Habang nasa meeting si Daddy Ninong ay naisipan ko munang lumabas mula rito sa opisina niya para bumili ng pagkain sa labas.
Nagugutom na kasi ako kaya balak kong bumili sa fastfood na katapat lang nitong building kung saan ako nakatayo ngayon.
Tiyak na makakabalik din naman agad ako bago pa man matapos ang meeting ni daddy ninong. Kailangan kong makabalik kaagad dahil kung hindi ay baka hindi na niya ako isama sa susunod.
Nasa thirteenth floor itong opisina ni Daddy Ninong kaya naman kailangan ko pang gumamit ng elevator para makapunta sa ibaba.
“Kuya, diyan lang po sa tapat,” paalam ko sa guard nang harangin ako nito sa tangkang paglabas.
“Ma'am Zairyle, nagpaalam po ba kayo kay boss?” tanong nito sa akin.
“Hindi po, eh. Nasa meeting po kasi siya, eh,” sagot ko. “Babalik din naman po ako agad. Nagugutom na po kasi ako, eh. Bibili lang po ako ng pagkain diyan sa tapat.”
“Nagbilin po kasi siya sa ‘kin na kung sakaling lalabas daw po kayo ay tawagan ko raw po muna siya. Siya raw po ang magsasabi kung p'wede kayong lumabas o hindi.”
“Babalik din po talaga ako. Bibili lang po talaga ako ng pagkain namin ni daddy ninong. Hindi na po ako nagpaalam dahil nasa meeting siya. Ayaw ko rin naman po na tawagan siya dahil baka maistorbo ko pa kung anuman ang pinag-uusapan nila.”
“Ako naman po kasi ang mapapagalitan, Ma'am.”
“Ako po ang bahala sa inyo,” sabi ko. “Sasabihin ko na lang kay daddy ninong na gutom na gutom na ako kaya inaway ko kayo para payagan na akong lumabas.”
“Pero, mahigpit po siyang nagbilin sa akin, Ma'am.”
“Ako po ang bahala sa inyo,” paniniguro kong sabi. “Ako po ang kakausap sa daddy ninong ko kung sakaling magkaroon ng problema.”
“Mamaya na lang po kayo lumabas, Ma'am. Hintayin niyo na lang po munang matapos si Boss Lord sa meeting niya. Sigurado po kasi akong magagalit siya, eh.”
“Hindi po siya magagalit, Kuya,” paniniguro kong wika ulit. “Saglit lang po talaga ako. Wala po akong ibang gagawin kun'di bibili lang talaga ng pagkain diyan sa tapat nitong building ni daddy ninong tapos babalik na rin po agad ako.”
“Hindi po p'wede, Ma'am. Magagalit po talaga si Boss Lord sa amin–”
Bigla akong tumakbo ng mabilis palabas kaya naman wala ng nagawa ang guard kung hindi tingnan na lamang ako.
Mas lalo kasi akong matatagalan kung hindi niya pa ako papayagan na lumabas agad.
Mapapagalitan ako ni daddy ninong kapag naabutan niyang wala ako sa opisina niya.
Nagugutom na kasi talaga ako dahil kaunti lang ang kinain ko kanina sa school.
Habang nakapila ako sa counter ay napansin ko na may isang lalaki na kanina pa ako tinititigan na para bang may gusto siyang sabihin sa akin.
“Ma'am, ito po ang number ninyo. Tutunog po ‘yang buzzer na ‘yan kapag ready na po ang order ninyo,” wika ng cashier sabay abot sa akin ng buzzer.
“Salamat po,” sabi ko naman.
Habang hinihintay ang order ko ay naghanap muna ako ng bakanteng upuan kung saan p'wede akong umupo.
Pag-upong pag-upo ko ay bigla akong nilapitan ng lalaki na nakita ko na titig na titig sa akin kanina. Umupo ito sa harap ko at nangalumbaba pa talaga.
“Hi,” bati nito sa akin.
“Hi,” pabalik kong bati kahit naiilang ako. Matangkad, maputi at patpatin ang lalaking nakaupo sa harapan ko ngayon.
Medyo may hitsura din naman ito at halatang kaedad ko lang din.
“Zairyle, right?”
“Paano mo nalaman ang pangalan ko?” takang tanong ko.
“Iisa lang kasi ang school natin. In short, schoolmates tayo, Zairyle.”
“Ha? Sure ka? Ba't hindi kita nakikita sa school?”
“Imposible naman na hindi,” tila nagtatampo na wika sa akin ng lalaki. “Ikaw nga lagi kitang nakikita sa university, eh.”
“Weh? ‘Di nga?”
“Oo nga.”
“Hindi ako naniniwala.”
“Bestfriend mo si Aida San Jose, right?”
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa lalaki. Paano kaya nalaman ng lalaking ‘to ang tungkol sa bagay na iyon?
“Saang building ka?” tanong ko. "Anong course mo? Bakit mo kilala si Aida?"
“Tapat lang halos ng building ko ang building ninyo kung saan kayo pumapasok ni Aida.”
Paano kaya kami nakilala ng lalaking 'to? Duda talaga ako sa mukha nito. Hindi ko kasi talaga siya nakikita sa school, eh.
"Hindi ako masamang tao, Zairyle," wika nito pagkuwan sa akin.
Napansin siguro nito na masama ang tingin ko sa kaniya.
Paano ba naman bigla na lang itong sumulpot tapos titig na titig pa.
"P'wede ba tayong maging magkaibigan?" tanong nito sa akin. "By the way, I'm Larry. Larry Sandoval."
"Okay."
"Hindi ka man lang ba magpapakilala?" tanong niya sa akin dahilan para matawa ako.
"Bakit pa ako magpapakilalala kung kilala mo na ako?" tanong ko habang nakakrus ang mga braso ko. "Baka nga pati birthday ko ay alam mo, eh."
"Alam ko talaga. Updated kaya ako tungkol sa buhay mo."
"Talaga ba?"
"Oo naman! Lagi ka ngang sinusundo no'ng tiyuhin mo, 'di ba?"
"Tiyuhin? Sinong tiyuhin?" tanong ko dahil napaisip ako ng malala.
Nag-iisang anak lang kasi si Dad at ganoon din ang mommy ko kaya wala akong tiyuhin o tiyahin man lang.
"'Yong lalaking laging nakasimangot kung magsundo sa iyo."
"Ah, hindi ko 'yon tiyuhin–" Nagulat na lang ako nang biglang dumating si daddy ninong at pagkatapos ay tinutukan nito ng baril ang ulo ni Larry.
"Who the f**k are you?"
Napatayo ako bigla para lapitan si daddy ninong.
"Schoolmate ko po 'yan, Daddy Ninong."
"I don't care who you are," wika ni daddy ninong kay Larry at hindi ako pinansin "If I saw your face again, you're dead. Understood?"
"S-sorry po. Hindi na po mauulit!"
"Is that f*****g clear?"
"Opo, naiintindihan ko po ang mga sinabi ninyo. Hindi na po ako lalapit pa kay Zairyle. Sorry po talaga." wika ni Larry na halatang takot na takot dahil pati ang boses nito ay nag-iba ang tono.