Chapter 1. Pagkainip!
“Zairyle Anne, Veluz,” mahinang tawag sa akin ng kaklase kong si Aida habang malapad na nakangiti. Bahagya pa akong niyugyog na parang nababaliw na.
“Bakit ba, Aida? Baliw ka ba?”
“Hinihintay ka na ng Daddy Ninong mo,” imporma nito sa akin habang nakatingin sa unahan.
“Ha? Saan?” Napatingin ako sa direction na tinitingnan ni Aida.
Nakita ko nga ang daddy ninong ko na nakasandal sa sasakyan niya habang nakapamulsa. Seryoso ang mukha at halatang kanina pa ako hinihintay.
Tinatawag kong daddy ang ninong ko dahil para ko na siyang ama.
Ang mga bagay kasi na hindi nagagawa ng daddy ko sa akin ay si Ninong Lord Winzhel ko ang nagpupuno.
Paano ko nasabi? Siya lang naman kasi ang pumupunta lagi rito sa school ko kapag may meeting ang mga parents.
Siya rin ang nagbibigay sa akin ng allowance ko kahit hindi naman dapat dahil tungkulin iyon ng mga magulang ko.
In short, si Ninong Lord ang nagbibigay sa akin ng lahat ng mga pangangailangan ko kaya naman mahal na mahal ko siya.
“Where did you go? What took you so long?” seryosong tanong sa akin ni Daddy Ninong nang makalapit ako sa kaniya. “You are thirty minutes late, Zairyle.”
Si Aida kasi ay sobrang tagal kumilos kaya naman kahit uwian na ay nasa loob pa kami dahil kung ano-ano pa ang ginagawa ng kaibigan ko.
Isa pa, napag-usapan din kasi namin ang mga binabalak naming gawin sa darating na bakasyon kaya natagalan kami.
Next week kasi ay summer vacation na namin kaya napag-usapan namin ang mga binabalak naming gawin sa loob ng dalawang buwan na bakasyon.
Isa pa sa dahilan ni Aida kaya kami natatagalan sa loob ay dahil ayaw daw kasi nito na makipagsiksikan sa maraming tao kaya naman hinihintay pa namin na makalabas muna ang lahat ng mga estudyante bago kami lumabas.
“Sorry po, Daddy Ninong,” paghingi ko ng tawad. “May tinapos lang po ako sa loob. Ginawa ko na po kasi ang assignment ko para mamaya po ay wala na akong gagawin sa bahay.”
“Let's go,” sa halip ay sabi ni daddy ninong sa akin. “Get in the car.”
“Yes, Daddy Ninong.” Pasimple akong kumaway kay Aida dahil papasok na ako sa loob ng sasakyan ni daddy ninong. Wala pa kasi ang service niya kaya mauuna na akong umuwi sa kaibigan ko.
“Ingat kayo sa pag-uwi, Zairyle!” nakangiting wika ng kaibigan ko pero ang mga mata nito ay nakatitig sa daddy ninong ko. “Bye!”
“Ingat ka rin, Aida! Bye!” wika ko bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ni daddy ninong.
Nakita ko pa sa side mirror kung paano kiligin ang kaibigan kong si Aida kaya natawa ako.
“Bakit ba ang tagal mong lumabas?” tanong ni daddy ninong sa akin habang nasa biyahe kami. Bakas sa boses ni daddy ninong na naiinis siya sa akin. “Ano ba’ng ginagawa ninyo sa loob? Sa tuwing sinusundo kita ay lagi na lang akong naghihintay ng matagal sa iyo, Zairyle!”
“May tinapos lang po talaga ako, Daddy Ninong,” pagsisinungaling ko.
“Don't lie to me, Zairyle!” may diin niyang wika na tila ba may kasamang pagbabanta. “My friend said that you and your friend are talking to some guys about the upcoming summer vacation. What was that?”
Napatitig ako sa daddy ninong ko. Sino kaya ang nagsumbong sa kaniya? May spy ba siya sa loob ng room namin?
Sino naman ang magiging kaibigan niya sa loob, eh, wala naman akong napansin kanina na may ibang tao sa loob ng classroom namin bukod sa mga kaklase ko?
“Wala po talaga, Daddy Ninong,” giit ko. “Hindi muna po kasi kami lumabas dahil po marami pang tao.”
“I'm warning you. Don't continue to lie, Zairyle.” Napalunok ako dahil nakita ko na dumilim ang hitsura ng daddy ninong ko.
“A-ano po kasi…”
“What?!” Nagulat ako sa pagsigaw ni daddy ninong kaya hindi ko alam kung ibibuka ko pa ba ang bibig ko o mananatili na lang na nakatikom. “You were going on a vacation with a guy?”
“Daddy Ninong, hindi po ganoon iyon. Hindi pa naman po sigurado. Hindi pa nga po ako nagpapaalam kina daddy at mommy, eh. Napag-uusapan lang po namin ang tungkol sa nalalapit na summer vacation pero wala pa pong final,” paliwanag ko.
“Don't you dare go with them, Zairyle,” may pagbabanta na wika ni daddy ninong sa akin na labis kong ipinagtataka. “You're not going anywhere.”
“Sige po,” sabi ko na lang para hindi na siya magalit sa akin dahil hindi ako sanay na pinagtataasan ako ng boses ng daddy ninong ko. “Hindi na po ako sasama.”
“Good.”
Nang makarating kami sa tapat ng bahay namin ay pinagbuksan ako ni daddy ninong ng pinto ng sasakyan.
“Pumasok ka na.”
“Hindi na po ba kayo papasok sa loob ng bahay?” tanong ko. Sa tuwing inihahatid niya kasi ako rito sa bahay ay pumapasok pa siya sa loob saka lang siya aalis.
“Hindi na dahil may pupuntahan pa ako," sagot sa akin ni daddy ninong sabay sulyap sa suot niyang relo.
“Can I come, Daddy Ninong?”
“You can't.”
“Bakit po?”
“Business meeting ang pupuntahan ko at puro lalaki ang mga kasama ko kaya bawal kang sumama.”
“Bakit po hindi p'wede? Kasama naman kita kaya sigurado ako na magiging safe ako, eh. Sige na po, please?”
“No.”
“Please, Daddy Ninong? Wala naman po kasi akong gagawin sa bahay at wala rin naman po akong pasok bukas. Tinapos ko na rin naman po ang mga assignment ko kaya matutulog na lang ako kung tutuusin.”
“Stay here and rest.”
“Please, Daddy Ninong?” pamimilit ko sa daddy ninong ko na may kasamang lambing dahil yumakap ako sa baywang niya habang nakatingala ako at nakatitig sa guwapo niyang mukha.
Makakapal ang mga kilay ng daddy ninong ko, matangos ang kaniyang ilong, kayumanggi ang kulay, matangkad at higit sa lahat ay malaki ang pangangatawan.
He's almost perfect!
Ang problema lang naman sa daddy ninong ko ay hindi siya tumatawa. Suplado kung tawagin kaya naman madalas siyang katakutan ng mga tao.
Ang mga katulong namin ay ilag na ilag sa daddy ninong ko dahil ramdam daw ng mga ito ang madilim na awra ng daddy ninong ko.
Sa tuwing pumupunta naman ako sa bahay niya ay halos nakayuko ang mga kasambahay niya na para bang mapapahamak ang mga ito kapag tumingin sila sa mga mata ng daddy ninong ko.
Forty two na si Daddy Ninong at ako naman ay twenty years old. Kababata siya ng daddy ko kaya naman halos anak na rin ang turing niya sa akin.
Mas mahigpit pa nga ang lalaking ‘to kumpara sa mga magulang ko, eh.
Minsan nga kapag may pupuntahan ako tapos hindi ako pinayagan ay si daddy ninong ang tinatawagan ko. Siya ang nagpapaalam sa mga magulang ko para sa akin kaya ako nakakaalis pero may oras lang.
Kapag hindi ko nasusunod ang ibinigay niyang oras ay nagagalit siya sa akin. Katakot-takot na sermon ang inaabot ko mula sa daddy ninong ko.
Pero, kahit ganoon ay hindi ako nagtatanim ng sama ng loob sa kaniya dahil alam ko na para naman sa akin ang mga sinasabi niya.
Kung titingnan ay parang siya ang batas sa pamilya namin. Siya kasi ang nasusunod lalo na kung tungkol na sa akin ang pinag-uusapan.
“Pumasok ka na sa loob, Zairyle!” medyo inis ng wika ni Daddy Ninong dahil sa kakulitan ko pero mariin akong umiling-iling.
“Please, Daddy Ninong? Isama mo na po ako?” Pinatakan ko na rin ng halik ang pisngi ni Daddy Ninong. Kailangan ko pang tumingkayad dahil hanggang dibdib niya lang ako. “Please po?”
“Fine.” Bakas sa mukha ni daddy ninong na napilitan lang siyang pumayag pero kahit gano’n ay masaya pa rin ako.
Wala naman kasi talaga akong gagawin dito sa bahay namin.
“Go and change your dress. I will wait for you here.”
“Hindi po ba muna kayo papasok sa loob? Maliligo pa po kasi ako dahil pinagpawisan ako sa school, eh. Siguro po matatagalan ako ng mga isang oras. Okay lang po ba, Daddy Ninong?”
“It's fine. I'll wait for you here.”
“Okay po, Daddy Ninong!” ani ko at hinalikan ang daddy ninong ko sa lips niya. Lagi ko naman kasing ginagawa iyon at wala namang malisya iyon.
Ang paghalik ko sa lips niya ay tanda ng pagmamahal ko sa kaniya dahil lagi siyang nasa tabi ko kailangan ko man siya o hindi.
“Maligo ka na, Zairyle,” mahinang bulong ni daddy ninong sa akin. “Bilisan mo na dahil baka magbago pa ang isip ko.”
“Okay po! I love you, Daddy Ninong!”
“I love you too, baby,” wika ni daddy ninong sa akin kaya napangiti ako ng malapad.
He always said that he loves me even if he's mad at me sometimes.
“Saglit lang po ako. ‘Wag po kayong aalis, ha? Bibilisan ko na lang po ang pagligo ko para hindi kayo ma-late sa meeting ninyo."
Tango lang ang isinagot ng daddy ninong ko sa akin kaya naman tumakbo na ako papasok sa loob ng bahay dahil baka magbago pa ang isip niya.