hindi muna ako umuwi sa bahay namin. Sa halip ay nakitulog muna ako rito sa bahay ng kaibigan ko.
In-off ko rin muna ang cellphone ko para walang tawag nang tawag sa akin dahil wala talaga ako sa mood makipag-usap kahit na kanino.
“Ayos lang naman,” sagot ko.
“But your face says otherwise, Zairyle,” prangka na sabi sa akin ni Aida. “At saka, hindi pa ba tayo matutulog?”
“Hindi pa ako inaantok, Aida,” mahinang usal ko. “Matulog ka na kung inaantok ka na. Mayamaya pa siguro ako makakatulog nito.”
“Hindi nga rin ako inaantok, eh. Ahm, gusto mo ba na kumain na lang tayo? Gusto mo ba ng noodles, Zai?”
“Hindi ko alam.”
“Ba’t hindi mo alam? Daig mo pa ang broken hearted, ah.”
“Parang wala akong gana sa lahat,” ani ko sabay buga ng hangin. “Tinatamad ako na hindi ko maintindihan.” Biglang humalakhak si Aida kaya napatitig ako sa kaibigan ko. “Ano’ng nakakatawa?”
“Wala naman. Ahm, naisip ko lang bigla kung ano rin ang ginagawa ngayon nang daddy ninong mo.”
“Siguro tulog na siya.”
“Hindi ka ba niya tinatawagan?”
“In-off ko ang cellphone ko kaya hindi talaga niya ako matatawagan.”
“Kaya pala ang tahimik, eh! Kung nakabukas lang ‘yang cellphone mo ay baka maya’t maya ka tinatawagan ng lalaking ‘yon.”
“Ewan ko lang. Siguro nga.”
“Daig mo pa ang namatayan, Zairyle. Nagdaramdam ka na agad gayong hindi mo pa nga alam kung ano ba ang relasyon ng dalawang ‘yon. Hindi mo ba alam na baka magkapatid sila o ‘di kaya’y magpinsan lang?”
“I have known him since I was a kid, Aida. I know almost everything about his life including his family. So, it's impossible that I didn't recognize that girl if she's a family member of his.”
“You have a point. So, what now?”
“I don't know,” tamad kong wika. “Teka, maiba ako? Akala ko ba balak mong kumain ngayon? P’wede bang kumain na lang tayo?”
“Of course! Come on, let's get up.”
“Okay.” Pumunta kaming dalawa ni Aida sa kitchen. Dahan-dahan lang ang pagkilos namin dahil baka magising ang mga kasambahay nila.
“Ano ba’ng gusto mo, Zai? Gusto mo ba ng pasta?”
“Kahit ano.”
Iniabot niya sa akin ang tinapay. “Oh, kumain ka muna nito. Magtimpla ka ng gatas o 'di kaya'y kape kung gusto mo. Ikaw na bahala kung ano’ng gusto mong ilagay na palaman diyan sa tinapay na ‘yan.”
“Thanks.”
“Iniisip mo ba na kapag nagkaroon na ng girlfriend ang daddy ninong mo ay pababayaan ka na niya o ‘di kaya'y balewala ka na sa kaniya kaya ka nagkakaganiyan, Zai?”
“Ganoon naman talaga ang mangyayari, ‘di ba?”
“We're not sure yet.”
“Ganoon ‘yon,” giit ko. “Halata naman sa mukha no'ng babae na hindi ‘yon mabait.”
“Hay naku, Zairyle Anne!”
“Nakita mo naman na mukhang mataray, ‘di ba?”
“Sa tingin mo ba magpapa-under ang daddy ninong mo sa kahit na sinong babae? His face says it all that he's the ruler that they must need to follow.”
“Maaaring mabago ‘yan kapag nagmahal na siya ng totoo, Aida,” ani ko dahil marami na akong nasaksihan na kahit gaano pa katigas ang isang lalaki ay napapalambot ito ng babaeng mahal nila.
“Sabagay,” sang-ayon ni Aida. “Kagaya na lang ng mga napapanood natin sa telebisyon saka sa mga nababasa natin sa pocket book, ‘no?”
“Oh, ‘di ba? Kahit nga gangster, mafia boss leader, ex-convict o kahit nga drug lord pa, eh, ‘di ba? Hindi mo akalain na isang babae lang pala ang magiging katapat ng mga ‘yon.”
“Makapangyarihan talaga ang pag-ibig, ‘no? So, you mean, malaki ang chance na maging palangiti ang daddy ninong mo kapag nagmahal na siya? Eh, kasi laging nakasimangot ang lalaking ‘yon, eh. Pero, hindi ko ma-imagine na magiging palangiti ang daddy ninong mo. Imbes na matuwa ako, siguro mas matatakot ako lalo.”
“Bakit naman? Hindi naman nakakatakot ‘yong mukha ng daddy ninong ko, ah?”
“Hindi nga! May sinabi ba ako na nakakatakot ang mukha ng daddy ninong mo? Ang lakas nga ng dating ng lalaking ‘yon, eh. Daig niya pa nga ‘yong mga naging bida sa mga action movies, eh. Sa tingin mo ba magaling din kaya siya sa…”
“Saan?” kunot-noo kong tanong.
“Sa ano…alam mo na ‘yon, Zairyle!”
“Saan nga? Wala akong idea sa mga sinasabi mo talaga!”
“Sa s*x ba!” direstsahan nitong wika dahilan para mapangiwi ako. “Magaling din kaya ang daddy ninong mo sa ganoon?”
“Aida, baliw ka ba? Ang dumi ng isip mo, eh, ‘no?”
Biglang tumawa ng malakas ang kaibigan ko kaya nag-alala ako bigla na baka magising ang ilan sa mga kasambahay nila.
“Hoy, Aida! Hinaan mo ‘yang boses mo!” saway ko dahil para na itong baliw. “Para kang tanga gayong wala namang nakakatawa sa sinabi mo.”
“Ay, wala ba? Anyway, luto na ‘tong noodles kaya kumain na tayo.”
“Mas mabuti pa nga.”
Habang kumakain kami ng noodles ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ng kaibigan ko kaya napapailing na lang ako.
“Zyryle!” pukaw ni Aida sa akin makalipas ang ilang minuto. “Uuwi ka na ba mamaya sa bahay niyo?”
”Bakit?”
“Gusto ko sanang pumunta sa park mamaya, eh. Punta kaya tayo sa park mamayang five or maybe six? What do you think?”
“Wala akong dalang damit.”
“Anong wala? Tambak kaya ang mga damit mo rito sa bahay!”
“Oo nga pala.” Sa tuwing natutulog kasi ako rito sa bahay nila ay lagi akong nagdadala ng damit at pagkatapos ay hindi ko na iniuuwi ang mga ‘yon para sa susunod ay may maisuot ulit ako.
“Five na lang tayo umalis rito sa bahay, Zai.”
“Sige. Ikaw ang bahala.”
“Tumambay tayo sa park kahit mga three hours lang siguro.”
“Okay.”
“Hindi na ba tayo matutulog?”
“Matutulog pa! Ang aga-aga pa, eh. Ano ka aswang?”
“Eh, hindi rin naman kasi ako inaantok, Zairyle. Isa pa, matagal-tagal na rin no’ng huli akong nakapunta sa park. Matagal na rin no'ng huli ko siyang makita…”
“Sino?”
“Ha?”
“Sino ‘yong matagal mo nang hindi nakikita?”
“Ha? Ano ba’ng sinasabi mo riyan? Wala akong sinasabi, ano?”
Pinanliitan ko ng mga mata ang kaibigan ko dahil sigurado ako sa narinig ko kahit pa nga mahina ang pagkakasabi niya. “Mayroon kang crush sa park kaya gusto mong pumunta ng maaga roon, ano? Sino? Kilala ko ba?”
“Wala!”
Kung kanina ay siya itong tawa nang tawa, ngayon naman ay ako na. Paano, halata sa mukha ng kaibigan ko na mayroon itong itinatago mula sa akin.
“Naglilihim ka na sa akin ngayon, ah.”
“Wala nga kasi! Kulit mo!”
“Weh? Meron, eh.”
“Hay naku! Bahala ka na nga riyan!”
“Pumapag-ibig na ang kaibigan ko, ha? Dalaga na talaga siya, oh! May crush na!”