“Daddy Ninong, p'wede po ba tayong dumaan muna sa bake shop?” tanong ko sa daddy ninong ko habang bumibiyahe kami pauwi.
Sinundo niya kasi ako galing sa school. Siya kasi ang sumusundo sa akin palagi kahit may driver naman kami. “Okay lang po ba?”
“Why?”
“Birthday po kasi ni Anton ngayon,” sabi ko. “Inimbitahan niya po ang lahat ng mga kaklase namin at kasama na po ako roon kaya po pupunta ako mamaya.”
“What time?”
“Po? Ang alin?”
“What time will you be at the birthday party and what time will I pick you up?”
“Daddy Ninong, si Mang Tomas na lang po ang susundo sa akin mamaya para hindi ko na po kayo maistorbo pa. Isa pa po, alam kong pagod kayo sa trabaho kaya magpahinga na lang po kayo.”
Ang tinutukoy kong susundo sa akin mamaya ay ang family driver namin. Hindi naman kasi p'wede na magpasundo pa ako kay daddy ninong mamaya kapag gabi na ako umuwi.
“What time, Zairyle?” ulit na tanong sa akin ni daddy ninong na may kasamang diin. “Answer me.”
“Alas-siyete po ng gabi ako pupunta at balak ko pong magpasundo kay Mang Tomas bago po mag-eleven or twelve po," sagot ko.
“What?!”
Biglang nagpreno ng sasakyan si Daddy Ninong kaya nagulat ako. Kung wala siguro akong suot na seat belt ay baka nagtamo na ako ng katakot-takot na bukol.
“Seven in the evening to eleven or twelve, Zairyle Anne? Are you out of your f*****g mind?”
Kapag ganitong kumpleto na ang pangalan ko ay alam kong hindi na maganda ang timpla ni daddy ninong.
“I will not let you go to that f*****g party, Zairyle Anne. I don't want you to be put in danger.”
“Hindi naman po ako mapapahamak doon dahil po marami naman kami. Isa pa po, mabait po ang mother ni Anton kaya wala pong mangyayari sa akin doon, Daddy Ninong.”
“You don't know what can happen in the future, Zairyle. Did your parents know about this? Did your parents agree?”
“Hindi pa po ako nagsasabi sa kanila, Daddy Ninong.”
“See? Your going to that f*****g party without telling them?”
“Kahit naman po hindi na ako magpaalam sa kanila,” sabi ko. “Ang mahalaga po ay alam mo.”
Madalas kasi ay hindi na ako nagpapaalam sa mga magulang ko pero sa daddy ninong ko ay lagi akong nagpapaalam at hindi p'wedeng hindi dahil tiyak na katakot-takot na sermon ang aabutin ko.
“I don't want you to go to that party,” pahayag ni daddy ninong at pinaandar na ulit ang sasakyan. “Stay in your house and study your lesson. I'm sure that your classmates will drink alcohol and I don't want them to influence you.”
“Daddy Ninong, hindi po mangyayari ‘yon.”
“Let's say you will not drink? What if they get drunk and do something to you? You don't know what can happen especially when they're under the influence of alcohol, Zairyle.”
“Sumama na lang po kayo sa akin para po hindi na kayo mag-alala,” suhestiyon ko. “Kahit po alas-otso na tayo pumunta roon, Daddy Ninong.”
“Kailangan ba talaga pumunta ka roon Zairyle?”
“Matagal na po kasing nakaplano ang tungkol doon, Daddy Ninong. Magtatampo po kasi sa akin sina Tita Maria at Tito Lando kapag hindi ako pumunta. Halos lahat po kasi ng mga kaklase namin ay pupunta kaya gusto ko rin po talagang pumunta.”
“Alright.”
“Payag na po kayo?”
“I'll go with you.”
“Yehey! Thank you, Daddy Ninong! I love you!” Tinanggal ko ang suot long seatbelt at pagkatapos ay bahagya akong lumapit sa daddy ninong ko at ginawaran ko ng maraming halik ang pisngi niya. “Thank you so much.”
“Go back to your seat, baby,” utos niya sa akin na agad ko namang ginawa. “Don't take your seatbelt off when we're on the road.” Ngayon ay mababa na ang tono ng boses ni daddy ninong kaya alam ko na kalmado na siya.
“Yes po, Daddy Ninong. Sorry po.”
“Alright.”
Nang may madaanan kaming bake shop ay itinabi sandali ni daddy ninong ang sasakyan niya. Siya ang unang bumaba at pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto.
“Let's go.”
“Okay po.”
Nasa likuran ko lang si Daddy Ninong habang pumipili ako ng cake. Nang may mapili na ako ay iniabot niya sa akin ang card niya. “Use this.”
“Thank you, Daddy Ninong!”
“Are you not going to buy for yourself?” tanong ni Daddy Ninong sa akin. “You can buy for yourself too if you want, Zairyle.”
“Talaga po?” Bumili ako ng chocolate cake na kakainin naming dalawa ni daddy ninong mamaya. I want to share it to him lalo na’t pera niya ang ginamit ko sa pagbabayad ng mga cake na binili ko. “Than you, Daddy Ninong.”
“You're welcome, baby.”
Pagkatapos naming makabili ng cake ay umuwi na kami. Inihatid muna ako ni daddy ninong sa bahay namin bago siya umuwi sa bahay niya.
Ganoon lagi ang routine namin.
Sinisiguro niya palagi na makakauwi ako ng ligtas saka siya uuwi kahit pa nga pagod na pagod din siya sa trabaho niya.
Siguro magbabago lang ang lahat kapag may asawa na siya. Ngayon pa lang ay nalulungkot na ako dahil tiyak ako na hindi na ako ang magiging priority niya kapag nangyari iyon.
Nasanay na kasi ako na palagi siyang nasa tabi ko simula noon hanggang ngayon. Hindi ko alam kung kakayanin ko na wala ng Lord Vinzhel sa buhay ko.
Siguro nandiyan pa rin naman siya pero hindi na magiging kagaya ng dati na halos laging kami ang magkasama.
Mas nakakasama ko pa nga siya madalas kumpara sa mga magulang ko, eh.
Kaya naman, hindi talaga magiging madali sa akin ang lahat kapag naisipan na niyang mag-asawa.
May edad na si Daddy Ninong kaya sigurado ako na malapit ng mangyari ‘yon. Pero, sana ay mas mauna ako sa kaniyang mag-asawa para hindi ako masyadong masaktan.
“Hija, hindi ka pa ba papasok aa loob?” tanong sa akin ni Yaya Marissa sabay kalabit sa akin kaya bahagya akong nagulat. “Aba’y kanina ka pa nakatayo riyan kahit kanina pa nakaalis si Señorito Lord. Aba’y ano’ng plano mo? Pinagalitan ka ba niya? Inaway ka ba niya?”
“Hindi po.
“Oh, para kanino ang mga iyan?” tanong ni Yaya Marissa sa akin nang makita nito ang mga bitbit ko. “Ito pong isa ay para kay Anton tapos ito naman pong isa ay para kay Daddy Ninong.”
Ito kasing maliit na cake ay kakainin ko lang kapag nagawi rito sa bahay si Daddy Ninong para matikman niya rin ‘tong binili ko.
“Ganoon ba?”
“Opo.”
“O siya, ako na ang magbibitbit ng mga iyan.”
“Sige po, Yaya. Salamat po.”
Habang naglalakad kami papasok sa bahay ay panaka-naka niya akong tinitingnan. Marahil ay napansin niya na medyo matamlay ako.
“May problema ba, Hija?” hindi nakatiis na tanong ni Yaya sa akin.
“Wala po, Yaya.”
“Wala? Imposibleng wala. Maliit ka pa lang ay kilala na kita kaya alam ko na may bumabagabag sa iyo ngayon. Ano ba ‘yon? P'wede mong sabihin sa akin kung ano ang bumabagabag sa iyo, Hija. Malay mo naman, matulungan kita.”
“Yaya," umpisa ko. Hindi naman siguro masama kung magtanong ako sa kaniya.
“Oh, bakit?”
“Kapag ba nag-asawa na si Daddy Ninong, sa tingin mo ba hindi na niya ako mahal?”
“Ha?” Tila biglang naguluhan ang Yaya Marissa ko sa naging tanong ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
“Hays. ‘Wag niyo na lang po akong pansinin, Yaya. Napaisip lang naman po kasi ako bigla kaya tinanong kita."
“Ang ibig mo bang sabihin ay kung magbabago ba ang trato niya sa iyo kung sakaling magkaroon na siya ng kasintahan o ‘di kaya ay asawa? Tama ba ang pagkakaintindi ko, ha, Zairyle?”
“Ganoon na nga po, Yaya.”
“Siguro.”
“Sa tingin niyo po kaya?”
“Oo.”
“Bakit naman po?”
“Kapag nagkaroon na kasi ng kasintahan o ‘di kaya’y asawa si Señorito Lord ay iyon na ang magiging priority niya at hindi na ikaw, Zairyle. Hindi naman papayag ang babae na ikaw ang unahin ni Señorito Lord kaysa sa kaniya kahit gaano pa kabait ‘yon. Eh, 'di siyempre para walang gulo ay 'yon nga ang gagawin ni Señorito Lord.”
“Ganoon po kaya ang mangyayari, Yaya?”
“Ganoon talaga siguro. Hindi naman p'wede kasi na walang magbabago dahil tiyak na mag-aaway sila palagi kung halimbawa ginagawa pa rin ni Señorito ang mga bagay na ginagawa niya sa 'yo ngayon."
“‘Yon na nga rin po ang iniisip ko kaya ngayon pa lang ay nalulungkot na po ako, eh.”
“Ba’t nalulungkot ka? May ipinakilala na ba siyang babae sa 'yo?”
“Wala pa naman po.”
“Wala pa naman pala, eh. Saka ka na mamroblema kapag nakita mo na may babae ng kasama si Señorito. Sa ngayon, kumalma ka muna. Tiyak naman ako na ikaw ang unang makakaalam kapag may babae na ang daddy ninong mo, eh.”